Kilos na!
April 12, 2022 14:11pm
Isang maulan na araw sa ating lahat!
Its been a week na hindi nagpapakitq si haring araw dito sa amin, at talaga naman iba sa pakiramdam kapag hindi ka man lang naarawan, iba ang lakas na dulot ng araw sa ating katawan, oo masama din naman ang sobrang init dahil pede tayong maheat stroke, pero masama din naman na laging maulan dahil maraming lugar ang bumabaha gaya ng nangyayari ngaun, bago dumating ang bagyong agaton tayo ay inulan na ng inulan kaya ang tendency nagsimula ng bumaha sa ibang lugar, at lalo itong lumala dahil sa bagyong dumating.
Ang bagyo ay isa sa mga natural calamities sa bansa natin, kaya kung tutuusin dapat talaga alam na natin ang mga gagawin sa ganitong sitwasyon, pero bakit tayo umaabot sa mga baha, landslides at mga taong nagbubuwis ng buhay.
Ang unang naging kapabayaan natin dito ay ang mga Basura natin, wag na tayong magturuan sa bagay na ito dahil lahat tayo ay liable sa isyung ito, mas marami sa atin ang undiscipline pag dating sa basura, lalo ung mga ndi nabubulok na basura gaya ng mga plastics. Ang isang halimbawa na lang kapag kumakain tayo sa mga turo turo or tabi tabi at may mga plastic cups na baso ang tendency natin kapag tapos na tayong uminom or kumain at wala tayong nakitang basurahan sa mismong tindahan, tinatapon na lng natin sa tabi tabi, hanggng sa liparin ito at mapadpad sa mga ilog at or mga kanal at dun na ito matatambak hanggang magcause na ito ng pagbabara ng drainage, kaya naman kapag umulan ng umulan mabilis na tayong bahain.
Kung titingnan natin napakasimple lang naman ng ginawa natin diba tinapon sa gilid ang plastic cups, pero ung effect nya grabe diba lahat ng tao naapektuhan lalo na ung mga musmos pa lamang na kailangang i-evacuate dahil nga umaapaw na ang mga drainage, ilog, sapa dahil sa basura natin.
Pangalawang sanhi ay ang pagkakakalbo ng ating kalikasan dito sa topic na ito ay madalas nadadamay na lng tayo dahil sa mga gahaman sa pera, alam naman nila ang importansya ng mga puno sa kalikasan pero dahil gusto nila ng malaking pera kaya mas pinipili nila na ipaputol ito para pagkaperahan, at mga batugan naman silang palitan ang mga puno na pinutol nila, at dahil nga dyan sa mga pinutol nilang puno nawawala tuloy ung mga ugat na magsisipsip sa tubig na dulot ng ulan kaya bumabaha na din at dahil nga baha, lumalambot na ang lupa at nagsimula na ito ng landslides, pero kung marami pa din tayong mga puno sa ating kagubatan ang ganitong lamdslide ay malelessen kahit papaano.
Ito ay isa lamang sa mga dahilan kung bakit natin nararanasan ang ganitong sakuna sa ating bansa at wala tayong dapat sisihin dito kundi tayo din mga tao, dahil nawalan tayo ng disiplina.
Disiplina ay isa sa mga attitude na wala sa atin ngaun, isa sa ndi na natin napapractice na ugali natin isa sa napabayaan na natin kaya ito ang ngyayari tayo ay binabaha ng sobra at landslides kung saan saan ang panig ng pilipinas.
Kaya ngaun simulan na natin ibalik ang disiplina sa mga sarili natin, magtanim tayo ng mga puno, magtapon ng basura sa tamang tapunan at hangga't maari iwasan na natin ang plastic, dahil ito ay nasimulan na natin, kaya ituloy tuloy na natin dahil tayo din naman ang makikinabang dito.
Kapag naiwasan na natin ang paggamit ng plastic mababawasan at maiiwasan na din ang mga pagbaha at simulan na natin ang magtanim ng mga puno sa ating mga nakakalbong kagubatan para may sisipsip sa mga tubig ulan at ndi na lalambot ang mga lupa at maiiwasan na ntin ang landslides.
Kaya ang dapat natin gawin, aba tayo ay KUMILOS NA HABANG HINDI PA HULI ANG LAHAT AT PARA NDI NA MARANASAN NG MGA ANAK NATIN ANG ATING MGA NARANASAN PA.
Salamat sa mga sponsors ko na patuloy na nagtitiwala sa akin
True.. nasa tao lng din nmn ang dahilan ng lahat.