Galit sila, kasi?

10 53
Avatar for Aiah_05
3 years ago

Natanong nyo ba ang sarili nyo kung bakit may mga taong galit sa inyo kahit wala naman kayong ginawa? Na mapapatanong ka na lang kung bakit sila galit?

Masakit man pero tanggap ko kung bakit galit ang mga kapatid ni Mama ko sa kanya. Dahil di nila mapasunod ang mama ko sa kung ano ang gusto nila. Dahil kaya ni Mama tumayo sa sarili niya. Mula pagkabata palagi na nilang inaapi ang Mama ko. Maraming naawa kay Mama at maraming gustong umampon kay Mama pero palagi pinipigilan ng mga magulang niya. Grabe ang sakripisyo ni Mama sa pamilya niya. Habang nag si-share si mama ng mga experienced niya, di niya maiwasang hindi maiyak. Lahat ng sakit bumabalik daw. Masakit makita ang mama mo na umiiyak at wala kang magawa kundi yakapin siya.

Nung bata pa ako, nakita ko na kung paano nila tratuhin si mama. Isang araw, pumunta kapatid ni mama sa bahay, gusto nila isali si mama sa loan. Tumanggi si mama ko kasi ayaw niya sumali. Ang sabi, sumali daw para may pang handa sa fiesta. So, si mama ko sabi 'okay lang kahit walang handa basta hindi lang ma problema after ng fiesta.' Nagalit sila sa response ni mama ko dahil masyado daw mataas ang tingin. Binaliwala ni mama yun. Halos kada taon, basta malapit na ang fiesta, nag lo-loan sila para panghanda at gusto nila isali si mama. Pinapangalandakan nila mga bagong gamit nila, lol. Pero wa pakels si mudra ko.

Lalo din sila nagalit nung nagpadala ang nakakatanda nilang kapatid ng pera kay mama para pampagamot ni mama. Di ko makakalimutan yung time na binato nila yung pera na binigay sa lamesa namin. Yun yung time na nakita ko sila na ganun dahil sa pera. Alam nyo ba kung magkano? 700.00 pesos lang naman. Hindi kalakihan hindi ba? Pero kung magalit sila parang libo na. Mula noon, di na tumatanggap si mama ng pera galing sa kapatid nila kahit na binibigyan siya. Mahirap magkaroon ng kapatid na masyadong silaw sa pera. Hindi naman sila mayaman. Wala din namang natapos sa pag-aaral pero kung makaapak ng kapatid wagas.

Hindi ko din makalimutan na humingi sila ng tawad doon mismo sa simbahan. Nag iyakan pa sila nun. Pati kaming mga pamangkin nag-iyakan din. Akala namin, okay na pero di pala. Lahat pakitang tao lang. Mahirap na maniwala sa kanila. Mga masasakit na salita na binitawan nila na tagos hanggang buto.

Lumaki akong may sama ng loob sa kanila. Sinabi sa sarili na gagawin ko lahat para maiahon ko mga magulang ko sa hirap para di na apak-apakan. Hindi ko pinangarap ang yumaman, pangarap ko lang na di maghirap yung tamang estado ng buhay lang na di magutuman ang pamilya. At mapakita sa mga relatives ni mama na kaya namin tumayo kahit walang tulong na natatanggap sa kanila.

Nag-aral ng mabuti. Kaming magkakapatid kung tutuusin. Pero sa hirap ng buhay, hindi tuloy tuloy ang pag-aaral. Pero kahit ganun, pinagpatuloy pa rin namin. Ngayon nakatapos na ko at mga kapatid ko naman nasa college. May isa akong kapatid na nag asawa na. Pero nagtutulungan kami kung sino ang nangangailang dahil ayaw namin gumaya sa mga kapatid ni mama.

Ngayon na nakatapos na ko at mga kapatid ko nasa kolehiyo, nagbago pakitungo nila samin. Akala mo wala silang ginawa samin dati. Akala nila di ko nakita mama ko umiiyak sa gabi dahil sa kanila. Na akala mo, di nila kapatid ang mama ko. Dahil lamang sa pera. Pero kahit na nagbago na sila, di pa rin nawawala sa isip ko na baka pakitang tao pa rin. Oo, marunong ako magpatawad pero di na ako papalinlang sa paiba iba nilang mukha. Masakit pero tanggap ko kung bakit.

8
$ 5.73
$ 5.62 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @dziefem
$ 0.01 from @Bloghound
Sponsors of Aiah_05
empty
empty
empty
Avatar for Aiah_05
3 years ago

Comments

Naa juy mga taw nga ing.ana no. Bisan wala kay gibuhat nila, matinga na lang ka nga nasuko na sila. Bisan pa ug pakitaan nimo ug maayong pagtagad, naa lang gihapon silay ikasuko. Naa gyuy ubang paryente natu nga kung pobre ka, dili jud ka nila makit-an. Pero ug tan.aw gani nila nga ning-angat-angat na ka, maayo na dayun ilang tagad nimo. Sakto jud ilang giingon nga "dili pa ka importante nila karun kay wa paman kay kwarta, pero ug makwartahan na, humot na kaayo ka para nila.

$ 0.00
3 years ago

Hahaha tinuod kaayo jud na. Haayy. Unsaon ta man na naa may mga ingana na taw lage. Di mabangbang ang batasan. Maayo lang kung naay kwarta. Lami kaayo pakan kn ug sensiyo hahha. Bitaw, pasagdaan lang gud na na mga ingana na taw. Dili man na muasenso ng mga ingana na tao. πŸ˜…

$ 0.00
3 years ago

Mao gyud uie. Pasagdan na lang gyud ng mga ing-anang klaseha ng taw. Kita ramay magsakit gud kung atong ashan.

$ 0.00
3 years ago

Tinuod jud. Maajo pa focus na lang tag padato ani para humot ta nila hahha

$ 0.00
3 years ago

hahahaha..go ra πŸ’ͺπŸ’ͺ

$ 0.00
3 years ago

Narcissists often act like that! They have inflated sense of "pafeeling importante" and they need so much attention! No empathy at all and they think they are above all else.

Forgiveness heals the soul. Sending you lots of love, sis!

$ 0.00
3 years ago

Thank you sis. Oo nga ehh. Si Lord na bahala sa kanila sis hihihi. Kay Lord lang naman ako umaasa. Yan palagi sabi sakin ni Mama na ipagdasal ko lang daw sila. ☺️

$ 0.00
3 years ago

Let's include them in our prayers, sis!

$ 0.00
3 years ago

Nakakalungkot talaga na may mga taong nagagalit pag hindi ka sang-ayon sa gusto nila. Hays. Tatratuhin ka nang hindi maganda pag wala ka pa, pero pag may narating ka na akala mo ambabait nila.

$ 0.00
3 years ago

Totoo sis. Kaya dapat sa mga taong ganyan, iniiwasan.

$ 0.00
3 years ago