Join 76,143 users and earn money for participation

Stolen Freedom

33 26 boost
Avatar for Adrielle1214
Written by   65
3 weeks ago

Magandang hapon sa lahat ng readers at writers dito sa read.cash, may isang kwento akong gustong ibahagi sa inyong lahat at sana ay magustuhan nyo at mapulutan natin ng aral

Ako si Ryan, nagtatrabho ako sa isang opisina, meron akong girlfriend at kaopisina ko din sya ang pangalan nya sa Sasha, si Sasha ay mabait at tahimik na tao lang, kami ay isang taon ng magkarelasyon at mataas ang respeto namin sa isa't-isa. Isang araw nagkayayaan sa opisina dahil birthday ng isa naming katrabho, so everyone is required na sumama, pagkatapos ng trabaho deretso na kami sa bahay ni Myca(celebrant). Pagdating namin, ay nakahain na ang lahat ng pagkain at mga alak, dahil sabado kinabukasan kaya nagkayayaan na din uminom,habang inuman syempre kwentuhan at asaran, hanggang nauwi sa amin ang asaran, niloloko na kami ng lahat bakit daw ndi pa kami magpakasal at kung ano-ano pa.

Habang lumalalim ang gabi napapansin ko napapadami na ang inom ni Sasha kaya kinausap ko sya

"Dahan-dahan lang at hindi ka naman sanay malasing"

"Ayos lang ako, minsan lng ito" sabi nya

"Sige ikaw din baka bukas sumakit ang ulo mo sa hang-over",

"Ikaw naman, wag mo akong alalahanin", ani nya

Hanggang unti-unti syang dumidikit sa akin at nilalandi ako, pero sinaway ko sya.

"Ano ka ba lasing ka lang Sasha",

"Si-nong lasing, nakainom pero ndi la-sing", sagot nya

"Tigilan mo ang ginagawa mo, nakakahiya sa mga kasama natin"

"A-no ka ba, diba matagal mo na akong gustong mapalapit sayo, eto na ung pagkakataon mo", ani nya

"Lasing ka Sasha, tama na yang ginagawa mo",

"Bakit ayaw mo ba ginagawa ko?"

"Gusto pero hindi sa ganitong paraan at lugar"

Kaya tumayo kami at pumasok sa loob ng bahay ng kaopisina namin at tuluyan na ngang may nangyari sa amin.

Kinabukasan nagising ako ng wala na akong katabi, kaya nagtanong ako sa mga kasama namin at sinagot ako ni Myca na nagpaalam sa kanya si Sasha na uuwi na. Tinawagan ko si Sasha pero sabi lang nito masakit daw ang ulo nya at gusto nya magpahinga, kaya hinayaan ko sya. Lunes pagpasok namin sa trabho, napapansin ko na medyo iniiwasan ako ni Sasha, siguro dahil sa nangyari sa amin, kya pilit ko syang kinausap, sabi nya medyo masama lang daw pakiramdam nya, hanggang umabot na ito ng isang buwan kaya pinilit ko na syang kausapin ng masinsinan.

"Sasha, galit ka ba sa akin, or may nagawa ba akong kasalanan at grabe ang pag-iwas mo sa akin?"

"Wala, talagang masama lang ang pakiramdam ko, at ayaw kitang nakikita"

"Bakit? "

"Gusto mo talagang malaman kung bakit ako umiiwas sayo? "

"Oo para ndi naman ako nagmumukhang tanga na habol ng habol sayo."

"Buntis ako Ryan,nagbunga ang nangyari sa atin"

"Talaga, bakit ndi mo sinasabi sa akin?"

"Dahil wala akong planong ituloy ito, dahil kapag nalaman ito ng magulang ko, siguradong itatakwil nila ako."

"Pero bakit, kaya naman kitang panagutan, wag mong ipapalaglag yan."

"Magsasabi tayo sa magulang mo, sasamahan kita."

"Pero, sigurado ako itatakwil nila ako Ryan"

"Andito ako para para alalayan at samahan ka na magsabi sa knila, wag kang matakot, hindi kita pababayaan"

"Salamat Ryan."

Kinabukasan pagkatapos ng trabaho ay napagdesisyunan namin na sabihin na s magulang ni Sasha, habang pauwi kami ay ramdam ko ang kaba sa mga kamay nya, kaya pinipilit ko syang kalmahin. Hanggang makarating na nga kami sa kanila. Pagdating namin ay pinakilala ako ni Sasha sa magulang nya.

"Ma, Si Ryan po boyfriend ko"

"Magandang gabi po", sabay mano

"Magandang gabi din naman" sagot nila

"Ma, may sasabihin po kami ni Ryan sa inyo,"

"Ano yun anak?"

"Eh kasi po, kasi po,"

"Ano bang sasabhn nyo at hindi nyo masabi ng deretso"

"Kasi po, buntis po si Sasha, pero willing naman po ako panagutan sya, kaya andito pa kami sa harapan nyo para magsabi."

"ANO! pinag-aral ka namin para matulungan kami taz magpapabuntis ka lng, hala layas wag ka ng magpapakita sa amin kahit kailan, LAYAS!!!!"

Habang lumakad kami palabas ay iyak ng iyak si Sasha, kaya nagpahinga kami saglit sa may di kalayuan para aluin ko sya, sabi ko babalik na lang kami sa ibng araw kapag medyo malamig na ang ulo ng magulang nya. Kaya iniuwi ko si Sasha sa bahay namin, at sinabi ko na din sa magulang ko na nabuntis ko si Sasha at pinalayas ng magulang nya kaya pansamantala ay sa amin muna sya titira, at pumayag naman ang magulang ko.

To be continued❤️❤️❤️


Authors Note:

Abangan nyo po ung next chapter ng story, I will make sure that you will love it and its not the common story, so I'm begging 😀🤣you to please stay tune. Joke lang po, ok lng po if ndi kayo excited sa next chapter hehe. Minsan talaga wala din sense ang ginagawa ko haha, pero masaya po ako with my journey, so please bear with me.😀

Thanks to all my sponsors for trusting my capability. You are all awesome and inspiration to me.

Thank you, enjoy and Spread love!

®anniemarie®

2021.09.27

8
$ 1.98
$ 1.83 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jher0122
$ 0.05 from @Jeansapphire39
+ 3
Avatar for Adrielle1214
Written by   65
3 weeks ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Nakakaexcite Naman Ang susunod na mangyayari aabangan ko talaga Yan....hello sis I'm here na din hehe

$ 0.01
3 weeks ago

Hello sis, haha, oo sis gagawan ko yan karugtong na maganda para maenjoy ng readers haha

$ 0.00
3 weeks ago

Parang telenovela lang inaabangan Ang susunod na mangyayari...thank you sis

$ 0.00
3 weeks ago

Haha, ganun tlga sis minsan para may maisulat na article hehe

$ 0.00
3 weeks ago

Nakakakulta din Ng utak kung anong topic Ang susunod na gagawin ko

$ 0.00
3 weeks ago

Kahit mga experience mo sis ayos lng tan

$ 0.00
3 weeks ago

Sige sis try ko pa ulit gumawa

$ 0.00
3 weeks ago

Hala naging telenovela na pero ang ganda sis at aabangan ko ang part 2 hehehhe

$ 0.01
3 weeks ago

Haha, sis tinamad na magtype kya to be continue:)

$ 0.00
3 weeks ago

Susubaybayan ko yan sis bakit ba kasi kapangalan ko yan hahaha

$ 0.01
3 weeks ago

Accidentally haha

$ 0.00
3 weeks ago

Hahahaha natawa ako dun. Wala nga lang akong jowa no worries di ako yun hahahha. Help po paano mag open ng sponsorship lods bakit ang lalabas sa akin ay "Sponsor Block(?)

$ 0.00
3 weeks ago

Yun na po un, ibig sabhn ung ung blocks para sa sponsors ndi blocked na harang

$ 0.00
3 weeks ago

Paano po yun i activate sis or i unblock. Paturo po

$ 0.00
3 weeks ago

Kapag gawa ka new article click mo ung dollar sign taz ok na un lalabas na ung mga boxes ng sponsorship

$ 0.00
3 weeks ago

Walang lalabas man sis. Nag picture ako tapos nasa reply ko sa noisecash mo po

$ 0.00
3 weeks ago

Ganyan na nga po tlga ang lalabas, ibig sabhn open na slot ng sponshorship mo

$ 0.00
3 weeks ago

Yun hehehe salamat lods

$ 0.00
3 weeks ago

Ok na, naayos mo na? Lalabas na yan kapag gumawa ka ng new article, para magkaroon ka na ng sponsors

$ 0.00
3 weeks ago

Ayos na lods hehe di na ako aasa dun. Basta masaya ako dito sa readcash bahala na if meron mag sponsor masaya na rin ako

$ 0.00
3 weeks ago

Oo, pero mas maganda kung open ung sponsors block mo

$ 0.00
3 weeks ago

Open na lods hehe

$ 0.00
3 weeks ago

Ok po, wait mo lng dami na dadating sayo dyan hehe

$ 0.00
3 weeks ago

Nag aabang nko sissy mukhang mas maganda ang karugtong hehe

$ 0.01
3 weeks ago

Iisipin ko pa sis haha

$ 0.00
3 weeks ago

Wawa naman sis sasha pinalayas agad..

$ 0.01
3 weeks ago

Oo nga, may magulang din pala na ndi kayang tanggapin ang pagkakamali ng anak

$ 0.00
3 weeks ago

Pag nakita nila yung anak ni sasha im sure lalambot din puso nila

$ 0.00
3 weeks ago

Abangan mo sis hehe

$ 0.00
3 weeks ago

Cge sis hehe

$ 0.00
3 weeks ago

Sige aabangan ko po yang next chapter ng love story na yan at medyo nabitin ako..hahaha.Ano kaya ang nangyari sa future ni Ryan at Sasha?hahaha

$ 0.01
3 weeks ago

Naku sis,abangan mo at tlgang mashock ka hehe

$ 0.00
3 weeks ago

Hahaha..malalaman natin Yan.😅😅

$ 0.00
3 weeks ago