Ibahagi muli natin ang ating nakikita sa ating paligid dagdag kaalaman na din..
Maganda ba nakikita natin ang metro manila ay puno ng malalaking gusali at mga nagsisitaasang kondominyum(condominium)?Anu kaya sa palagay nyo?
Sa nakikita ko hindi maganda,para sa akin lang opinyon ko lang.kawawa kasi ang mga naunang nakatira at bibilhin ng mura ng mga negosyante.pag hindi naman pumayag...alam niyo mangyayari sakanila.pero sana maiisip nila iyong mga maliit na tao na naapektuhan,at iyong kung anu na mangyayari sa boung metro manila kung may kalamidad.kaya pag umuulan ang ibang lugar mataas ang baha..kahit konting ulan lang.kasi halos iyong mga kanal barado na.halos magsiksikan na ang mga tao.dahil dito na binuhos halos lahat ng negosyante sa maynila.at opinyon ko din wala din naman pagkakaiba sa bilihin sa probinsya at ncr.sana pantay pantay iyong sahod ng mga manggagawa pwera lang dun sa mga mataas ang posisyon,dahil alam na natin un.kasi halos lahat ng nagtratrabaho sa ncr galing naman ng probinsya.pero nag titiis dito kasi malaki ang sahod kaysa sa probinsya.kaya sana dumating iyong time na ipantay nila iyong sahod.para mabawasan na ng tao ang ncr at mabawasan din nila iyong pag gagawa ng mga nagsisilakihang gusali.
Yan ay opinyon ko lang naman at sana din..maraming salamat sa inyo at palaging mag ingat..❤❤
tama ka minsan na ako nakatira sa ganyang kapaligiran at talagang naramdaman ako ang pag kakaiba ng buhay sa buhay syudad at probinsya, hangad ko din na maging pantay angsahod sa syudad at maynila dahil pareho lang naman halos angpresyuhan ng mga pangangailangan sana may makaisip nito sa ating mga pulitiko na gumawang batas para dito