Manhid at sakim
August 16, 2022
Bakit kaya may mga taong manhid at sakim ano?
Yung friend ko kasi may problema sila sa pera ngayon dahil nagkaproblema yung asawa nya sa dating trabaho at parang hinihingian sila ng bayad sa danyos, nakapagbigay sila pero not the exact amount kasi nga wala din naman silang ganun kalaking pera. Wla din naman akong maitulong kundi moral support, alam nya naman kalagayan namin.
Nung maayos pa trabaho ng asawa nya hindi naman sila madamot madalas nga libre pa nila buong pamilya kakain sa labas magswimming, kumbaga hindi din sila nag-ipon at nag-isip ng kinabukasan, pero may mga nabili naman silang gamit, kagaya nung smart tv nila, motor na second hand at nakakapasyal at nakakain sa labas ang mga bata at nagdown na din sila dun sa lupa na balak sana nilang pagtayuan ng bahay nila.
Pero dahil nga mapagbiro ang tadhana ay nagkaproblema nga, so ngaun nagkanda utang utang na sila at halos maibenta na ang mga naipundar para makaahon ahon sa utang, kaya sana balak nilang bawiin yung perang paunang bayad nila dun sa lupa na dapat pagtatayuan ng bahay nila, kaso ayaw ng ibalik nung may-ari ng lupa na kung tutuusin ay kamag-anak din naman nila ito, ang dahilan ay wala na yung pera dahil pinangpuhunan na sa tindahan, at maibabalik lang daw ang pera kapag may bumili ng lupa, pero kung talagang ndi din sya sakim pede nya naman gawan ng paraan dahil nagpapautang siya ng pera at may utang na nga sa kanila ung friend ko dahil ayaw pa nila ibalik ung deposito sa lupa na ₱10k, so kung marunong kang umunawa sa hirap na pinagdadaanan ng iba, pede mo ng gawan ng paraan na kuhanin uli ung lupa at pati ung pera ay sayo na din para makabawas sa utang ang mag-asawa at hindi na rin masyado lumalaki ang tubo ng pera na inutang sa kanya.
Sa totoo lang habang nagkukuwento sa akin ung friend ko naiinis ako dun sa pinsan nila dahil alam na nilang gipit ung tao lalo pa nilang ginigipit dahil gusto nilang kumita.
Alam naman natin na yan ang ikot ng buhay pero sa mga taong gipit na at ginigipit mo pa lalo at kamag-anak mo pa parang sobra na naman un, wala ka ng konsensya dun sa kapwa mo.
Kung ako lang talaga ay may pera or kung nung time na may hold akong BCH at mataas ang value ni BCH ndi ako magdadalawang isip na pautangin sila kahit walang tubo dahil nakikita ko ung hirap na pinagdadaanan nila ngayon.
Buti nga may trabaho na uli yung asawa nya kaya lang ang kinikita ay halos pambayad lang sa tubo ng pera na inutang nila. Imagine kailan pa sila makakabayad dahil halos ang mga pautang ngaun ay ang laki ng mga interest na halos dun na napupunta ang kita mo sa pang-araw araw.
Pasensya na sa rant ko naiinis lang talaga ako sa mga taong ganito ang pag-iisipsa kapwa nila lalo na sa taong gipit na gipit na.
Grabe naman friend para namang hindi kamag anak kung ganun. Dapat magtulungan lang sana friend. Yung magkaintindihan. Huhu dami talaga mga taong ganyan di nakakaintindi.