Sandata

1 19
Avatar for Ad.john-08
4 years ago

Wika ang siyang pinakamahalagang kasangkapan sa pakikipagtalastasan. Ito ang nag-uugnay sa bawat tao at nagiging daan upang magkaintindihan ang mga tao sa lipunan,marami itong konsepto at kabilang dito ang unang wika.

Ngayon, bakit mahalagang matutuhan ang unang wika?

Ang unang wika siyang tinatawag na katutubong wika, mahalaga itong matutuhan sapagkat kinikilala nito ang kultura ng isang tao dahil ang unang wika ay ang iyong wikang kinagisnan, at sa pamamagitan nito ay mababakas ang lipunang iyong pinagmulan ay sapagkat ang unang wika ay nagbibigay ng pagkakakilanlan ng isang indibidwal.

Kaya't nasaan ka man ay kailangan mong kilalanin ang iyong pinagmulan, ibig sabihin, dapat ay tinitingala ang iyong sariling likas. Dapat na maging Pilipino, ngayon, bukas at magpakailanman.

2
$ 0.05
$ 0.05 from @TheRandomRewarder

Comments

Well written dear

$ 0.00
4 years ago