read.cash Log in
@zoe316

Minsan sa buhay natin ay darating ang araw na mahihirapan ka mag desisyon. Kung ano ang nararapat gawin lalo na kung pareho mong gustong gawin, pero kailangan malili ka sa dalawa. Kagaya ng daan na ito na makikita mo sa larawan. Ang nasa kaliwa ay deretso ngunit ang nasa kanan naman ay paliko. Kuha ko pala yan noon isang araw, at napa hugot ako ng mga linya dahil na rin siguro sa pinagdadaanan ko ngayon. Ang hirap pumili 🤔😕 at minsan inaatake ako minsan anxiety, di ko maiwasan ang mag alala o mangamba para sa kinabukasan dahil nitong karamdaman na nilalabanan ko. Patawad Lord kung minsan ay mawawalan ako ng tiwala at pag-asa, pero alam mo naman kung paano ko ito nilalabanan, at hinding hindi ako bibitaw sa iyo. Huwag mo ako iwan Lord, dahil hindi ko to kakayanin kung wala ka. Ikaw na ang bahala sa akin Lord, di ba sabi mo " do not worry about tomorrow, for tomorrow will worry about itself" Matthew 6:34 . At sa inyo noisemates ko, pasensya na napahugot ako, dito ko lang kasi nailalabas ang ganitong hugot. Kumusta na pala kayo? may bago ba dito? ngayon lang kasi ulit ako nakapag update dito, na miss ko kayo 😘

8 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.