Masakit Pala Talaga
Tila ba kahapon lang,
Tila ba kahapon lang ng nakilala kita,
Nung nakilala kita na tila ba nang-aakit ang iyong mga mata,
Mga matang puno nang sigla na sa tuwing tititigan ko ay nakakatunaw bigla.
Diko lubos maiisip na makatagpo ako ng isang tulad mo,
Tulad mo na para bang, pag nakita na ay dina gustong pumikit pa itong mga mata ko.
Mga matang pagnasilayan ka ay gustong ayaw nang mawala,
Ayaw nang mawala ang tulad mo na kailan ko lang nakita.
Tandang-tanda ko pa kung paano kita nakilala,
Tandang-tanda ko pa yung unang kataga na aking nabasa,
Katagang diko akalain na magdudugtong sa ating dalawa,
Isang simpleng "Hi" at isang simpleng simula ng ating storya.
Nakilala kita sa plataporma na facebook kung tawagin nila,
Mensahe ng isang diko kakilalang dilag ang kumoha nang pansin nitong mga mata,
Sa simpleng "Hi" ay na uwe sa pagkakalapit nating dalawa,
Pagkakalapit na tila ba walang sinuman ang makabuwag pa,
Lumipas ang ilang araw at buwan,
Tibok nitong puso ay hindi na kayang mapigilan,
Na tila ba gusto kong makamit ang turingan na higit pa sa pagkakaibigan,
Kahit na sa mga sandaling ito ay larawan molang sa facebook ang aking naging unang sandigan.
Tinipon ko ang lahat ng lakas nitong katawan,
Para lang maipabatid ko sayu ang tunay kong nararamdaman,
Tila ba sumogal ako sa isang pustahan na walang kasiguraduhan,
Peru diko akalaing puso ko'y tinanggap mo na walang pag-aalinlangan.
Naging tayo na facebook lang ang tanging sandalan,
Pisikal na kaanyuan ay hindi pa nasilayan,
Layo ng distansiya nating dalawa ay di naging dahilan,
Hindi naging dahilan upang sumoko sa nasimulan.
Lumipas ang buwan sarili ay dina mapigilan,
Nagdesisyon na makita ka ng harap-harapan,
Unang pagkikita na tila dina mauulit pa,
Dahil baka pisikal kong kong kaayuan ay di magustohan,
Masaya ako sa una nating pagkikita,
Di ako nagkamaling tunay ka ngang maganda,
Peru sa sarili ko ako ay lubos na nabahala,
Baka hindi kagwapuhan kong hitsura ay hindi mona naisin pang muli ay makita.
Peru pinawi mo ang mga pagdududa ko,
Nang sa unang kita natin ay natagal tayo ng hindi lang iilang minuto,
Isang araw kitang nakasama na masaya tayo sa isa't isa,
Kung kayat nasabi ko sa mga puntong iyon na sana ikaw na.
Mula ng makilala ka at makita ay nagbago bigla yung ikot ng mundo ko,
Diko alintana ang antok kapag ka usap at ka chat na kita sinta ko,
Tila ba sa mga panahong ito ay ginawa ko na ring araw ang bawat gabi,
Bawat gabi na di makubli ang saya at mga hatid mong ngiti sa labi.
Isang taon at labing isang buwan na tayoy magkasama,
Parang kailan lang nung makilala kita,
Ang sarap isipin yung mga sandaling napakasaya nating dalawa,
Yung saya na kahit ngayon ay dala-dala ko pa,
Isang taon at labing isang buwan, na may ikaw at ako,
Peru bakit? Bakit kung kailan sa araw na magdadalawang taon na tayo ay biglang nagbago,
Andami nating napagdaanan peru bakit nauwe lang sa hiwalayan,
Akala ko ikaw na, peru bakit bumitaw ka at hindi na lumaban,
Bakit pinatagal mopa kung aalis karin lang pala,
Kung alam kolang na ganito ang kahahantungan nating dalawa,
Mas pipiliin ko nalang na dika nakilala,
Kung sa huli ay sakit lang ang magiging bunga.
Peru ganyan naman talaga dibah?
Hindi lahat nang storya ay may wakas na masaya,
Peru iisa lang ang sigurado,
Sa lahat ng kwento ay may aral na matutunan tayo,
Closing thought:
Ang buhay talaga ay parang isang pampasahirong sasakyan lang, may mga papara at sasakay sa daan peru bumababa rin sa may unahan na mag iiwan ng bakas sa ating puso't isipan. Mga taong naging parti ng buhay natin na naghatid ng pansamantalang kasiyahan, peru yan nga pansamantala lang kasi may mga taong itinadhana lang talaga na makilala lang natin sa biyahe ng ating buhay peru ang importante may mga masayang ala-ala din silang dala kahit bigla nalang yung iba na mawawala.
Ang lungkot naman nung love story na yan..... For me talaga mahirap ung ganyang set up lalo na kapag sa social media lang nagkakilala...