Mangarap Ka

Ika-4 ng Pebrero taon 2022 sa oras na ala-5:13 ng hapon.
Maganda tayong lahat maglalathala sa komunidad na ito! Haha. Kumusta na ang lahat, lahat sana ay nasa mabuting kalagayan at pangangatawan kahit na medyo hindi maganda ang panahon natin sa bawat araw na dumadaan. Ako ay magtatagalog muna sa kadahilanang wala akong maisip na isulat na artikulo ngayon, subalit habang ako ay nakaupo sa trono kanina para umihi may pumasok sa isipan ko na ideya, kaya ayon andito ako ngayon nagsusulat sa wikang tagalog nga lang dahil naubusan na ako ng salitang banyaga(kainis ang hirap pala ng purong tagalog ano, at kung titingnan ninyo pati ang mga salita ko ay maayos ang pagkakasulat hindi gaya ng mga text na sulat). Natatawa ako habang sinusulat ko ito para akong batang nagsisimula pa lang magbasa at magsulat.
Tumungo na nga po tayo sa aking paksa at ng matapos na din ako sa aking artikulo.

Lahat ba ng tao may pangarap sa buhay, o may iilang tao din na kuntento na sa buhay na meron sila ngayon. Ikaw anong pangarap mo sa buhay mo?
Ako bata pa lang ako pangarap kong maging guro, ngunit dahil sa kahirapan ng buhay at hindi pa uso dati ang mga iskolar, ung pangarap ko na naging pangarap na lng, alam ko naman na pede ko pa din iyong abutin sa ngayon pero may balakid pa din dahil may anak ako na kailangan pa ng ekstrang atensyon dahil siya ay bata pa, bukod pa dun sa pangarap kung maging guro may mga pangarap pa din ako para sa magulang ko, nanay ko dahil wala na ang tatay ko nasa piling na ni Hesus, pangarap ko na sana bago man lang bawiin ng Panginoon ang Nanay ko ay maipasyal ko sya sa ibang bansa kahit sa parte man lang ng Asya ang importante ay makaranas sya na makarating sa ibang bansa, kaya talagang nagpupursige din akong makaipon kahit pakonti konti gamit ang mundo ng teknolohiya habang hindi pa ako nagtatrabho, at syempre kasama din sa pangarap kung yan ang sarili kong pamilya, kaya malaki laking halaga ang kailangan ko. Hindi ko naman minamadali ang pangarap na yan dahil hindi din naman ganun kadali mag-ipon ng malaking halaga, pero ang importante dun may pangarap ka na pinanghahawakan sa buhay mo at kailangan mong pagsumikapan.
==
May nakilala akong tao na hindi naman sa sinasabi niya na wala siyang pangarap sa buhay niya pero yung mga kilos niya ay parang ganun ang nais iparating gaya ng halimbawa, may nagyaya sa kanya ng trabaho ngunit ito ay malayo sa pamilya niya(maynila) at dahil nga malayo ito mas pinili niyang hindi tanggapin ang inaalok na trabaho sa ganun kadahilanan, pero kung titingnan mo ang estado ng buhay ng pamilya niya ay hirap sila, oo kumakain ng tatlong beses sa isang araw ang pamilya niya, pero ang pang kinabukasan ay hahagilapin niya na uli at isa pa diyan yung lumalaki ang bata at mag-aaral at mas madaragdagan ang gastusin nila, ang saklap diba? Ano sa tingin niyo may pangarap ba siya sa buhay?
Yan ay isa lamang halimbawa, ang laki ng diperensya ng may pangarap na tao sa wala diba. Kapag may pangarap kang tao pursigido ka sa bawat ginagawa mo at lagi mong pinanghahawakan ang bawat pangarap mo, lahat ng raket pinapasok mo para sa pangarap mo dahil alam mong sa dulo ng bawat pagsisikap na yun ay may saya at ngiti na mababatid sa pagkatao mo, ndi gaya kapag wala kang pangarap na kuntento ka na kung anong meron ka sa ngaun at bahala na uli bukas, hindi masamang mangarap, kaya dapat ngayon pa lang sinisimulan mo ng mangarap para sa mga mahal mo sa buhay, dahil yan ang magiging hakbang at inspirasyon mo para magpursige sa buhay.
Ikaw ano ang pangarap mo?
==
Hanggang dito na lang po. Salamat sa pagbabasa at pagtitiwala at wag niyong kalimutan mag-iwan ng komento sa baba.👇
P.S
Ang saya na mahirap na nakagawa akong artikulong puro salitang tagalog ang nagamit ko, madalas kasi may halong salitang banyaga, ngaun ay wala talaga.


Hirap na tlga tyo mg aral ulit sis lalo na at may bata pang alagain kya sa ibang bgay na lng tayo rumaket kahit papano may income. Dami ko pangarap sis at kahit di mn matupad eh okay lng din