"Hoy tulog 'na!"

0 25

"Hoy babae, tulog na! Anong oras na't nakaharap ka parin jan sa cellphone mo? Naku wag ka lang magkakamaling ilapag yan sa maabot ko kundi mababasag talaga yan. Lagi ka nalang puyat eh wala ka naman boyfriend na pinapakilala't dinadala dito sa bahay! Aba tatandang dalaga ka na yata gaya ng Tita Bianca mo."

Memorize ko na yata yung linyahan ng mama ko tuwing mahuhuli niya akong gising pa ng gan'tong oras. Lagi nalang akong pinagsasabihan na parang bata pero sa huli hahanapan lang rin pala ng boyfriend na maipapakilala. Mapapailing nalang ako sa inis. Yung mama ko talaga, ang tingin yata sa kin eh 45 years old na! Hello? 22 lang ako ma at isa pa may boyfriend ako ☺ di lang halata, at ayokong dalhin sa bahay hangga't di pa kami inaabot ng isang taon. Baka magloko pa eh, mabugbog lang ni kuya HAHAHA, kawawa naman patpatin pa naman.

Hay, di nalang ako umimik at inayos na ang aking kama. Tiningnan ko ang oras, ayun pasado ala-una na pala ng madaling araw kaya pala dumadada na si mama! nasa sala pa kase ako tumatambay habang nag se-cellphone. Bumaba lang siya para umihi, nagawa pang sumeg-way sa akin. Bilhan ko na kaya ng arinola para di na ako nahuhuli na laging nagpupuyat?

2
$ 0.00
Sponsors of Ace
empty
empty
empty

Comments

Grabe talaga sila sa mga single. Dahil ba walang jowa at walang kapuyatan hindi na pwedeng magpuyat? 🤣

$ 0.00
3 years ago

Hahahaha oo nga naman kainis. Lagi nalang yan eh, diko alam kung iniinis lang ako ni mama o sadyang gusto na talaga nya ng apo

$ 0.00
User's avatar Ace
3 years ago

Hahaha.... Uu nga bilhan mo ng arenola

$ 0.00
3 years ago

hahahaha oo para di na sya lumabas sa kwarto niya at di ako mahuling nagpupuyat hahaha

$ 0.00
User's avatar Ace
3 years ago

Kung ang kinapupuyat mo naman ay paggawa ng articlensa read.cash eh ok lang ahahaha char basta yung pinagpupuyatan natin ay di lang eyebags ang iiwan satin eh 😂

$ 0.00
3 years ago

hahaha oo nga, mula nong nag read.cash kasi ako lagi akong puyat, diko naman sinasadya pero diko lng talaga namamalayan ang oras

$ 0.00
User's avatar Ace
3 years ago