Negative but Positive

9 27
Avatar for Adrielle1214
3 years ago

Dahil sa dumadaming bilang ng nagpopositive sa covid-19, ang kumpanyang pinagtatrabahuhan ng kapatid ko ay nagsagawa ng libreng antigen testing para maging aware na din ang lahat at mag-ingat, pero habang hinihintay ang resulta ay tuloy lang ang trabaho nila.Pagkalipas ng ilang araw, dumating ang resulta ng antigen test nila, pero syempre ito confidential issue so need discuss sa taong involved lng, tinawag sila isa-isa at iniabot ang resulta ng test, at nung sa kapatid ko nga ang binasa ay negative sya pero pinagquarantine sya for 14days and after 14days need ng RT-PCR testing, sent home na agad sya after the discussion. Ganito ang explanation sa kanya NEGATIVE ANG RESULT PERO MAY POSSIBILITIES NA CARRIER SYA O HINDI CARRIER NG VIRUS KAYA NEED MAGQUARANTINE THEN RT-PCR TESTING PARA MALAMAN ANG TOTOONG RESULTA

Ito ung resulta ng anti-gen test nya

Pag-uwi nya ng bahay, sumama ang pakiramdam nya, habang gumagabi lalong sumasama lalo ang pakiramdam nya, nilalagnat sya, nawalan ng panlasa pang-amoy, sumasakit ang lalamunan halos lahat ng sintomas ng may covid naramdaman nya, kaya ang ginawa nya nung gabi kahit hirap sya, nagsuob sya, ndi sya gumamit ng electric fan para pagpawisan sya, taz uminom sya ng gin na may kalamansi kasi sabi nila mabisa daw yun sa mga ubo at sipon., kinabukasan paggising nya medyo ayos na pakiramdam nya pero medyo wala pa din syang ganang kumain, pero pinipilit nya dahil lalo syang manghihina kapag ndi sya kumain, tuloy tuloy ang suob nya, tsaka naggargke din sya bactidol, hanggang makalipas ang araw pa ay umayos na ang pakiramdam nya., buti nga may sarili syang bahay kaya hindi mahirap ung pagkaquarantine nya, hinahatiran lang sya ng nanay ko ng pagkain gamot at iba pang kailangan.

Then bago natapos ung 14days quarantine nya napayagan na sya magpa RT-PCR kasi nga wala naman syang nararamdaman then yun din ung advice nung LGU na nagmomonitor sa kanya, after ilang araw lumabas ang resulta na negative nga sya sa covid-19 at binigyan din agad ng fit to work/clearance form para makapasok ng trabaho.


Hindi biro ang mga nangyayari sa atin ngayon lalo na itong pandemic kaya dapat wag natin ipagsawalang bahala na lang, marami pa din ang hindi naniniwala sa covid-19 gaya ng kapatid oo nag-iingat sya at sumusunod aa protocol kasi may mga bata at senior syang kasama sa bahay pero nagkachance pa din na mahawa sya. Kaya dapat lahat tayo maging aware sa paligid natin para makasurvive at matapos na itong pandemic na ito, dahil isa pa ito sa nagpapahirap sa ating lahat, mahirap na nga ang buhay mas lalo pang humirap, pero hindi naman po ito matatapos kung hindi din tayo magtutulungan, kaya dapat simulan natin ang pagdidisiplina sa ating mga sarili,hanggat maari kung wala naman importanteng lakad sa mga lugar na matatao ay wag na tayong pumunta, kung may extra budget maggrocery or mamalengke na ng pangmatagalan/weeks or month para mas malayo tayo sa hawaan.


Kung may nagpositive naman po sa pamilya natin, dapat maging matatag tayo, suportahan ang bawat isa kahit sa pamamagitan ng mga chat or text lang, at syempre tulungan natin ang sarili natin laban sa virus, dahil kapag hinayaan natin na sakupin tayo ni covid-19 talo tayo, at isa pa at higit sa lahat dasal at tiwala sa Diyos, yan ang pinaka the best weapon at shields natin sa pandemyang ito.


P. S

Bka nakuha pala ng kapatid ko ung virus nung pabalik balik sya dati sa PGH kasi sya ang naglalakad ng mga papel ni Baby Mikmik(pamangkin namin)nung nakaconfine ito dun. Pero atleast ngaun po ok na sya may vaccine na din halos lahat ng mga kapatid ko pati nanay ko.


Salamat sa pagbabasa sa artikulo kong ito at mag-iingat po tayo palagi! Godbless

®anniemarie®

2021.09.18

6
$ 1.77
$ 1.56 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Bloghound
$ 0.05 from @LykeLyca
+ 3
Sponsors of Adrielle1214
empty
empty
empty
Avatar for Adrielle1214
3 years ago

Comments

Ingat times 10 tayo talaga these days, sis. Prayers always sis!

$ 0.00
3 years ago

Yes sis, prayer and extra careful is the key para makaiwas tayo sa virus

$ 0.00
3 years ago

Kailangan po talaga natin mag-ingat, plus additional protection..., May mga nakaka-usap akong covid patient na nahihirapan hindi dahil sa nararamdaman, pero dahil sa hindi nila makasama ang pamilya nila.

$ 0.00
3 years ago

Kaya nga po dapat constant support kahit online lng taz include natin lagi sa prayers natin

$ 0.00
3 years ago

Yes po.., prayer is the best...,

$ 0.00
3 years ago

Kahit anong pag iingat ,maari paring magkavirus ,buti nalang okay na siya🙏

$ 0.00
3 years ago

Opo, pero iba pa rin ung nag-iingat tayo

$ 0.00
3 years ago

Relate po ako dito negative din kami sa antigen testing pero kailangan pa rin kaming imonitor kase exposed kami sa covid halos lahat ng kasama ko dito sa bahay ay positive lahat kaya kinakailanangan pa rin naminng home quarantine kahit negative naman yung result ng test namin.

$ 0.00
3 years ago

Oo nga po, kaya ang hirap pa din tlga kaya doble ingat tayo lagi

$ 0.00
3 years ago