Pag-asa

0 7
Avatar for Ad.john-08
4 years ago

Isang napakalaking alon kung dumating ang mga pagsubok at delubyo sa buhay ng isang tao. Sa isang iglap ay mawawala ng parang bula ang lahat. Marami ang mga nasasawi. Hindi pihado ang kaligtasan ngunit tiyak ang luhang papawatak sa bahat buhay na tatangayin ng alon dahil bihira ang nakakaligtas. Subalit sa bawat buhay na mawawala ay siyang hudyat ng panibagong pag-asa sa pagbuka ng liway-way. Pag-asang magdudulot ng panibagong buhay dala-dala ang madilim na kahapong nananatili sa alala.

Napakalungkot isipin na nahaharap ang daigdig sa isang pandemya. Kayat nababahala ang sangkatauhan dahil hindi lang nabibilang sa kamay ang mga nasawi. Maraming paa ang nagsipantay at minuminuto ang buhay na inaagaw na tila isang ulan na sabay sabay babagsak hangang sa kakalat at unti unting magiging baha, magiging suliranin ng mamamayan at patuloy ang pagkalat hanggang sa maging alon at pati buhay ng iba ay madadamay. Hindi bat nakapanghina ng loob? Humihinga ka pa ba? O kailangan mo na ring magpaalam dahil gusto mong magpakalunod sa alon ng pandemya? Halika at bibigyan kita ng rason kung bakit kailangan mo pang mabuhay, hindi ka nag-iisang sa labang ito. Marami tayo, ngunit pakunti na nang pakunti. Kayat lakasan mo ang iying loob, lumaban ka. Dahil humihinga ka pa.

Sa ilalim ng pamahaalan ay isinatupad ang lockdown sa boung kapuloan gawa ng kumakalat at lumalaganap na virus sa kasalukuyan. Kayat marami ngayon ang nagugutom at nauuhaw. Umaasa sa gobyerno at patuloy na lumabalaban sa buhay. Marami sila. Silang nakatutok sa bawat ayudang ibibigay ng gobyerno. Marami sila. Silang nawalan ng hanap buhay. Oo marami sila. Silang mahihirap na natutulog ng walang laman ang tiyan. Silang naghihirap upang mabuhay ay pamilya. Silang hindi tiyak kung sisikatan pa ba ng araw kinaumagahan.

Huwag kang sumuko ng basta basta. Marami ngayon ang nahuhirapan sa sitwasyong nagaganap. Isang krisis na hindi na tiyak kung matatapos pa. Huwag kang magpakalungkot dahil humihinga ka pa. Mapalad ka. Dahil hindi mo hanggang ngayon ay humuhinga ka pa, patuloy na lumalaban upang itayaguyod ang pamilya. Samantalang sila, na unti unti pinahihirapan ng pandemya.

5
$ 0.00
Avatar for Ad.john-08
4 years ago

Comments