read.cash Log in
@zoe316

Simpleng almusal ... Dalawang pirasong kamote bago ako uminom ng herbal tea ay sapat na para sa almusal ko. Safe ako dito sa kamote dahil kahit sa tinapay ay kailangan muna suriin kung anong flour ang ginamit at kung may itlog bang sangkap. Bawal kasi ang white flour at itlog, nalilito na ako minsan kung ano na lang ba ang kakainin ko? Pwede ba di na lang kaya ako kakain para sigurado di ko makain ang bawal 😁😆 Pero nagpapasalamat pa rin ako sa Panginoon dahil may gana pa rin ako kumain kahit walang timplang asin o sugar. Ang pinapanalangin ko palagi ay huwag lang ako mag crave ng mga pagkain na paborito ko dati na pinagbabawal na ngayon, na sana ma kokontrol ko ang sarili ko kapag nasa harap ako ng mesa na puno ng masasarap na pagkain. Naalala ko last week doon kami sa birthday party, naku mga paborito kung pagkain kumakaway sa akin 😆 nasa harapan ko ang malalaking hipon at afritada pero hanggan amoy at tingin na lang ako. 🤐

10 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.