read.cash Log in

@Aidanifty2

Joined 23 October 2022 · 185 posts

🌻 Let's live well and enjoy life! 🌻

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Aidanifty2

Happy August πŸ¦‹ Napaka dalang ko pong mag post dito dahil siguro natapos na yung mga araw ng pandemic. At busy na ulit sa buhay buhay... bumilis na ulit yung ikot ng mundo. Pero masaya ako na sa tuwing mapupunta dito, nakikita ko pa rin na patuloy ang noise. πŸ€— Sa ngayon ako ay ina-atake ng anxiety. At dito ako napunta dahil kailangan kong maglabas ng damdamin. Kahit na kasi sinusubukan kong maging tahimik at maingat lang sa buhay, talagang dadating ang problema. Alam ko naman ito, na patuloy pa rin ang buhay kahit may problema, kaya lang yung proseso ng pagharap sa problema ang kinakatakutan ko. Parang yung overthinking at paghihintay sa mga susunod na mangyayari, resolution or consequences, yun yung nagpapahirap sa akin. Parang kaya kong tanggapin ang sakit at hirap, pero para madamay ang ibang tao, parang dun ako napanghihinaan ng loob. Minsan nga parang gusto ko ng matapos ang lahat pero sayang naman diba? nakakatakot lang talaga ang future. Ang hiling ko lang talaga, na sa dulo nito, kahit papano di ako ganoon ka miserable, sana magaan akong lilisan sa aking pagtanda. πŸ™

@Aidanifty2

πŸ˜‡ I'm back Gone for too long and idk what happened the past 3 months here. Masyado po akong naging busy sa ibang personal bagay. Pero namiss kong mag post dito... May mga bagay po ba ako na dapat malaman? kamusta po kayo? ano po ang mga bagong ganap??

@Aidanifty2

🌼 alive again I spent a week really sick and another one recovering. As in last week, kinailangan kong uminom ng mga gamot tulad ng alaxan sa umaga at tuseran forte sa gabi dahil sa ubo at sakit ng leeg at shoulders ko. Pag umuwi ako galing trabaho, hindi ako makagawa sa bahay dahil mabigat pa rin ang pakirandam ko. Ngayong week lang ako naging okay. Hindi na ako masyadong inuubo at hindi na rin masakit ang katawan ko. Happy at comfortable na ako ulit kaya ito nagparandam na ako dito. Thank u kay lord. πŸ™

@Aidanifty2

🀧 sick again Since january 1st may tonsilitis at fever ako. Di ko (nanaman) masyadong na enjoy yung bakasyon. Kahit nag-iingat ako, tinablan pa rin ako ng sakit. Siguro kulang ako sa nutrisyon at pahinga. Ingat po tayo. Sana ay gumaling na ako at walang ibang mahawa sa akin. πŸ’™

@Aidanifty2

🧹 cleaning time Bago mag new year, maglilinis muna ako ng mga kagamitan. Masarap sa pakirandam mag linis ng bahay. hehe. hangang ngayon struggling pa rin ako mag-practice ng minimalism. Dumami pa yata ang gamit ko after ng pandemic. πŸ˜… pero goal ko pa rin maging mas malinis at masinop sa gamit. Sana'y maging maaliwalas ang ating mga bahay sa darating na taon!

@Aidanifty2

😌 sabaw moment Kagabi, 10:30 pm na, nagpanic ako dahil naalala ko na hindi ko napatay yung computer ng kasama ko sa opisina. Wala kasi siya pero may kinailangan akong kunin sa pc niya. Nag-alala ako ng bongga. Kinumbinsi ko ang sarili ko na ok lang yun. napa-search pa ako. Sabi ng friend kong si g, pwede naman daw maiwang nakabukas ang pc ng overnight pero iba pa rin ang kaba ko. Buti na lang at nagtanong ako sa huling nag-out sa amin, at salamat naman at nakita pala niya na bukas, kaya pinatay niya ang pc! Sobrang nawala ang pag-aalala ako. πŸ€—πŸ˜Ή

@Aidanifty2

πŸ† Prize from Christmas Party Late upload. Last week we had a Christmas party in the office at nanalo ako sa pa-raffle. 25 kilo rice! Hindi ito grand prize pero choosy pa ba ako? Happy talaga ako dahil libre ko itong nakuha. Matagal din bago ko nai-uwi ito sa bahay dahil nagpatulong pa ako sa kuya ko. Mabigat kasi haha. kung kaya ko lang buhatin mag-isa ginawa ko na. 🀣 Thank u syempre kay lord dahil sa pamasko na ito. πŸŽ„

@Aidanifty2

πŸŽ„ Happy Holidays! Merry Christmas po sa lahat. Sana ay maging masaya at masagana ang holidays nating lahat. Di ako makaupload ng photo baka dahil mabagal ang net ko? 😒 sa susunod na lang magshare po ako.

@Aidanifty2

🍝 Spaghetti Brother cooked Pasta with pesto para sa dinner namin ngayong gabi. May grated cheese, mushroom, at salmon fish din siya. Masarap siya! (pero mas gusto ko pa rin yung white or red sauce). Good evening sa lahat, kain po tayo. πŸ’™

@Aidanifty2

πŸ”„ Fully Migrating to noise.app I just transfered my old posts from our beloved noise.cash to here. noise.cash you will always be remembered πŸ₯ΊπŸ™πŸΌ thank u so much! very easy lang yung pag transfer, and happy ako na masa-save ko pa yung mga dati kong posts. Gusto ko talaga mag review at magsulat about different topics kaya in the future magsisimula ulit ako mag-share ng mga posts related to music, films, etc... Goodnight, goodmorning 🌱

@Aidanifty2

🧢 Crochet day Kamusta po? Long time no read.. πŸ˜… Making more hair scrunchies for Christmas gifts sa mga ka-opisina ko. Binili ko si mother ng mini table, gusto daw kasi niya. Pink ang color na napili niya maaliwalas daw kasi. Hehe kaya bumili ako pero ginagamit ko rin ang cute eh. Happy Sunday mga ka- noise.app sorry di ako nakakapag-update nitong week na ito, minsan talaga mas gusto ko lang may ibang gawin. pahinga sa social media... pero ito na ulit ako. 🀍

@Aidanifty2

πŸ›‘οΈ more energy mas happy ~ ? I bought vitamins yesterday. Di ako nakakapag-take ng vitamins nung mga nakaraang buwan. minsan kasi nalilimutan kong bumili o meron man, nakakalimutan kong uminom. πŸ˜… Madali kasi akong mapagod these days kaya ita-try ko ulit magpaka-healthy hahaha... Enervon na yata ang isa sa pinaka murang multi-vitamins na nakita ko. pero kung may mas ok pa na brand pa-suggest naman ha.

@Aidanifty2

πŸŽ„It's beginning to look a lot like Christmas ~ Maaga mag celebrate ng pasko ang mga pinoy. Marami ng holiday celebrations sa offices. Sa amin next week ang party. ☺️ So very busy na naman lahat dahil sa deadlines at holiday chores.. Lumilipad din ang mga salapi, papalayo! 🀣 merun din namang papasok. Sana marami pang dadating para sa ating lahat hehe Gm sa lahat. Happy weekend po!

@Aidanifty2

🧐 Mystery solved I just watched an update about the Somerton Man. Hindi pa ito fully confirmed ng Australian authorities, pero may mga experto na ang nag claim sa identity niya. Matagal ng mystery ito. Una ko tong nalaman from Unsolved Mysteries noon, at nakaka intriga talaga ang story niya. Isa siyang unidentified body na natagpuan sa isang beach sa Australia. Ang daming theories kung sino ba talaga siya. Mayroon pang theory noon na isa siyang spy! Sa loob ng matagal na panahon walang pangalan na maibigay sa kanya, pero dahil sa researchers at sa tulong ng DNA, nakilala na siya. Carl 'Charles' Webb. Isa siyang simpleng tao, hindi isang spy. Hindi gaanong malinaw ang mga huling sandali niya, pero mayroon siyang mga malayong kamag-anak na nakilala na siya ngayon. If you want to watch the story, here is the link: https://youtu.be/9wL1t3A-uHo

@Aidanifty2

😢 Sunday Night Minsan may weird feeling ako pag sunday ng gabi. yung parang hindi pa ako handang mag monday 🀣 Palaagi kasi akong nago-overthink. pero minsan naman in-denial ako sa realidad. tapos bigla ulit akong mag ooverthink. ang hirap ma-achieve yung peace of mind ng ferson. haha. parang avatar state lang. πŸ˜‚ ang wish ko, sana maayos ko ang mga concerns ko sa buhay at mabuhay ako ng may mas magaan na feeling. wish ko din ito para sa lahat. sorry kung masyadong seryoso yung post ko. iba talaga ang nagagawa ng sunday night anxiety sa akin.

@Aidanifty2

πŸ™‚ anticipating... May hinihintay akong parcel today. Para sa kapatid ko itong binili ko. Xmas gift ko sa kanya. Pag check ko sa app, Nagulat ako na for delivery na pala. akala ko next week pa. sana dumating na para di ko na iniisip.. Magandang tanghali po sa lahat. TGIF na! Ingat po and mag lunch na para may energy pa for the rest of the day. 🀍

@Aidanifty2

😷 Stomach cramps I don't feel good today. Bukod sa overwhelming feeling sa trabaho, may menstrual cramps pa ako today. Tuwing ganito, di ako makaka kain ng maayos. kapag kumain ako ng mabigat sumasakit ang ulo ko. di maayos ang digestion ko sa pagkain. Kaya nagiingat ako today. πŸ˜‘ #selfupdate #log

@Aidanifty2

i had a moment of stupidity. sabaw moment. i was asked when my birthday was, what year etc... then i was asked how old i was, and i confidently answered.. after that conversation i realized i said the wrong age! i forgot my age! i thought i was younger! I wasn't even trying to lie or dodge the question, i simply answered without thinking well. πŸ™ƒ

@Aidanifty2

πŸ‘©β€πŸ’» Holiday WFH May kailangan i-OT kaya ito layouting muna ang pinagkala-abalahan ko ngayong Holiday. Medyo nakakapagod din pero 'Endure Endure!' lang gaya ni pareng Andres B noong unang panahon. Makakamit ko rin ang kalayaan! Hahahaha 🀣 A brief explanation why today is a holiday for foreign friends: Today is Bonifacio Day. A day to celebrate the father of the Philippine Revolution during the Spanish Colonial Period. Good afternoon sa lahat!

@Aidanifty2

πŸ” Kain na po tayo! Sinubukan ko itong McCrispy Hamonado Burger ng Mcdo. Season promo nila. Ganyan pala ang itsura niya. May slice ng ham at yung parang chiken fillet na kasama. Matamis tamis siya. may lettuce at tomato din. Maraming nga lang mayonaise kaya naging soggy yung patty nia. πŸ˜… PS. Salamat at Holiday bukas.

@Aidanifty2

🐈 Sunday with my Cat Nakaka-kilig kapag tumatabi yung pusa namin sa akin. Hehe. Para akong 'chosen one'. Very sweet siya. Ang personality niya, mahilig sa tao at curious type. Very friendly. πŸ’œ May isa pa kaming pusa, yun naman introvert na pusa, di mahilig maki-halubilo sa tao at tulog ng tulog sa isang part sa bahay. Takot din siya sa ibang tao. at ayaw sa ibang pusa.

@Aidanifty2

πŸ’Έ shopping #2 Dahil sa pagiging fan ng Thai drama, di ko napigilan ang sarili kong bumili ng product ng Pastel. Pocket Inhaler. Na-curious ako at naisip ko rin na gusto ko siyang gamitin. Peppermint cia, pero hindi matapang na amoy. 55 pesos each ito. Cute din yung color at design niya. ~ medyo busy ako ngayon dahil sa dami ng workload sa opisina. Kailangan mag-OT, at mag wfh ng weekends. Haay, iniisip ko na lang na kahit pagod, may bunga naman ito. Di naman ako waldasera, pero masarap din sa feeling yung paminsan-minsan bumibili ng maliit na bagay dahil trip mo lang. hahaha. Enjoy the little things...diba?

@Aidanifty2

🍦Speculoos Cookie McFlurry May mga bagong option ng ice cream sa Mcdo. Na-curious ako kaya sinubukan ko ito. Parang butter cookie with cinnamon flavor siya. Masarap naman ito. hindi lang siya photogenic πŸ˜‚ Hindi ako sure kung bakit Speculoos ang name niya kaya nag search ako. Yung Speculoos pala ay cookies from Belgium. Ngayon ko lang narinig kasi. Akala ko nung una imbento lang ni mcdonald haha.

@Aidanifty2

Visiting here. Noise.app is nice but i do like the channels feature here. I like to have the 'seperated' features kind of content. Noise is really nice. Sometimes other socmed apps feels a little toxic, or maybe facing issues like the recent rumour of a twitter shutdown! Idk if that was real?- it was quite confusing.

@Aidanifty2

πŸ›οΈ Online Shopping I started to make a journal/scrapbook. Super excited na ako! 🀩 Sabi nila maganda daw na magkaroon tayo ng hobbies: isa para maging physically healthy, isa para sa wealth, isa para sa mind, at isa para sa soul. Nagta-try ako na sundin ito. Medyo mahirap lang kasi di ako masyadong energetic at dapat may budget din. haha. Para ma-excercise ko ang pagiging creative, naisip kong i-try mag journaling. Marami kasi akong nakikitang gumagawa nito at mukhang masaya. 😊 Gusto ko lang subukan. Yolo diba? Shoppee finds: Galing ito sa online shop na 'xs.journal' Mga stationery, stickers at washi tape. Maganda at cute ang mga products nila, at mura lang. naglagay ako ng voucher para mura ang shipping fee. Lahat ng ito ay nakuha ko sa halagang 200+ php. Kailangan ko na lang mag-isip ng iba pang hobbies. May mga hobby po ba kayo na mare-recommend??

@Aidanifty2

🎧 Vienna Currently listening to this Billy Joel song ~ Dahil patapos na ang taon, ang daming tao ang nagmamadali dahil maraming kailangang i-settle bago mag holidays. Nakakaloka ang deadlines sa office kaya kailangan kong mag wind down ng kaunti. "Slow down you're doing fine, You can't be everything you want to be before your time..." Maganda ang kantang Vienna. Reminder ko ito sa sarili ko na ang work, goals, at expectations ay hindi matatapos. Walang perpektong life, kaya dapat mag enjoy din sa journey at kung kailangang huminga, magpahinga! πŸ’“ Happy Weekend po sa lahat! This weekend, I hope you can have the time to rest and do things that you love and enjoy! Work hard, and smart! Annyeong! πŸ˜†

@Aidanifty2

πŸ• Pizza May pa-pizza na naman ang kuya ko.. Lots A Pizza ito. Bata pa lang ako hilig ko na siya. Mura na, at hindi ma-oily. Minsan mas convenient sa amin ang bumili sa labas dahil walang panahon magluto ng bongga tuwing work days. Kaya suki ang kuya ko ng Grab Food o kaya naman Food Panda. 🀣 Napaisip pala ako. Sana may 'translate' option dito sa noise.app gaya ng ibang socmed. Yung kapag nasa ibang wika, sa pinaka baba ng post may pwede kang pindutin para mabilis ma- translate sa filipino or english yung ibang language na post. Kahit Filipino to English sana meron. Maganda naman yon diba? Para mas malawak ang reach ng post natin kahit Filipino ang gamit natin. Dilemma ko kasi kung magpo-post ba ako sa Tagalog or sa English. or taglish. Gusto ko rin maka-interact ng ibang lahi. haha. O meron na bang ganito? Hindi ko lang alam. Let me know. hahaha. πŸ˜…

@Aidanifty2

🧸 Puppet History May nanonood ba nito sa inyo? It's a cute, quiz history trivia show, and may characters na puppets made by Shane Madej. And andito rin si Ryan Bergara. Sila yung hosts ng popular ghost hunting show sa youtube - dati from Buzzfeed, pero gumawa sila ng sarili nilang channel named Watcher. Yung Blue puppet na ito ay si 'Professor'. Siya yung pinaka quiz master. Aside sa narration niya ng real world history, may lore din ang show. Last season, Nakain si Professor ng dinosaur dahil nag time travel siya sa past -accidentally. New season na, and bigla na lang buhay pala si Professor! Ang theory ko ay naging zombie cia, and kailangan niya ng new body para talagang mabuhay siya ulit. hahaha. Parang pambata pakinggan, pero mas relate ito sa adults. Hindi pang super bagets itong show na ito. Pero pwede rin naman. Ps. Medyo weird pala pag kinu-kwento ko yung story ng show sa iba. Para akong sira. hahaha 🀭🀣

@Aidanifty2

🌼 Sunday Rest Day Making a hair scrunchie. Nagsisimula na ako gumuwa ng regalo para sa mga kaibigan ko sa pasko. Last year kasi December ako nagstart....mag-isip. 🀣 Bumili ako ng customize pouches para sa pamilya ko. yung parang katsa yung tela tapos magpi-print ng design na pipiliin mo? Pero last minute ko ginawa, kaya ayun na delay. January na nagawa nung kaibigan kong nagpri-print ng ganon. Kaya ngayon, November palang magsisimula na ako. haha. Bukod sa hindi ako magru-rush, makakatipid pa ako, kasi pwede kong gawin yung mga ibibigay ko kaysa bumili ako. Sana nga marami akong magawang gifts this year 🀞 Happy Sunday! Sana mag-enjoy tayo at makapag-pahinga. 🀍

@Aidanifty2

🧐 Eureka! Ito yung greek for 'I have found it!' Required yata na may exclamation point kasi madalas para ito dun sa mga tao na may matagal ng problema/iniisip tapos bigla mo na lang na discover yung sagot sa tanong mo. After atleast isang linggo, na realize ko na yung 'Others' pala ay makikita kapag pinindot ko yung mga nag like sa post ko. 🀭 Hanap ako ng hanap kung nasaan yung 'Others' akala ko baka wala lang talaga kasi akong ganon. Akala ko para lang sa big accs. haha. Nahiya din akong magtanong noon. Ngayon po alam ko na. πŸŽ‰πŸ˜Έ