Gaano nga ba ka-importante ang KARAOKE sa buhay nating mga Pinoy?
Pansin mo ba? Halos lahat ng kaganapan sa buhay nating mga Pilipino ay hindi mawawala ang Karaoke? Idagdag mo na rin ang lechon.
Mapa birthday, graduation, binyag, kasal, piyesta, pasko, bagong taon at iba pa, laging nanjan yan!
Ang totoo apa nga n'yan, kahit wala namang handaan nanjan lagi ang kantahan. Kahit sa simpleng inumang kalye o habang nag to-tong-its basta ba'y nariyan ang mikropono walang humihindi mapa bata, matanda, babae, lalaki, may ngipin o wala hinding hindi magpapahuli yan!
May napanood nga akong video gawa ng isang sikat na foreign vlogger sa facebook kung saan itinampok ang Karaokeng Pinoy. Sabi roon, halos karamihan raw sa ating mga tahanan ay mayroon nito. Napailing nalang ako habang nanonood dahil kasabay rin nito ang pagpapa-andar ng tito ko ng aming Telebisyon at isinet-up na ang Magic Sing. Naku, tama nga si Kuyang Vlogger! Hahaha.
Mukhang napakalaki na nga ng parte ng karaoke sa buhay natin. Sabagay, kahit sino naman siguro ay natutuwang kumanta kahit pa basag o sintunado ka.
Napakalaking bagay to sa mga pinoy lalo nat marami dito ang humusay dahil nadin sa pag kanta sa karaoke, tyaka fact! Pilipino din gumawa ng karaoke.