Kay Ano Daw La?

2 56
Avatar for Adnilem123
4 years ago

Salitang Waray waray na lagi mong maririnig sa tuwing ikaw ay pupunta sa isang probinsya ng Pilipinas. Ito ay ang lugar kung saan ako nakapagtapos ng Pag-aaral. Lugar kung saan dito ko hinubog ang aking kaalaman.

Kay ano daw la? Salitang lagi nating tinatanong araw-araw, lalong lalo na kapag tayo'y nalilito at naguguluhan.

Kay ano daw la? Salitang binabanggit kung tayo ay nakaranas ng pag aapi ngunit di natin alam kung bakit tayo inaapi.

Kay ano daw la? Salitang sinisigaw kapag gulong-gulo ang isip at puso mo. Salitang kahit ikaw minsan di alam ang sagot.

Kay ano daw la? Ang pabiro mong tanong sa nanay mo kapag may nagtatanong sayo bakit ka walang syota.

Kay ano daw la? Ang salitang tinatanong kapag ramdam mong may ibubuga ka pa pero pinigilan ka.

Kay ano daw la? Oo nakakalito, pero kailangang sagutin. Kailangang sagutin ng may detalye.

Kay ano daw la? Karamihan sa atin hindi kayang sagutin ang tanong na ito. Napaka sempling tanong pero pag sumagot ka abot kanto ang eksplinasyon mo.

Kay Ano daw la? Iyong kahit tanungin ka bakit siya ang napili mo. Tanging tawa lang ang maisagot mo.

O kaibigan kay ano daw la? Ito ang tanong na ang translation sa Tagalog ay " Bakit" at sa English naman ay "Why".

How about you friend, do you have words that want us to share with? Leave me a comment.

11
$ 0.00

Comments

Kay ano daw la? Salitang sinisigaw kapag gulong-gulo ang isip at puso mo. Salitang kahit ikaw minsan di alam ang sagot, Totoo to minsan tinatanong ko talaga ang sarili ko hindi lang isang beses. Kundi maraming beses at paulit ulit hanggang mapagod ako kakaisip pero wala paring sagot sa sarili Kong tanong. Yung kahit gulong gulo na ako diko maintindihan kung bakit sarili Kong tanong diko magawang sagutin, Bakit nga ba?

$ 0.00
4 years ago

Hahahahhah oo nga po sobrang gulo ng tanong na to?🀣🀣🀣✌️✌️✌️

$ 0.00
4 years ago