Last time, pinasok ako ng kapitbahay namin na principal sa school nila sa feeding, may sahod po sya na minimum wage, pero since everyday ito,ndi ako pede kaya ang ngyari pangalan ko ang nakalagay pero ung kapitbahay ko napasok kasi andun na naman sya sa school. Tulong ito sa akin ng kapitbahay namin(MAMI) kasi nga wla akong work taz si partner naman extra extra lng sa construction. Ganun kabait ung asawa ng kapatid ni partner, pero syempre secret po ito and since sya naman principal sa school kya ganun ang ginawa pero kami kami lng nakakaalam. Ang hatian namin is ₱100 sa akin then ₱270 dun sa pumapasok, not bad na din kasi wla naman akong gawa di po ba at 10days lng naman in a month.
Nag-start ito last march ung unang sahod ayos 6days lng kaya 600 lng sahod, then ung mga coming months aba kung ndi ko hanapin ung sahod ko ndi na ibibigay taz kulang kulang pa, pero naiintindihan ko kasi kapos din sila sa pera at bago lng silang mag-asawa na nagtatrabho dun sa utilities at madalas delay sahod nila( si Mami din nagpasok sa knila dun ang sahod nila is ₱15k monthly tig ₱7500 kasi sila). Balik tayo sa akin, then ung nga laging ganun na ung scenario namin tuwing sahuran laging need ko sya ipasingil para makuha ko sahod ko taz laging kulang.
Then ang last namin sa feeding is June so July expected ko ung sahod ko kasi every katapusan ang sahod, aba katapusan na ng july wla pa din, then pinatanong ko sa anak, then sabi nya wla pa daw, ndi daw napalitan ang tseke at byernes at busy sa lunes pa daw, so sabi ko ok, then monday came, nagkaproblema sila sa asawa nya so , ndi muna ako nagtanong, kinabukasan nagtanong ako wla pa din daw. Then punasok na ang first week ng August nagtatanong ako s mga bata kasi medyo naiinis na akong harapin ung kapitbahay namin, ung mga bata parang nagsisimungaling na din sa akin.
So parang nainis na ako kasi imagine ako pa ung naghahabol sa knila eh june pa dapat yun eh august na wla pa, pinuntahan ko sa bahay nila, hinanap ung batang pangalawa sa panganay kasi madalas sya ang kausapa at nagbibigay ng sahod ko, lumabas ung bata taz nag-usap kmi
Ako: anong sabi ng mama mo dun sa sahod ko
Bata:(sumigaw sa mama nya) wla pa daw po
Ako: tanong mo kung may ibibigay ba o wla ndi ung kung ano ano ang palusot sa akin
Bata: Mama ano daw ba?
Ako: (rinig ko sagot ng mama nya at nsa pintuan lng kami ng bahay nila) sabhn mo wag ng ibigay sa akin tulong ko na yan sa inyo.
Umuwi na ako sa bahay, galit na galit na ako nun, at isa pa sa kinakagalit ko, andun na ako sa mismong tapat ng bahay nila, ndi nya pa ako nilabas para kausapin at sya pa ang matapang kaya talagang kulong kulo ang dugo ko nun. After nung incident na yun never ko ng kinausap ung kapitbahay namin.
Ako nakikisama ako ng maayos dito sa lugar na ito kasi ndi ako taga dito, pero ayoko sa lahat ng magkakaproblema ako sa pera, kaya total naman sya ang nagtrabho nung pera na un ndi ko na tlaga hinabol ang huling sahod ko, ₱600 lng naman pero syempre malaking bagay na un, pero kung dahil lang dun ay magkakaproblema, ay naku willing akong magpaubaya, but never expect na ganun pa din ang pakikisama ko sa knila. At take note nung kinausap sya ng hipag nya about dun sa issue na un sya pa ang matapang,sabi ko daw sa knila na, kya ndi na nila ibibgay sa akin. Imagine kung ganyan ang ugali mo, ewan ko na lng if uunlad ka.
Sa totoo lng buntis pa ako takbuhan na nila ako, ₱100s, 50s pero ndi nakabalik sa akin pero never akong nagsalita sa kanila taz ngaun ako pa ung ginanto nya ay talagang lalabas din ang ugali ko, ndi ako pala-away pero kaya kong ndi ka kausapin ng taon hanggang kusa ng mawala ang inis ko.
Ngaun nag-start na uli feeding, ako uli ang kinuha nila, dapat ayoko na sana kaso ayoko din naman magalit si Mami sa akin at syempre ako na nga ang tinutulungan diba, kya hinayaan ko na lng, pero this time ito na ung mindset ko..KAPAG IBIBIGAY NYA SAHOD KO SALAMAT, IF WALA OK LNG DIN AT SANA MAKATULONG SA KANILA. Yan na ung sinabi ko sa sarili ko, never na ako g maghahabol.
What do you think readers, tama ba ang ginawa ko, if kayo ang nsa katayuan ko maghahabol din po ba kayo or hahayaan nyo na lng din. Share your opinions guys,pag-usapan natin yan.
To all my sponsors(old and new) thank you for your continous support❤️
Thank you and God Bless Us All!
🌹Annie Marie🌹
2021.11.24
Ang hirap po niyan sabibinniyo nalang po nagpapasok sa inyo aware din po siya at baka maagapan pa po