Kombinasyon ng nakayayanig at makapinsalang head bat kasabay ng mapanlinlang at malahipo-hipong bicycle kick na sinamahan ng mala-kidlat sa bilis at pamatay sa inside kick ang ipinalasap ng 5-foot 5 Daryl Ocampo ng BLUE EAGLES 12-21, 21-17, 21-19 ang tuluyang pumawala sa bangis ng naghihngalong WHITE SHARKS a makapigil-hiningang SEPAK TAKRAW CHAMPIONSHIP na ginananap kanina sa Tamag Elementary School Covered Court.
Sa pamamagitan ng determinasyon at malapader na depensa naghari ang mga WHITE SHARKS sa unang set sa tulong ng bumubumulusok at kade-kadenang bicycle kick ni Mattew Valencia 5-3. Nagmistulang dragon na bumuga ng naglalagablab at nagbabagang inside kick na sinabayan ng pwersadong head bat ni Valencia ang tuluyang tumaggal sa mga pakpak ng mga agila upang hindi na makalipad at makabagon muli 21-12.
Nagbakod naman ng malapader na opensa ang mga BLUE EAGLES, nagising ang animoy natutulog na bulkan at agarang nagpasabog ng mga mala-bulalakaw na slide kick na sinamahan ng umaatikabo at nakayayanig na head bat ni Daryl Ocampo upang iwan ang mga pating at tanggalan ng bangis 10-5.
Habang limalalim ang sagupaan at matapos ang sunod-sunod na palitan ng puntos 20-17 naagaw ng mga pating sa kuko ng mga agila ang bola at humambalos ang walang humpay at humaharurot na bicycle kick ni Valencia, ngunit walang hirap na nagbakod ng mahigpit na depensa si Ocampo ng BLUE EAGLES upang tuluyang ilipad at ibagsak sa putik ng kahihiyan ang mga pating. Gumulantang ang mga rumaragasa at dumadagundong head bat at inside kick ni Ocampo upang maitala ang kalamangan 21-17.
Sa hindi mapipigilang pananalasa, hindi kinaya ng mga pating ang nag-uumapaw at mahigpit na determinasyon ng mga agila. Pumayagpag ang mga sunod-sunod at umaatikabong inside kick at dekalibreng head bat ni Ocampo upang lumubo ang iskor 13-20 at iwan sa ere ang mga pating. Nagpasiklab ng umaapoy at nagbabagang inside kick ni Ocampo na tuluyang tumapos sa laro.
‘Sa pamamagitan ng teamwork at matinding pag-eensayo ay nagawa naming manalo’- idiniin ni Ocampo matapos ang laro
Wow, very interesring article. Keep it up