Black Magic

8 42
Avatar for Adrielle1214
1 year ago

April 27, 2022 13:21pm

Hola mi amigos and amigas! Feelingera lng ang peg ko today sa introduction taz tagalog na ang kasunod bwahahahaha. Umay na ako mag-english eh, bka naman kapag nag-aral si Adrielle said na said na ang utak ko about sa english kaya dapat magreserve ako ng kauntian hahaha.

Sa buhay natin madalas ndi tayo naniniwala sa mga kulam, kapre maligno or anumang elemento, pero may mga bagay talaga na nangyayari na sila mismo ang dahilan at kasagutan.

Kahapon nabasa ko ung article ni Dennmarcabout dun sa exorcism experience ng Tito nya, at habang binabasa ko un naalala ko ngyari sa kapatid ko, at hayaan nyong ikuwento ko din sa inyo ang pangyayari.

Ung sinundan kong kapatid ay high scho graduate lng at nakapag-asawa din agad dahil ung babae ay ndi n sya hiniwalayan kahit pinipilit itong pag-aralin ng tiyahin nya na balik-bayan. At dahil sa hirap ng buhay at may pamilya na din sila ay pinili ng kuya ko na magtrabho sa mga construction sites bilang labor. At syempre ndi din sya kuntento na labor lng kaya nung tumagal na sya sa contruction industry at nagpursige syang matuto ng iba pang trabho maliban sa pagiging labor ay naging Mason na sya.

Nung naging mason na sya, nag-apply sya sa isang malaking kumpanya at maraming projects, natanggap naman sya at pasok ang knowledge nya bilang mason, maayos ang pasahod at ayos ang mga katrabho. Habang tumatagal sya sa trabho ay may pailan-ilan na ndi sya gusto syempre nag-uutos na rin dahil sa posisyon nya at hindi din naman tlga natin maplease ang lahat diba kahit pa maayos ang ating pakikitungo at pag-utos.

Hanggang isang araw, ndi nakapasok ang kuya ko dahil sumakit ang sikmura nya, akala nalamigan so inom ng gamot at pahinga then kinabukasan nakapasok na. Then the following day, sumakit naman ang tiyan nya at ndi na naman nakapasok dahil talagang namimilipit sya sa sakit, todo pahinga sya nilutuan ng sabaw, inaasikaso ng asawa at pati nanay ko, kaso lalong lumalala ang sakit ng tiyan nya, na kahit ung mga pagkain ay ayaw tanggapin ng sikmura nya, lahat ng sinusubo nya nilalabas din, at nag-aalala sila ng sobra dahil hinang hina na sya at nagpapaalam na sya sa amin pati sa mga anak nya, na kesyo alagaan daw ang mga anak nya kapag nawala sya dahil talagang ndi na daw nya kaya.

Galit na galit ang Mama ko sa mga sinasabi nya kaya ang ginawa nila nagtatanong tanong sila kung saan may albularyo or magtatawas dahil ipapatawas nga sya dahil biglaan ang mga pangyayari at ngaun at nagpapaalam na sya dahil sa sakit ng tyan at sikmura nya.

May naegrefer sa knila ng isang magaling na manggamot/albularyo at pinilit nilang dalhin dun ang kuya ko kahit sobrang hinang hina na ito, at pagdating dun sa bahay ng manggamot, naghanda na ang albularyo ng mga gagamitin sa orasyon nya. Dinasalan, sinuob at kung anu-ano pa ang ginawa ng albularyo para makita kung anong ngyari. At dahil nga sa mga orasyon na ginawa nya, lumabas na kinukulam pala ang kuya ko at sa tiyan ito tinira, so binigyan muna sya ng mga langis at pangontra sa kulam, at pinapabalik sa sunod na araw. Dahil kailangan daw maghanda nung albularyo dahil isang napakalakas na mangkukulam ang makakalaban nya at may specific na araw kung kailan malakas ang kanilang mga black magic, martes at biyernes yta yun if ndi ako nagkakamali. Medyo humupa ang pananakit ng tyan at sikmura ng kapatid ko pero andun pa din.

Nung binalik na sa albularyo ang kapatid ko, at inorasyunan at dinasalan ng kapatid ko, tinanong sya kung saan nagtatarabho, sinabi ng kapatid ko at dun nga nalaman na may isang tao pala dun na galit na galit at naiinggit sa kuya ko at ito ang nagpakulam sa knya. Kaya ang advise ng albularyo wag ka ng bumalik sa lugar at trabho mo dun dahil papatayin ka talaga nung taong yun sa pamamagitan ng kulam. At ayun nga binigyan uli sya ng pangontra at gamot na parang herbal na may dasal ng albularyo at ndi na sya bumalik sa trabho at lugar na un. Di nagtagal bumalik ang sigla ng kapatid ko at nawala ang pananakit ng sikmura at tiyan nya.

Ngaun masaya sya sa piling ng malaking pamilya nya.


Minsan ung inggit na nararamdaman natin ay pedeng maging instrumento para gumawa tayo ng masama, kaya hanggat maaati iwasan natin mainggit sa iba or gawin natin inspirasyon ang narating ng iba para umangat din tayo hindi ung hihilahin natin sila pababa.

Hindi nman talaga naiiwasan ang inggit dahil kahit ako aminado ako dun sa inggit factor na yan kahit dito sa platforms nararamdaman ko yan, wag nyong itanggi minsan kayo din, pero ako ginagawa ko yang inspirasyon or motivation na gawing ang best ko dahil alam kong yun ang kailangan kong gawin, ndi ung maiinggit ka at i-downvote mo ung iba. Tama ba ako or tama?

At kung may inggit or galit man tayo sa tao mas mabuti pang ilabas na natin ito ndi ung idadaan natin sa mga kulam or black magic dahil para na din tayong nakipagkasundo sa dilim kung saan ang taong namumuno ay puro galit at nag-aapoy na dibdib. Iba din ang balik sa atin kapag mas pinili natin ang black magic kesa sa physical na pakikipag-away. Tandaan walang masama na nagtatagumpay.

To all my sponsors thank you for loving support and staying on my blocks.

7
$ 1.96
$ 1.79 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Kelzy
$ 0.03 from @Infinity
+ 4
Sponsors of Adrielle1214
empty
empty
empty
Avatar for Adrielle1214
1 year ago

Comments

Nku sis di ko pa naranasan mg downvote dito di nmn kasi ako madaya at para lng lumubog ang isang tao. Unfair yun at buti nmn sis okay na c kapatid mo nho in god's power.

$ 0.00
1 year ago

Yes sis,meron daw kasi nakakatamggap ng downvote which is nakakasad naman

$ 0.00
1 year ago

Ang daya no. Ang bitter nmn ng taong yun.

$ 0.00
1 year ago

Kya nga hehe

$ 0.00
1 year ago

Tumatiming talaga na nakakatakot nababasa ko pag gabi huhu buti nalang mild lang tu. Totoo pala talaga mga kulam. May naalala tuloy ako. 😬

$ 0.00
1 year ago

Hindi ba dinala sa ospital ang kuya mo madam?

$ 0.00
1 year ago

Ndi madam sa center lng taz niresetehan ng gamot wla naman ngyari

$ 0.00
1 year ago

Something scary dear friend. Naalala ko tuloy ang content ni DennMarc grabe talaga Yung nangyari sa uncle nya. Yes I agree with sometimes we get jealous but I don't want to down others cause I know how it feels. To make my feelings ease I tend to strive more just to achieve what I want to happen.

$ 0.00
1 year ago