Sa malamig na simoy ng hangin ay ramdam ang bagong paparating. Ngunit tila hindi pa handa ang lahat.
Masayadong ma-aga ang ganitong okasyon, lalo pa't marami pang tao sa ngayon ay naliligaw at nababalot ng kalungkutan.
Isa itong pagbabago na nagdulot ng malaking pinsala sa pamumuhay ng nakararami. Sa panahong ito sana sumasavay sa pag awit ng mga tutugin tuwing kapaskuhan, tuwing gabi ay pinagmamasdan ang mga kumukutitap na dekorasyon at ang pagsabit ng mga makukulay sa dekorasyon sa isang bagay na kung tawagin ng lahat ay Christmas Tree.
Ngunit sadyang magpaglaro ang tadhana, kay dilim at balot ng hinagpis at lungkot ang boung kapaligiran. Walang tugtog, walang saya at kaytahimik, sapagkat ang mga kayumanggi sa ngyaon ay taimtim na nagdarasal, naghihintay ng bagong umagagang darating, isang umaga na babago sa lahat, magbibigay ng kulay at saysay sa panahon ng kapaskuhan at higit sa lahat ang bagong umagang magbibigay saya sa bawat sulok ng tahanan sa anyo ng parol, ang magbibigay paalala, na kahit walang regalo na bubungad sa atin, walang handaan at mga paputok, ang bagong araw na darating ay magiging makasaysayan sapagkat ang diwa ng pasko ay hindi nakikita ito ay nararamdaman sa kaibuturan ng puso ng bawat Pilipinong naniniwala na ang pasko ay para sa lahat.