Kapag ka gan’tong tag-ulan at malamig ang panahon, talaga naman napakasarap himigop ng mainit na kape at may kasabay pang nilagang saging na saba at may sawsawang bagoong. Hayyyy, swak na swak talaga!
Naaalala ko tuloy nung mga bata pa kami, madalas na bumisita kami kay lolo’t lola sa probinsiya. Ang kanilang bahay ay nakatayo malapit sa kanilang bukirin, para daw mabantayang maigi ni lolo ang kanyang mga hayop at pananim. Kapag nandoon kami, enjoy na enjoy namin and sariwang simoy ng hangin at ang mga preskong gulay, prutas at isda na uwi ni lolo tuwing hapon. Walang telebisyon doon, drama lang sa radio ang nagsisilbing libangan doon gayunpaman masayang masaya kami tuwing pupunta kami doon.
Mahigit sampung taon na rin siguro nang huli kaming makapunta doon, magkasunod kasing binawian ng buhay sina lolo’t lola kaya ipinagbili nan g aking ama ng lupain nila roon. Wala naman daw kasing mag aasikaso. Isa pa, napakalayo nito sa aming kasalukuyang tinitirhan.
Nakakamiss talaga yung simpleng buhay na ganoon, walang polusyon at ingay gaya ng sa syudad. Malaya kang makakapamitas ng bunga ng prutas at masayang makakaligo sa ilog at batis. Kung maibabalik lamang ang panahon, siguro’y sinulit ko na ang bawat oras na naroroon ako kasama ko pa sina lolo’t lola.
Oo nakakamiss yong buhay na ganyan. Yong lahat presko at simpleng pamumuhay lang sa bukid. Tapos may ilog pa at dun ka naliligo.