Cruciferous Vegetables Ang uri ng gulay to fight cancer o lower risk of cancer, at itong Broccoli ay isa sa mga Cruciferous vegetables na syang madalas kong kainin lately. Namalengke si D'one kanina at itong Broccoli ang una sa listahan kaya di nya nakalimutan. Pero nabudol sya ng tindira ng Broccoli haha tuwang tuwa pa si D'one nang inabot nya sa akin ang Broccoli kasi ang laki daw at mura lang 120 ang bili nya pero nang tinanggal ko ang dahon na nakabalot ay malaki pa ang kamao ko haha Ang daya ng tiderang iyon ah! puro dahon lang pala ang nakabigat sa timbang ... kung di mo talaga tingnan mabuti ang laman ay aakalain mo na malaki haha ang kapal ng dahon haha Hayyy sige na lang, charged to experience sabi ko kay D'one sa susunod na bibili sya wag na yon maraming dahon nakabalot sa Broccoli :D ... itawa ko na lang kesa ma stress ... uuffff! :D
4 comments
Oo nga kasama pa minsan mga dahon sa kilo di naman makain. Rich nga siya sa antioxidants kaya magandang panlaban sa mga sakit.
Kaya nga Vin bat sinasama pa nila... pero ma search ko nga sa google/youtube kung pwede ba lutoin tong dahon ng broccoli
Sige Zoe tapos balitaan mo ako hehe.
One of my favorite veggies.