Isarado Mo'ng Pinto

0 34
Avatar for Aeshayne
3 years ago
Topics: Life, Story, Fiction, One shot

Nasa singkwenta na si Aling Meling. Makikita mo ang bakas ng hirap sa kanyang katawan, medyo baluktot na ang likod. Gayunpaman, malakas pa rin ang ale. Ang kanyang bahay ay iyong madadatnan sa dulo ng kalye sapagkat siya'y masyadong sensitibo sa ingay at ayaw niyang makausap ng ibang tao.

Dati-rati, siya'y hindi ganyan.

Ulilang lumaki si Aling Meling. Namatay ang kanyang mga magulang na siya'y musmos pa lamang. Lumaki siya sa Lola niyang matandang dalaga- tiyahin ng kanyang ina.

Mabait ang nagpalaki sa kanya- si Lola Milagros. Lagi itong may bisita at minamahal ng buong baryo. Sadyang masipag ang matanda at mapagbigay kahit kanino.

___

Lumipas ang taon, namatay si Lola Milagros at naiwang mag-isa si Meling sa edad na kinse. Laking pasasalamat niya sapagkat ang kaibigan ni Lola Milagros ay lagi paring bumibisita at kadalasan ay may dala itong pagkain, yung iba naman ay nagbibigay ng pera-bayad daw nila sa inutang sa yumao.

Nanatiling nakatira si Meling sa bahay ni Lola Milagros pero nang nakatapos na siya ng pag-aaral at nakapagtrabaho, bihira na siyang makauwi.

Magandang babae si Meling noong kabataan niya. Karaniwan na sa mga kapitbahay na laging may binatang bumibisita sa kanya kapag kanilang nalalaman na nakauwi ang dalaga.

Maraming bulaklak, yung iba bouquet at yung iba nama'y nalagay sa paso.

Isang araw, may bumisitang matangkad na lalaki, mestiso ito at mukhang mayaman. Ngumiti sa mga kapitbahay na dumungaw ng marinig ang dumulog ang kotse.

"Magandang araw po. Ito po ba ang bahay ni Melissa?", paumanhing tanong nito sa kapitbahay ni Meling.

"Ah oo. Mag doorbell ka lang. Mukhang kararating niya lang mula sa bayan," anang sagot.

Ngumiti ito at nagpasalamat. Makadalawang pindot siya ng doorbell bago lumabas c Meling. Maaliwalas ang mukha ng dalaga at iyon nama'y natugunan ng matamis na ngiti ng lalaki.

___

Iyon ang una at huling pagkakataong nakita ng mga kapitbahay ang mukha ng lalaking iyon.

Lumipas ang tatlong buwan at hindi pa nakauwi si Meling. Bigla-bigla nalang may dumating na truck na maghahakot ng kanyang gamit. Lilipat daw siya ng bahay.

Sa baryo ring iyon bumili ng bagong bahay at sa pagkakaakala ng lahat, siya'y nag-asawa na. Malaki ang bagong bahay at malapad ang bakuran. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na may naiwang yaman ang magulang ni Meling para sa kanya at iyon ang kanyang ipinagbili.

Madalas dumaan ang kanyang kotse at iyon ang pinagtatakhan ng karamihan- laging may nakasakay na bata at si Meling rin ang nagmamaneho.

___

Walang asawa si Meling. Ang lalaking iyon ay naging nobyo niya lamang sa loob ng isang buwan at ito'y pumanaw. Sabay silang nadisgrasya pero siya lamang itong nakaligtas. Laking pasasalamat niya na may inalagaang pamangkin ang lalaki at ito'y tumira nalang sa kanya ng mamamatay ang kanyang tiyo. Walong gulang ang bata at namatay ang ina nito na kapatid ng lalaki, pagkapanganak sa kanya. Ang tatay ng bata ay nag asawa na rin muli.

"Tita Mel, may naghahanap po sa inyo sa labas", aniya ng batang si Ayen.

" Sino ba daw siya?"

"Kaibigan daw ho ng inyong Lola Milagros."

" Sige, patuluyin mo. "

Naghanda ng tinapay at coke si Meling.

Si Aling Rosario pala ang dumating.

"Aba Ineng, hindi na kita nakita simula ng ika'y nagtrabaho. Nasaan ang asawa mo?"

" Wala po ang asawa Lola."

" Aba'y kanino pala iyang anak si Ayen?"

" Pamangkin ho siya ng dati kong nobyo."

" Sigurado ka ba? Baka iyan ay iyon anak at iyong ikinahihiya sa amin."

Nabigla si Meling. Hindi niya akalaing ganun ang iniisip ng matanda.

" Hindi ho. Kahit tanungin mo ho yung bata. Siya'y walo na at nakaraang taon ko lg nakilala ang kanyang tiyo."

" Ah ganun ba," sabay inom ni Rosario ng coke at ito'y nagpaalam na.

Makaraan ang isang linggo, naging bantog sa kanilang baryo na ang apo ni Milagros na kanyang pinalaking may disiplina ay nagkaroon ng anak na walang asawa.

Mula noon...

"Tita, may tao sa labas. Gusto ka raw makausap."

" Isarado mo'ng pinto!" anang sagot.

2
$ 0.00
Sponsors of Aeshayne
empty
empty
empty
Avatar for Aeshayne
3 years ago
Topics: Life, Story, Fiction, One shot

Comments