Likas na lakas

4 92
Avatar for Ad.john-08
3 years ago

Strong Girl Bong Soon

May pambihirang lakas si Bong Soon na siyang bida sa telenobela. Namana nito ang lakas na ito sa kanyang ina. Babae lamang sa pamilya nila ang magtataglay ng kapangyarihang lakas.

Subalit, pilit niyang tinatago ang lakas na ito a nagpanggap na isang mahinang babae na siyang dahilan ng pagkainis ni Kenny: ang kanyang kaklase at naibigan simula pa elementarya. Si Kenny ay isang pulis. May gusto si Bong Soon kay Kenny samantalang sa iba nakatuon ang puso ni Kenny.

Dahil sa tawag ng panahon, ginamit ni Bong Soon ang kanyang pambihirang lakas upang iligtas ang mga mag-aaral na ginulo ng grupo ng kalalakihan.

Naging saksi ang mga bata sa lakas ni Bong Soon ngunit nang dumating at nag-imbestiga ang mga pulis kasama si Kenny, hindi inamin ni Bong Soon ang pangyayari.

Pinagtakpan naman siya ni Mikael na naging saksi rin sa pangyayarl. SI Mikael ay isang mayamang lalaki na CEO ng isang gaming company. Dahil

may pagbabanta sa kanyang buhay, kinuha niya si Bong Soon bilang private body guard.

Ayaw sanang pumayag ni Bong Soon ngunit pinangakuan siya ng magandang posisyon sa kompanya.May krimen na nagaganap sa kanilang lugar. May mga babaeng nawawala.

Nagtutulungan ang mamamayan upang malutas ang problema ngunit napakailap ng kriminal. Binabantayan ng pamilya ang mga miyembro nilang kababaihan. Hanggang sa naging saksi si Bong Soon sa isang krimen na naging dahilan na nakilala niya ang suspek. Bilang testigo, nais protektahan ni Kenny si Bong Soon na ikinainis naman ni Mikael.

Naging tagapagligtas ng bibiktimahin si Bong Soon. Palagi siyang nagtatagumpay dahil sa kanyang pambihirang lakas na naging sanhi ng poot ng Suspek. Gumawa ng paraan ang suspek na mas makilala pa si Bong Soon.

Ginawang biktima ng suspek ang pinsan ni Bong Soon. Natuklasan din nito kung paano mawawala ang pambihirang lakas ni Bong Soon. Gumawa ng paraan si Bong Soon na iligtas ang pinsan. Nagtagumpay naman si Bong Son ngunit nawala ang kanyang lakas dahil sa ginawa ng salarin.

Binitag ng kriminal si Bong Soon. Nilagyan ng bomba ang kanyang katawan. Dumating si Mikael at pilit na iniligtas si Bong Soon ngunit wala silang nagawa.

Pinagtabuyan na lang ni Bong Soon ang lalaki ngunit nanatili ito sa kanyang tabi. Ayaw umalis ni Mikael dahil mahal na mahal na niya si Bong Soon.

Dahil doon, nanumbalik ang kanyang pambihirang kapangyarihan. Nalligtas niya ang sarili at si Mikael.

Doon nahulog ang loob ni Bong Soon sa lalaki. Samantalang natuklasan naman ni Keriny na mahal din pala niya si Bong Soon. Ngunit, nagparaya si Kenny dahi nasubukan na ang pag-iibigan ng dalawa.

Nagkatuluyan si Mikael at Bong Soon. Nagkaroon sila ng kambal na anak na pawang mga babae na may pambihirang kapangyarihan din.

1
$ 0.02
$ 0.02 from @TheRandomRewarder
Avatar for Ad.john-08
3 years ago

Comments

Gaya ng isang halaman na unti-unting namumulaklak na siyang nagbibigay kulay at saya sa ating paligid kailangan din ng tao ang yumabong sapagkat may sari-sariling kakayahan ang bawat isa, minsan hindi ito nadidiskubre agad, ngunit dahil sa pagpapalawak ng ating kakayahan, tayo ay yumayabong.

$ 0.00
3 years ago

Napakaganda nito. Salamat

$ 0.00
3 years ago

Strong Girl Bong Soon

May pambihirang lakas si Bong Soon na siyang bida sa telenobela. Namana nito ang lakas na ito sa kanyang ina. Babae lamang sa pamilya nila ang magtataglay ng kapangyarihang lakas.

Subalit, pilit niyang tinatago ang lakas na ito a nagpanggap na isang mahinang babae na siyang dahilan ng pagkainis ni Kenny: ang kanyang kaklase at naibigan simula pa elementarya. Si Kenny ay isang pulis. May gusto si Bong Soon kay Kenny samantalang sa iba nakatuon ang puso ni Kenny.

Dahil sa tawag ng panahon, ginamit ni Bong Soon ang kanyang pambihirang lakas upang iligtas ang mga mag-aaral na ginulo ng grupo ng kalalakihan.

Naging saksi ang mga bata sa lakas ni Bong Soon ngunit nang dumating at nag-imbestiga ang mga pulis kasama si Kenny, hindi inamin ni Bong Soon ang pangyayari.

Pinagtakpan naman siya ni Mikael na naging saksi rin sa pangyayarl. SI Mikael ay isang mayamang lalaki na CEO ng isang gaming company. Dahil

may pagbabanta sa kanyang buhay, kinuha niya si Bong Soon bilang private body guard.

Ayaw sanang pumayag ni Bong Soon ngunit pinangakuan siya ng magandang posisyon sa kompanya.May krimen na nagaganap sa kanilang lugar. May mga babaeng nawawala.

Nagtutulungan ang mamamayan upang malutas ang problema ngunit napakailap ng kriminal. Binabantayan ng pamilya ang mga miyembro nilang kababaihan. Hanggang sa naging saksi si Bong Soon sa isang krimen na naging dahilan na nakilala niya ang suspek. Bilang testigo, nais protektahan ni Kenny si Bong Soon na ikinainis naman ni Mikael.

Naging tagapagligtas ng bibiktimahin si Bong Soon. Palagi siyang nagtatagumpay dahil sa kanyang pambihirang lakas na naging sanhi ng poot ng Suspek. Gumawa ng paraan ang suspek na mas makilala pa si Bong Soon.

Ginawang biktima ng suspek ang pinsan ni Bong Soon. Natuklasan din nito kung paano mawawala ang pambihirang lakas ni Bong Soon. Gumawa ng paraan si Bong Soon na iligtas ang pinsan. Nagtagumpay naman si Bong Son ngunit nawala ang kanyang lakas dahil sa ginawa ng salarin.

Binitag ng kriminal si Bong Soon. Nilagyan ng bomba ang kanyang katawan. Dumating si Mikael at pilit na iniligtas si Bong Soon ngunit wala silang nagawa.

Pinagtabuyan na lang ni Bong Soon ang lalaki ngunit nanatili ito sa kanyang tabi. Ayaw umalis ni Mikael dahil mahal na mahal na niya si Bong Soon.

Dahil doon, nanumbalik ang kanyang pambihirang kapangyarihan. Nalligtas niya ang sarili at si Mikael.

Doon nahulog ang loob ni Bong Soon sa lalaki. Samantalang natuklasan naman ni Keriny na mahal din pala niya si Bong Soon. Ngunit, nagparaya si Kenny dahi nasubukan na ang pag-iibigan ng dalawa.

Nagkatuluyan si Mikael at Bong Soon. Nagkaroon sila ng kambal na anak na pawang mga babae na may pambihirang kapangyarihan din.

$ 0.00
3 years ago

Nice

$ 0.00
2 years ago