Tao? TALANGKA siguro.

13 44
Avatar for Aiah_05
2 years ago

Andami ng nagbago sa mundo,

Mga pagbabago na gawa ng panahon,

At gawa nating mga tao,

Bakit isa tayo sa dahilan ng pagbabago?

Likas sa ating mga tao na nabiyayaan ng katalinohan,

Subalit yung iba ay ginamit ito sa kasamaan,

Kasamaan na nagdudulot ng kahirapan ng sanlibutan,

Sanlibutan na nasa gitna ngayon ng kagulohan,

Kung tayo lang sana ay nagkakaisa at nagkakaunawaan,

Kung tayo lang sana ay may iisang layunin at nagkakaintidihan,

Kung tayo lang sana ay naghahangad ng Pangkalahatang kapayapaan,

Napakasakit isipin na karamihan sa atin mas inu-una ang sariling kapakanan at tinatapakan ang mas higit na nangangailangan.

Nasa gitna tayo ngayon ng karimlan,

Sakit na lumaganap ay isa lamang sa mga dahilan,

Crisis dulot ng pandemya ay nagtulak sa atin sa kahirapan,

Subalit, may mga taong nang-aabuso sa gitna ng kawalan,

Dapat sana sa sitwasyong ito, tayo ang nagtutulongan,

Peru masakit na realidad na tayo-tayo din ang naglulukohan,

Marami riyan na ating kawpa tao't kababayan,

Mas higit sanang nangangailangan peru mas inu-una mo ang iyong kasakiman,

Kahit mga gamot ay biglaang nagkakaubosan,

Ano,sino ngaba ang dahilan?

Di maiitatanggi na tayo-tayo lang din naman,

Pano yung iba? Kung halos lahat ng gamot ay inubos muna,

Pano yung walang pera? Kung ang gamot ay napakamahal na.

Di lang ikaw yung nagkakalagnat, sinisipon at inuubo,

Tao kami nagkakasakit, tulad mo?

Tao kaba talaga? O isang hayup na nagpapakatao.

Maihahalintulad kita sa isang talangka,

Na imbis magtulongan, eh hinihila kapa paibaba.

Yun bang tayo-tayo na ngalang na nasa iisang lagayan,

Tayo-tayo payung nagpapaunahan.

Maraming tao ang dapat sanang bigyang pansin at tulongan,

Tulad ng mga biktima ng kalamidad na di napaghandaan,

Maraming bahay ang nasira at buhay na nawala,

Dahil sa bagyong kamakailan lang nananalasa,

Peru anong ginawa? Mga taong nasa itaas abala sa paninira ng kapwa,

Merun namang tumotulong pakitang tao lang sa madla,

Ayudang dapat sa mga mamayan ay napunta pa sa bulsa ng mga gahaman,

Gahaman na hangad ay lubos na kapangyarihan,

Authors note;

Ang tulang ito ay pawang opinion at kathang isip lamang ng manunulat at walang sinuman o anumang adhikaing manira at walang tinutukoy na tao basi sa nilalaman ng texto.

Hello po sa ating lahat, hello to all read users out there, naway ang bawat isa po sa atin ay magkaruon ng masayang araw sa araw na ito, at panatilihin po natin palagi ang magandang kalusogan kasi ika nga nila "kalusugan ay dapat nating ingatan dahil yan ay ang nag-iisa nating kayamanan'

And sa mga may maintenance na gamot, laban lang po tayo wag kalimutang inomin yung meds niyo para mas mapadali yung paggaling niyo, yes gagaling kapo basta tiwala kalang sa kanya,

Sa mga Stressed and depressed diyan madami po tayo, peru laban lang din, hanggat dipa natin nakikita yung finish line laban lang kasi di naman tayo nag-iisa na naghahangad na makaabot dun, madami tayo at habang tinatahak natin to ay may makikita tayong mga taong sasabayan tayo kung saan tayo patungo.

Kaya laban lang sa biyahe ng buhay.

6
$ 2.25
$ 2.16 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Ruffa
$ 0.02 from @Caroline17
+ 1
Sponsors of Aiah_05
empty
empty
empty
Avatar for Aiah_05
2 years ago

Comments

Wala na tayo magagawa kaya kailangan nadin tanggapin.. Sisihin man ang mga nasa taas na imbes tulungan ang mahihirap ei ginagawa pa nilang pagkakitaan para mas lalo silang yumaman. Pero depende padin sa tao kpag masipag ka kahsit mahirap ka magagawa mong makaahon.. Sa ngsyon dito sa bansa natin daming napabayaan ang sarili. Mga lalaki na gusto nalang ay mag tambay kesa mag trabaho, halos babae na nag tatrabaho para sa pamilya..

$ 0.00
2 years ago

Hahah dami na talaga yan ngayon na nakatambay yung lalake habangbyung asawa nagtatrabaho😆 peru mas maganda yung mag asawa kumita the best talaga yun.

$ 0.00
2 years ago

I just want to share this in everyone's timeline para mabasa ng lahat. Ang dami ng nangyayati sa mundo pero mas inuuna pa nong nasa tuktok kanilang kasakiman. 🥺

$ 0.00
2 years ago

Tumpak talaga, kung sino pa sana yung karapatdapat na tumolong ehh sila pa ang mga sakim talaga. Peru kahit ganyan, choice nila yan😑

$ 0.00
2 years ago

Masakit man pero ito ang realidad ngayon. Imbes na tulungan yung mahihirap, mas lalo pang naghihirap dahil hindi naman nakaabot sa mga mahihirap ang tulong na dapat ay para sa atin. Sana man lang sa panahon na ganito, isantabi muna ang mga sariling interes, isipin ang kapwa na nangangailangan. Isipin din sana nila na tao lang tayo na katulad nilang May pangangailangan sa buhay.

$ 0.00
2 years ago

Ou tama ka, peru sa panahon ngayon parang may kaibahan na kasi, yes tao din sila nangangalangan din sa buhay peru yung pangangailangan nila ay dina maganda, nang aapak na sila ng kapwa, para lng makuha yung pangangailangan na hinahangad nila. Saklap noh? Peru ganito tayo ehh choice nila yun.

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga eh, saklap ng panahon ngayon. Mang apak ng ibang tao para lang makuha ang hinahangad sa buhay, paano naman tayo, eh di mas lalo tayong mas maging kawawa. Tao pa kaya sila?

$ 0.00
2 years ago

Yan din ang hinang ko. Tao pa ba sila? Kasi may rumor na ang kumuha at nag hoard NG gamot ay mga politiko at ipapamigay nila sa tao para maging mabango sila, eh pano yun mga nangangailangan NG gamot sa araw na yun, para Di lumala yun sakit na nararamdaman nila?talangka talaga

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga ehh, masakit mn peru choice nila yan, buhay nila , kaso ansakit lng na nang.aapak sila ng buhay ng iba. Parang binaliwala na nila kung may maagrabiyado ba silang mga tao basta makuha lng pansariling interest.

$ 0.00
2 years ago

Agree ako dito friend. Masakit isipin pero ito talaga nangyayari. Yung mga taong umaasa sa mga matataas pero iniisip lamang ang sarili nila. Tama tumutulong nga pero itoy isang pakitang tao lamang. Kawawa ang mga nasa ibaba.😢

Mapaisip ka sa mga taong sobrang hirap tas kung kailangan nagkahirapan, nagtaasan naman yung mga bilihin. Naisip ko yung mga taong naapektuhan ng kalamidad. Sobrang kaawa-awa.😢

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga freind ehh yumg pagtaas ng bilihin habang tayong lahat ay naghihirap yun talaga ang malaking problema na kinakaharap natin ngayon. Sana nga matapos nato freind kasi andami ng naghihirap,

Yung mga nasalanta talaga ng bagyo kawawa dito. Biglang naghirap talaga ang lahat.

$ 0.00
2 years ago

Oo friend tinanong ko kasi si mama sabi niya totoo talaga daw na nagtaasan yung presyo ng mga bilihin. Grabe talaga.😭 Ewan ko parang sinamantala talaga. Naghirap na nga, pinahirapan pa lalo. Dapat magtulungan nalang.😭

Oo friend sobrang kaawa-awa talaga.😭

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga freind andaming tao na nagsamantala sa panahon natin, para sa kanila kasi right timing to para kimita sila

$ 0.00
2 years ago