Madaling araw na! Diko namamalayan ang oras. Ganoon siguro talaga kung masyado kang naaliw at nadadala sa iyong ginagawa.
Pabasa-basa at pa scroll-scroll lang ako dito sa read.cash, masyadong nadadala sa mga nababasa kong nakakatuwa. May tungkol sa mga buhay tat pinagdadaanan, may maiikling kwento, at mga kaalaman tungkol sa bitcoin at iba pa.
Mabuti na lamang at may nag imbita sa akin na subukan itong read.cash, sa una ay nagdadalawang isip pa akong mag sumite ng aking mga gawa dahil baka hindi totoo o baka 'di ko magustuhan. Umabot pa sa puntong gusto ko nang tumigil dito pero sa tulong ng mga kapwa ko mambabasa at manunulat, napagdesisyunan kong manatili. ♥
Kung hindi ako nakinig ay marahil maraming karanasan na mawawala sa akin. Sa ngayon ay patuloy parin akong nagsasanay kung paanong magakapaglathala ng babasahing makabuluhan at makatawag-pansin.
Suportahan na lamang natin ang isa't isa upang magtagal pa tayo rito. Salamat at bukas muli kaibigan!
Ganyan din po naramdaman ko kagabi. Actually kaka sign up ko lang dito kagabi at sa sobrang pagkaaliw ko kakabasa ng mga articles dito, di ko namalayan na madaling araw na pala. Nakakatuwa dito kasi nag eenjoy ka na nag e-earn ka pa.