Magkapatid dapat nagtutulungan.

7 198
Avatar for Aiah_05
2 years ago

Waahhh!! Tatlong araw akong hindi nakagawa ng article. Medyo naging busy lang his past few days. Bawi na lang ako today at next days, sana mapanindigan ko hahaha. Mag tatagalig muna ako ngayon kasi wala feel ko lang.

Paano ba maging kapatid? Ano ba ang ibig sabihin ng kapatid?

Apat kaming magkakapatid. Ako ang panganay, ngayon wala pa akong trabaho kaya suma-sideline muna dito sa amin at dito sa read.cash para kahit papano may kita at maibigay sa magulang. Nitong nakaraang buwan, nanganak na ang pangatlo naming kapatid sa ikalawa niyang anak. Tapos, nagpagawa na sila ng bahay ng husband nya. Humihiram siya sa'kin ng pera para pandagdag pambili ng yero dahil kulang. Kaso wala din akong pera pa. Wala pa ko ipon talaga kasi nagbibigay ako sa parents namin. Ngayon, nanghiram siya sa kapatid namin na lalaki. Yung kapatid namin na lalaki may work ngayon gawa ng sumasama sya sa Papa namin na carpenter bilang labor ni Papa. Sumasama siya para may kita siya habang online class pa sila ngayon. Buti may ipon siamya kunti kaya nagbigay siya. Ngayon, sabi ng kapatid namin na babae na wag sabihin kay papa na nanghiram siya dahil nahihiya daw siya. Sabi naman ng Papa ko, mali daw at bakit naman daw mahihiya, sino pa ba ang magtutulungan di ba? Kaya ayun, pinahiram ng kapatid naming lalaki at hindi na niya pinabayaran. Ako naman, kunti lang nabigay ko sa kapatid ko.

Ayaw kasi namin gumaya sa mga kapatid ng Mama namin. Hindi kasi sila marunong tumulong at gusto palagi sila ang nasa taas. Naalala ko dati, nung walang wala kami, ni isang butil ng bugas di nila pinahiram si mama ko. Kaya ayun, buti may nagbigay samin ng kamote at gabi, yun ang niluto namin para may makain kami. Simula nuon, palagi na nagtatanim si Mama ko ng kamote at Papa ko naman ay nagtatrabaho bilang isang labor. Hindi pa kasi masyado kilala si Papa ko jun dahil galing pa kami sa Maynila nun. Iwan ko ba sa mga kapatid ng Mama ko bakit ganun sila. Puro hilahan pababa na dapat sana eh nagtutulungan. Pero ganun yata talaga kasi iba iba ang tao. Kaya kaming magkakapatid, never kami gagaya sa kanila. Kung may di man pagkakaintindihan at magagalit man sa isa't isa, gagawin namin na magtulungan at magpatawad. Kasi di naman tayo perpektong tao. Walang ibang tutulong satin kundi kapatid lang din natin.

Syempre, kapag nagtutulungan din ang magkapatid, masaya ang mga magulang. Walang magulang na gustong makita na magulo ang mga anak. Sa totoo lang, karamihan kaya nagkakagulo ang magkakapatid ay dahil lang din sa pera. Buti na lang at hindi mayaman ang magulang namin at walang ari-arian. Pero sa totoo lang, hindi naman talaga dahil sa ari-arian kung bakit nagkakagulo ang mga anak, kundi dahil sa kung paano sila pinalaki ng magulang nila lalo na kung pera na ang usapan. Gaya ng mga tiyain ko na mga kapatid ni Mama. Hindi sila mayaman pero nagkakagulo sila dahil sa pera. Kaya ang mga magulang ko, di kami pinalaki na sanay sa pera. Dati di nila kami binibigyan ng pera at pinapaintindi nila samin kung bakit. At tinuro nila samin na pahalagahan ang bawat sentimo na aming pinaghirapan. Tinuruan kami na mgatulungan kapag may isa samin ang nangailangan.

Kaya ako, balang araw, gagayahin ko mga magulang ko. Tuturuan ko mga anak ko pano maging tunay na kapatid. Kung paano maging matulungin at hindi mapanglamang ng tao sa kapwa lalo na sa kapatid. Lahat ng turo nila samin magkapatid, i-apply ko din kapag may sarili na akong pamilya at mga anak. Tuturuan ko sila paano maging mabuting kapatid. Hindi nasusukat sa nabibigay na pera ang pagiging kapatid kundi sa pagiging nandiyan pagka kailangan ng kapatid mo ng karamay at pagmamahal. Malaki ang pasasalamat ko sa magulang ko na naturuan nila kaming maging mapagmahal. At tinuruan na hindi bitawan at sukuan ang kapatid. Magkamali man, dapat nandiyan para tulungang makabangon at mai-guide sa mabuting daan kapag namali ng landas.

Ako bilang nakakatandang kapatid, alam ko na hindi ako perpektong anak at kapatid. Nagkakamali din ako dahil tao lang ako pero ang alam ko, mahal na mahal ko ang mga kapatid ko. Kahit masaktan man nila ako, di ko sila natitiis. Maaring lumalayo o nagpapalamig lang ako pagkanagalit sa kanila pagnagkamali, pero sa bandang huli, handa parin akong tumulong para sa kanila dahil masakit makitang nahihirapan ang kapatid at wala kang ginawa.


Thank you po sa pagbabasa ng aking kadramahan sa buhaym hihihihi.

Pagpalain po nawa tayong lahat.

8
$ 7.77
$ 7.72 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @immaryandmerry
Sponsors of Aiah_05
empty
empty
empty
Avatar for Aiah_05
2 years ago

Comments

7 kami magkakaparid and i'm the youngest. Lahat sila may family na. Katuwa lang din na anytime may nangangailangan saming magkakapatid willing tumulong yung bawat isa. Kahit hindi monetary.

Also, tho may mga relatives kami na medyo mayabang na kala mo mga alta sa lipunan, mas madami pa din yung handa talagang tumulong. Kasi ayon nga, we are family, sino sino pa ba magtutulungan kundi kami kami diba.

$ 0.00
2 years ago

Samin naman, yung side lang ng mama ko yung nga toxic. Pero side ng papa ko subrang matulungin at mapagmahal. ☺️☺️ Thank you sa upvote ☺️

$ 0.00
2 years ago

Glad to know that. Ganoon naman kasi dapat. :)

$ 0.00
2 years ago

OK ra d.i taglish flor not?

$ 0.00
2 years ago

Kami po 10 kaming magkakapatid haha. Tapos 2 palang may asawa. Well mga bata pa naman po kami kasi lalo. Pero natrained kami na maging mapagbigay sa kapwa, hindi namin ipinagdadamot kung ano meron kami at tutulong pag kaya. :)

Doon sa ibang kamag anak talaga, minsan hindi natin sila maasahang tumulong. Nakakalungkot kasi yung akala nating maasahan natin, sila pa yung ayaw tumulong.

$ 0.00
2 years ago

Ayyy totoo yan sis. Kaya di din kami malapit sa iba namin relatives lalo na sa side ng mama ko. Kaya ayaw tlga anmin gumaya sa kanila.

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga po, hindi talaga maganda yung ganon hays.

$ 0.00
2 years ago