
Pamanhikan ito ay isang kaugaliang pilipino na kung saan ang pamilya ng partidong lalaki ay pormal na pupunta sa partido ng babaeng kasintahan at hihingiin ang basbas ng magulang ng kasintahang babae
Dayuhan ito ang salitang ginagamit dito sa CALABARZON Area(Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), na pareho lang din ang ibig sabihin sa Pamamanhikan.
Nung una ndi pedeng magsama ang magkasintahan hanggang hindi nagaganap ang pormal na pamamanhikan at napag-uusapan ang tungkol sa kasalan, kailangan nakadeklara ang petsa at buwan at taon para ibigay ng partido ng pamilya ng babae ang kanilang basbas, dahil may eksaktong petsa at buwan ang kasalan.
Ngaun mga panahong ito, pede ng magsama ang magkasintahan kahit wala pang pormal na pamamahikan, siguro dahil na rin sa modernong pamumuhay natin
Pamamanhikan na aking nasaksihan
1.)Nung umakyat ng pamamanhikan sa kapatid na bunso ni partner, andito ako kaya nakita ko kung paano ito ginagawa, palibhasa pareho ng patay ang magulang nila, ang tumayong magulang ay ang panganay nilang kapatid at ang asawa nito, dahil sa kanila ang babae, hindi nila kailangang maghanda dahil ang pamilya ng partidong lalaki ang magdadala, yun ang kaugalian nila dito, nangyari ang pamamahikan dito sa tinitirhan namin ngayon, pero dahil kalapit lang namin ang bahay ng Kuya nila dun sila sa loob ng bahay nila nag-usap.
Dumating ang pamilya ng partidong lalaki mga pahapon kaya ang dala nilang pagkain ay meryenda, pansit, puto, kutsinta, tinapay at may isang putahe ng ulam at kanin din at may kasamang alak, dahil wla ng nanay ung kasintahan nya ang tumayong magulang ay ang tatay at tiyahin bilang ina, at yun ng sila ang nag-usap usap ng mga bagay bagay habang ang ibang kamag-anakan ay nagkukwentuhan sa labas tungkol sa mga mga kaugalian ng bawat partido, siguro inabot ng isang oras ung pag-uusap nila at maayos naman ang kinalabasan, napag-usapan nila ang tungkol sa kasal kung kailan at san gaganapin. Pagkatapos ng usapan lumabas na bawat partido at kunting halubilo sa mga kamag-anakan ng bawat partido at yun naggayak na para umalis ang partido ng lalaki at medyo pagabi na din naman. Lumabas naman na maayos ang pamamanhikan.
2 )Nitong linggo lang isang kamag-anak naman ang umakyat ng pamamanhikan dahil sa partido namin ang lalaki, kaya ayun nagluto sila ng mga pagkain na kailangan dalhin sa partido ng pamilya ng babae, marami din silang niluto at maraming kamag-anak din ang sumama sa pagdayo/pamamanhikan, at ayun nga napag-usapan kung kailan ang planong kasalan dahil nagsasama na ang magkasintahan, pero dahil nga halos sakto lang din ang kita ng magulang ng lalaki, napagkasunduan na tsaka na ang kasal, mag-iipon muna daw ang magkasintahan at pumayag naman ang magulang ng babae, kaya ayun naging maayos din ang usapan nila .
AKO BILANG ISANG DADAYUHIN/ PAMAMANHIKANAN
Nagsama kami ng partner ko ay March 2018 at buntis na ako nun, dito ako sa bahay nya tumira dahil mag-isa na lng naman sya dahil patay na nga magulang nila, kaya mas pinili namin dito na lang para solo na din kami at makapgsimula ng bagong yugto ng buhay, pagkatapos ikasal ng kapatid nilang bunso, at kami kami na lang ang naiwan sa venue ng kasalan, nagsalita ang asawa ng panganay nilang kapatid, ano daw ba plano nila sa akin, kasi nga andun na daw ako at buntis na pero hindi pa nakakausap ang magulang ko, hindi naman sya galit pero alam ko yung point nya, kasi puro babae din ang anak nya, ayaw nya daw na balewalain lang, kung wala daw madadalang pagkain, ayos lang ang importante ay makausap ang pamilya ko(ganun po kabait si Mami(asawa ni kuya) ayaw nya ng wlang direksyon), kaya pagkatapos magsalita ni Mami nagdesisyon ang magkakapatid na bago daw ihatid sa airport yung isa nilang kapatid ay dadaan sa bahay namin, at pinasabihan na din ang pamilya ko na pupunta nga kami ng ganitong petsa.
At ng dumating nga ang araw na yun, ang flight nung kapatid nila ay 10pm yta yun, pero mga 9am yta umalis na kami dito at dadaan pa nga sa bahay namin, nag-arkila sila ng isang van, 5 kapatid ang sumama, isang bayaw at 2 pamangkin plus ako, at ung driver, maluwag naman ung van kaya ayos lng.
Nagluto lang ng isang putahe ung isang kapatid nila at yun ang dala namin, habng nasa biyahe, at may nadaanan na bilihan ng yema cake ung kuya nila, nagpabili ng 2 pinakamalaking yema cake, taz biyahe na uli kuwentuhan, ako bilang dadayuhin kinakabahan ako, ganun pala yun pakiramdam, kahit buntis ako nun ndi ako nakakaramdam ng gutom, at ndi din ako natutulog sa biyahe, nakapikit lng ako., Habang papalapit na kami, pinasabihan ako ni kuya na magsaing daw ang nanay ko kasi nga dun na magtatanghalian at may dala naman ulam at bumili pa kami ng dalawang andoks sa nadaanan namin kaya may dala din sila nung pamamanhikan sa akin(2yema cake,2andoks at ung nilutong ulam), nahihiya ako sa kanila dahil sa squatter nakatira ang pamilya ko, ndi basta basta ang daan at ang liit pa ng bahay namin., At umuulan pa kaya medyo maputik, buti na lng may ibang daan kaya medyo hindi nahirapan na makapasok sa lugar namin.
At ng andun na nga kami, nagtitinginan ang tao sa kanila kasi nga bagong mukha taz ng makita nila ako natawa sila at nakita ung mga dalang pagkain kaya may nagtanong sa akin kng sino daw ung mga yun, sabi ko partido ng kasintahan ko, at mag-uusap tungkol sa akin, tumawa lng. Nung andun na kmi sa bahay, pumasok na ako sa kwarto ang nanay ko lang humarap dahil patay na din ang tatay ko, at yun nag-usap sila ni kuya at iba pang kapatid, nag-usap tungkol sa kasal eh pareho naman nagkasundo na tsaka na lng dahil mag-iipon pa, maayos naman din ang kinalabasan ng pag-uusap at yun dun na nga kumain ng tanghalian at nagpahinga lang ng kaunti at umalis na din kami, dapat maiiwan muna ako, kaso pinasama ni kuya ang nanay ko kasi nga ipapagamot daw kasi may bukol sya nun sa may ilalim ng tenga, kaya ang ngyari kasama ang nanay ko papuntang airport at pabalik ng lucena.
PAGTATAPOS
Isa sa masarap na pakiramdam na maranasan mo din ang nakaugaliang pamamanhikan lalo na kung babae tayo, dahil iba pa rin ang saya na dulot nito kahit na nasa modernong pamumuhay na tayo, isa itong kaugalian na dapat nating ugaliin lalo na sa mga susunod pang henerasyon ng lahi.
SALAMAT SA PAGBASA SA AKING ARTIKULO!


Tingin ko di na masyado pinapractice to ngayon kasi masydao na liberated ngayon eh. I mean live in agad without the proper introduction sa family.