Batang 90's

1 6

Kaway kaway sa mga batang 90's jan! Sarap balikan ng kabataan natin. Swerte natin kasi na experience natin un masayang pagiging bata. Ang laro natin noon ay talagang pagpapawisan ka. Hagaran,tumbang preso,patintero,luksong baka / tinik, Chinese garter,luksong lubid at kung anu anu pa.

Kelangan maaga kang bumangon at maagang matulog. At kelangan mo din matulog sa tanghali kasi kung hindi ka matutulog, hindi ka papayagan maglaro sa labas. Laging may "pamalo" ang mga nanay natin. Tsinelas, patpat,sintron,hanger, at kun anu anu pa. Kaya nga dahil takot tayong mapalo, naging masunurin tayo sa kanila.

Pero kahit napapalo tayo, hindi naman tayo masyadong hinigpitan ng mga magulang natin kaya naranasan talaga natin ienjoy ang pagiging "bata" natin.

Yung experience natin na maging bata at kung panu natin inenjoy ang ating kabataan ay talagang hindi natin makakalimutan dahil yun ang masayang alaala na palagi anting babalikan

Sana maranasan din ng iba pang mga kabataan ang mga ganun kahit na aa panahon ngaun madami ng nagbago lalo na sa technology meron tayo.

Kayo? Anung kwentong kabataan nyo? May kolekyon din ba kau? Tulad ng text,pogs,jolen,paper dolls at robot?Share nyo naman jan.😊😊

2
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder

Comments

hello salamat sa pag share nito maganda buhay nuon kahit simple lang masaya mga kabataan hindi pa nauuso mga gadgets kaya masarap balikbalikan ang maging mga batang 90's

$ 0.00
4 years ago

Tama ka jan. Kaya masarap balikan. Lalo na pag tanghali , yun gustong gusto mong lumabas pero si nanay may batas, bawal lumabas🤣🤣🤣. Kelangan mu munang matulog . Ska ka lang papayagan maglaro pag nakatulog ka na.hahaha

$ 0.00
4 years ago

Isa rin ako sa mga batang 90's.Hindi pa uso ang celfone nun.Ang mga sikat na laro nun ay tumba-lata.Tagu taguan.Luksong baka.Hayyy,,nkakamiss.

$ 0.00
4 years ago