Pera, pera, pera!
Ito ang isang bagay na hindi dapat mawawala sayo kasi kung wala kang pera ay walang makakain, walang pambayad sa renta at ibang bills, walang pambili ng gamot, at iba pa.
Itong bagay na ito din ang dahilan kung bakit ang daming magkaaway at nag.aaway. Sa kadahilanang hindi makabayad sa utang, sa renta, hindi mabili ang luho, mainitin ang ulo dahil sa walang pera, at marami pang iba.
Ang pera ay minsan ang dahilan kung bakit nagpapakamatay ang isang tao. Sa dami kasing pangangailangan ng tao na di malaman kung saan kukuha ng pera lalong lalo na kung para sa pamilya. Ang isang halimbawa nito ay ang mga OFW. Kung saan halos lahat nag-iisip na maraming pera ang nag.aabroad. Ang di nila alam halos wala ng mabili sa sarili ang mga OFW para lang mkapagpadala sa kani-kanilang pamilya. 'Yung iba naman kung makapagdemand, akala mo naman nakahiga nang milyones ang pamilya nila. Kaya yung iba OFW kapag hindi na kinaya, nagpapatiwakal nalang.
Makapangyarihan talaga ang pera kung ito lage ang nasa isip ng bawat tao. Kaya hinay hinay lang po tayo kahit sabihin natin na isa talaga ito sa pangangailan ng lahat pero dapat mangingibabaw pa din ang pagtitiwala sa Dios at huwag magpadala sa mga temporaryong bagay dito sa mundo.
Ang dami pa sanang pwede sabihin kaso limitado lang ang pag-iisip ko sa ngayon. Kayo, ano ba ang pera at ano ang impact nito sa mga tao?
Mineu is the root of evil. Pero Wala tayong magagwa without it kase Yun Yung pinaka Pondo mg mga gagawin natin sa pang araw araw