~Ang Kwento Ng Mga Earphones ~ #lessonlearned kumusta na noisemates? Unang post ko pa lang ito sa loob ng mahigit 24 oras. Sumilip lang ako saglit kanina para lang mamigay ng ft. Sobrang busy, maaga kasi kami umalis kanina pumunta sa Supermarket tapos nakauwi kami mag ala una na at pagkatapos mag lunch nag ayos at naglinis ng bahay. Habang nag aayos ako kanina, yan ang mga nakatagong sirang earphones ang nakita ko sa isang box. haha ebidensya yan na dati sobrang adik kong kumanta sa wesing at smule hahaha at nagkaganyan yan putol putol kasi naka earphones ako kung matulog, magdamag yan on ang music kaya pag gising ang earphones pumulupot na sa leeg ko. Dati kasi hindi ako nakakatulog pag walang music kaya hindi nagtatagal ang earphones ko. Pero may lesson learned na ako nyan sa pag gamit ng earphones habang natutulog. Nangyari kasi noon, lowbat ang phone ko pero yun nga dahil di ako makatulog ay ginamit ko pa rin ang earphones makinig ng music kahit naka charge ang phone at napahimbing ang tulog ko. Iyan pulang earphones na yan nasa picture ang ginamit ko nang gabing iyon. Naku! buti na lang nagising ako dahil nanaginip ako, at may naramdaman akong mainit sa likod ko yun pala ang phone nadaganan ko na sa bed. My God kinabahan ako bigla ng makita ko nakasaksak pa ang charger at sobrang init na nito pati ang phone na parang sasabog na. Grabe ang nerbyos ko ng gabing iyon. So thankful talaga kay Lord na ginising nya ako sa pamamagitan ng isang panaginip. Kung anong panaginip na 'yon ay hindi ko na matandaan. Ang mahalaga ay nailigtas ako sa isa trahedya. Kaya mula nang nangyari 'yon ay hindi na ako gumagamit ng earphones kung matulog lalo na kung mag-isa lang ako. At never na talaga makinig ng music using earphones while charging. Hayyy! hindi ko ma imagine kung ano nangyari sa kin kung sumabog yon.
4 comments
Koyawa oy haha. Gacharge pa gyud.
Lagi Vin kuyawa kaayo, simbako ko nibuto wa ta ko diri ron haha ...
delikado po talaga yun ginagamit ang phone while charging.. madali mag init..
Oo nga eh, siguro kung natagalan pa yon ng ilang minuto sigurado sumabog na :(