Magandang gabi at ito nanaman tayo muli nanaman mag iisip at susulat.pero napakagandang gawain to,bukod sa sinasanay natin ang ating isip na sumulat ng may kahalagahan para maibahagi natin sa iba.
Ibabahagi ko lang itong karanasan ko sa pagtatanim.mula kasi ng mag lockdown nawalan na kami ng pasok.parang iyong ginagawa nalang natin sa bahay ay paulit ulit.kaya naisipan kung magtanim para may pagkaabalahan,hindi ko naman hilig talaga magtanim pero ito na tayo.para may aanihin tayo,dahil hindi natin alam kung hanggang kailan babalik sa dati ang buhay.nagsimula akong magtanim sa talbos ng kamote,pagkalipas ng ilang araw,iyong tinanim ko tumutubo na siya at may mga dahon na.nasiyahan ako kaya mas lalo ko pang sinipagan magtanim.dati talbos lng ng kamote tinanim ko,dinagdagan ko ng okra at malunggay at kalabasa,kamatis at sili.mga nakalipas na 3 buwan ang malunggay at talbos ng kamote ang dami ng dahon at ang okra namunga na.oh diba may inani sa pananim..matagal tagal man ang paghihintay,ok lang may naani naman.laking tipid din,dahil kung iyon ay binibili namin sa palengke ngayon kinukuha nalang namin sa taniman namin.malaking tulong din at sariwa pa.kaya subukan nyo din magtanim malaking bagay din iyon para mkatipid.
Maraming salamat at ingat palagi.❤❤
Maganda talaga kung may bakanteng lupa sa bahay nyo ..gamitin sa pagtatanim na pwedeng pakinabangan.lalo na't nahaharap tayo sa matinding crisis.tama ang sinabi mo kapag may itinanim may aanihin.praktikal yan para ditayo magutom sa panahon ng kalamidad o epidemya.wala kamang pera pero may pagkukuhanan kang pagkain sa bakuran mo.