Dalawamput apat , isang linggo
Mga kamay na handang tumulong
Mga paang tumatakbo
Sa mga taong sa sakit ay apektado
Sa digmaang hindi nakikita ang kalaban
Sila ang nagiging sandalan
Mga bayani ng sanlibutan
Iniiwan ang pamilya, makataong kilos ay magampanan lamang
Nang may kusang loob at paninindigan
Pagod ay hindi dinaramdam
Oo silang magigiting na mamamayang
Maka-diyos, maka-tao, at maka-bayan
Ngayon ay mulat sa katotohanan
Hindi lahat ng mga bayani ay may kapa
Sa paniniwalang sila
Ay may mabuting puso upang ituring na dakila
Huwebes, ika labindalawa ng Marso taong kasalukuyan
Sa loob ng klase ay pinupuno ng mga tawanan
Asaran na siyang tanging naririnig sa loob kwarto
Ilang araw na lang ay maghihiwaly na tayo
Sa gitna ng gulo at ingay sa silid ay biglang naging tahimik
Sa boses ng isang guro, lahat ay nakikinig
“Dear students, walang pasok bukas.”
Mga ngiti sa aming mga labi ay mababakas.
Ang iba pa nga’y napapasigaw nang malakas.
Ngunit sandaling napaisip yaring mag-aaral sa loob ng kwarto
Kung bakit hindi pa naman oras ngunit kami ay pinahinto
Ang daming nakansel na hindi alam
Ano nga ang dahilan nito
Nang kami ay mahimasmasan sa pangyayaring nagaganap
COVID-19 ang pinangangambahan ng lahat
Agad na binuksan ang telebisyon
Talamak sa mga balita ang nangyayaring criris ngayon
Tila isang digmaan ang nagaganap
Sa isang digmaang hindi nakikita ang kalaban
Ito ang corona na tanging linalayuan ng nakakarami
Isang kalaban na nagdulot ng malaking pinsala sa lahat
Hindi biro ang ganitong crisis sa kasalukuyan
Ngunit heto ang mga frontliners na matatapang
Sa inyo nakasalalay ang aming kaligtasan
Kagitingan ninyo ay hindi kailanman mapapantayan.
Mahal naming mga nurses, doctors, mga medical laboratory technicians
Hindi nyo man makapiling ang inyong mga mahal sa buhay
Nakahanda kayong tumulong at pagsilbihan
Mga kayumanggi sa gitna ng ganitong laban
Kayo ang nagsisilbing proteksiyon
Sanay gabayan kayo ng buong maykapal
Upang mahanap na ang solusyion
Lubos naman naming pinasasalamatan ang mga kapulisan
Na siyang gumabay nagbibigay serbisyo
Puyat at lahat lahat ay nararasan
Upang kami ay mabantayan
Mahal naming kapulisan,
Akala namin, gawain nyo lang ay manghuli ng mga kawatan
Ngunit aming napatunayan , na kayo
Kayo ay isang kaibigan na lagi naming maaasahan.
Sa mga barangay officials, barangay health workers at tanod…..
Kailangan natin na sa kanila’y sumunod.
Sakit kaya sa paa at tuhod
Ang maghapong paglalakad at pagkatayo na parang tuod
Alam namin ang inyong hirap na nararanasan
Nagbabahay bahay at kumakatok sa mga pintuan
Upang i monitor ang mga kabahayan
Maraming salamat sa inyo, Frontliners ng lipunan
Sa lahat nang ang pari, sisters at mga brothers
Nagsisilbing mga spiritual frontliners
Kami ay nagpapasalamat sa walang humpay na pagdadarasal
Na sana'g gabayan tayo ng maykapal
Sa ating gobyerno na pinapangunahan ng ati ng pangulo
Patuloy parin ang suporta ninyo
Lahat din ng mga gurong na kasali sa laban na ito
Lahat ng mamamayang pilino ay saludo sa inyo
Muli na namang napatunayan, na hindi lahat ng bayani ay may kapa bagkus ay ang pagkakaroon ng kawang-gawa at mabuting puso, upang ituring silang dakila