Happy August 🦋 Napaka dalang ko pong mag post dito dahil siguro natapos na yung mga araw ng pandemic. At busy na ulit sa buhay buhay... bumilis na ulit yung ikot ng mundo. Pero masaya ako na sa tuwing mapupunta dito, nakikita ko pa rin na patuloy ang noise. 🤗 Sa ngayon ako ay ina-atake ng anxiety. At dito ako napunta dahil kailangan kong maglabas ng damdamin. Kahit na kasi sinusubukan kong maging tahimik at maingat lang sa buhay, talagang dadating ang problema. Alam ko naman ito, na patuloy pa rin ang buhay kahit may problema, kaya lang yung proseso ng pagharap sa problema ang kinakatakutan ko. Parang yung overthinking at paghihintay sa mga susunod na mangyayari, resolution or consequences, yun yung nagpapahirap sa akin. Parang kaya kong tanggapin ang sakit at hirap, pero para madamay ang ibang tao, parang dun ako napanghihinaan ng loob. Minsan nga parang gusto ko ng matapos ang lahat pero sayang naman diba? nakakatakot lang talaga ang future. Ang hiling ko lang talaga, na sa dulo nito, kahit papano di ako ganoon ka miserable, sana magaan akong lilisan sa aking pagtanda. 🙏
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet