August 6, 2022
Maganda tayo lahat sa araw na ito.
Nakaranas na ba kayo na kung saan kayo ay tumulong sa iba at kayo pa ang napasama?
Walang masamang tumulong pero dapat naayon din at sa tintulungan wag din tayong maging asa sa iba, matuto din tayong kumilos para sa sarili natin dahil hindi habang buhay ay may tutulong sa atin ng walang kapalit.
Marami sa atin ang minsan ay ayaw ng tumulong dahil minsan nga sila pa ang napapasama, pero marami naman ang kusang tumutulong kahit alam nila na may maganda at masama itong kalalabasan sa bandang huli.
Masarap sa pakiramdam kapag nakakatulong ka sa iba at sobrang sakit din naman kapag tumulong ka at ikaw pa ang napasama diba.
Gaya ng ganitong pangyayari.
Ako ay nagtatatrabho bilang isang driver, ng isang pribadong kumpanya at alam ko na ang mga amo ko ay maraming kaibigan na kakilala ko din at naging kaibigan dahil nga sa lagi ko din silang nakikita kapag pinagmamaneho ko ang amo ko.
Ngaun isang araw tinawagan ako ng isang kaibigan ni Amo na ipagmaneho ko sya at ako naman ay hindi nagdalawang isip dahil nagsiguro ako na payag ang amo ko dahil magkaibigan sila at ipinagpaalam nya ako sa amo ko. Ngunit datapuwat sa kasamaang palad ay nalaman ng Amo ko ang pangyayari at ito ay nagalit dahil sa hindi nya pala alam na pinagmaneho ko ang kaibigan nya, at sa galit nya ako ay tinanggal nya sa trabho. Walang nagawa ang kaibigan ng Amo ko para isalba ako sa trabaho, pero nangako na ihahanap nya ako ng papasukang trabho, subalit datapuwat magdadalawang linggo siya ay wala pang nahahanap na papasukan kong trabaho, at ako ngayon ang kawawa dahil may pamilya akong umaasa sa akin.
Isa lang itong halimbawa ng pagtulong kung saan nalalagay tayo sa peligro, at talagang nakakalungkot naman isipin na nangyari nga ang mga bagay bagay na ito, maari may naging kapabayaan ako sa bagay na ito pero hindi ko inisip na ako pala ang magiging dehado sa bandang huli at labis ko itong pinagsisihan ngaun.
==
Hello there readtizen! I opted to used our national language as I seen some writers doing the same thing in honor of BUWAN NG WIKA(month of language).
My articles was about helping others wholeheartedly but ending up that you are in a mess, but of course not all, maybe theres just coincidence.
I've been in readcash for a year and half and I meet alot of generous and good people here, I just hope that you are not ending you life in mess after helping other people but rather God blesses you more and more for being one.
Minsan nangyayari talaga yan sa atin ate eh, kaya ako, pinipili ko rin tinutulungan ko. Hindi naman sa nagdadamot, pero kapag kilala at alam mo na kasi ang ugali ng tao, tanggal na sila sa listahan ng mga deserve ng tulong ko hehe.