Karabaw, Ogag

6 25
Avatar for Adrielle1214
2 years ago

April 22, 2022 14:55pm

Carabao , carabao sigaw ng isang bata!

May isang bata ang pangalan nya ay Ronald, si Ronald ay tahimik na bata pero masunurin ngunit ang knyang pang-unawa sa mga bagay bagay ay mahina, pero kahit ganun pa man pursigido syang mag-aral.

Nung nasa grade 4 na sya madalas syang inuutusan ng kanyang guro na gumawa ng hukay sa likod ng classroom nila para tapunan ng basura, at ang ibang kaklase naman nya ay ginagawa syang tampulan ng tukso.

Bago matapos ang school year, nagsabi si Ronald sa magulang nya na ndi na sya mag-aaral dahil nga bukod sa mahina talaga ang utak nya at ndi pa rin sya marunong magbasa masyado ay lagi lang din daw syang inuutusan ng teacher nya na maghukay ng tapunan ng basura. At dahil nga mahirap din ang pamilya nya at parehong magulang ay kailangan kumayod araw araw para may makain sila ay hindi sya natuturuan ng mga ito. Ngunit ndi sya pinayagan huminto, pero dahil nga sa araw araw na ginagawa ni Ronald sa school ay maghukay lng ng basurahan at asarin ng mga kaklase nya ay unti unti na syang ndi pumasok. Kahit na kinausap ng magulang nya ang teacher at sinabi ang dahilan kung bakit ayaw n nitong mag-aral ay patuloy pa din sila sa ginagawa nila kay Ronald, kaya tuluyan na itong tumigil sa pag-aaral.

Naging tagalaba at taga alaga na lng si Ronald sa mga kapatid nya. May mga kaibigan pa rin naman sya na pumupunta sa bahay nila para kausapin at makipaglaro sa knya kahit lagi syang inaasar ng mga ito.

Tuwing December at simbang gabi sama sama silang nagsisimba ng mga barkada at kpag huli si Ronald sa oras ng hntayin inaasar nila ito at pinupuntahan sa bahay nya para gisingin. Karabaw(kalabaw) karabaw(kalabaw) simbang gabi na ikaw na lng ang wala sa barkada. Karabaw ang tawag sa knya ng mga kaklase at kaibigan nya, pero ndi nya ito pinapansin at pinapatulan.

Taong 1998 ng lumuwas sa maynila ang Nanay ni Ronald at sinama na ito, dun nabago ang tawag sa knya, pero dahil nga kita ng mga tao na wala tlga syang alam lalo na sa pagbabasa at pagsusulat pati sa pera ginawa pa din syang uto uto ng mga nakakakilala sa knya at bininyagan sya ng panibagong pangalan, OGAG naman ang tawag sa knya ng mg tao dun. Pero kahit ganun pa man nkikisama pa rin sya.

At dahil nga madali syang utuin at utusan kahit pa ikapapahamak nya ay ipinasok syang tanod sa barangay, may sahod naman sya kahit papano, pero sya ung tipo ng taong ginagawa nilang tau-tauhan kapag ayaw pumasok ng ibang tanod sa alanganin oras sya ang ibabala nilang kapalit at dahil nga ndi naman sya marunong magreklamo kahit minsan straight ang trabho nya.

And after almost 2 decades na lumuwas si Ronald sa maynila ay nagkaroon ito ng chance makabalik sa probinsya nya. Nakita sya ng mga kakalase at barkada nya. Bati dito bati dun, pero si Ronald walang reaction wla syang matandaan sa mga naging kaklase at barkada nya, kaya naman itong mga kaklase nya at barkada todo pakilala at paalala lahat ng mga kalokohan nila nung bata pa sila, pero si Ronald walang maalala kahit isa man lng sa knila at kahit sa mga alalang kinukwento nila.

==

Sa akin konklusyon, siguro dahil nga sa hindi naman maganda ang lahat ng memory nya nung kabataan nya kaya mas pinili nya na lng itong kalimutan. Or bka naman ayaw nya na uling pagtawanan at tawagin syang karabaw(kalabaw) ng mga dati nyang kaklase at barkada kaya maaring nagkukunwa-kunwarian syang walang maalala diba.

Marami tayong pedeng isaalang alang sa bagay na ito. At higit sa lahat iwasan natin ang mambully/mang-asar ng tao lalo na kung about sa kapintasan nito dahil hindi naman lahat ng taong binubully natin ay kayang i-handle ang sitwasyon.

Marami na tayong naririnig, nababasa at nababalitaan na gumawa ng masama, nagpapakamatay dahil sa bullying,kaya dapat maging aware na tayo lahat sa bagay na ito.

To all my sponsors(old and New) thank you so much.

6
$ 1.09
$ 0.99 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Kelzy
$ 0.02 from @Sweetiepie
+ 2
Sponsors of Adrielle1214
empty
empty
empty
Avatar for Adrielle1214
2 years ago

Comments

Naku it is so pathetic, that feeling na may nag advantage sayu dahil lang sa mahina. I appreciate na the victim didn't seem to take vengeance.

$ 0.01
2 years ago

Kya nga, buti mabait tlganung tao

$ 0.00
2 years ago

Kawawa naman sis. I know someone na ganyan sis. Yung palaging binubully at tinitake advantage ang kamangmangan.

$ 0.01
2 years ago

Nakaawa ano sis

$ 0.00
2 years ago

Nangyayare talaga yung mga ganyan kaya hanggang sa pagtada nadadala nila buti nga di siya naghiganti at nanakit yung tipong puno na ng poot damdamin niya at makagawa na siya ng di maganda.

$ 0.01
2 years ago

Ndi naman tlgang ndi nga lng nya maalala ung mga kababata nya

$ 0.00
2 years ago