read.cash Log in
@zoe316 more from that month

Ang sarap ng buhay kapag ang kapitbahay ay hindi si Marites o si Marisol ( taga solsol ni Marites.( hahaha) Malas ka kung Marites ang kapitbahay mo. Kami dito ay kabaliktaran ni Marites kasi sobrang thoughtful at generous ng kapitbahay namin. Hindi nya kami nakakalimutan abutan kung ano meron sila lalo na yung mga gulay kung nag haharvest sila galing sa backyard nila. Kung anu anong gulay, okra, ampalaya, sitaw , malunggay, talbos ng kamote at talbos ng ampalaya at marami pang iba. Kaya palagi kami na lilibre sa gulay.(hehe) at syempre kung ano meron kami binibigyan di namin sila. Kanina akala ko may gulay na naman sya ibigay, 'yon pala buko ang dala dala nya. Hindi galing sa backyard nila kundi dala ng anak nya galing sa ibang probensya. Ang mura lang daw ng buko doon kaya ang daming dala ng anak nya . Tatlong buko ang bigay nya, ang isa ay kinain na namin ng fresh with buko juice at ang dalawa ay gagawin kong bukayo, itong nasa larawan ang gagawin ko bukayo. Ang saya ng buhay kapag ganyang ang samahan ng magkakapitbahay. Give and take ika nga. Pero okay din lang naman kung wala ka ma take dahil walang maiabot ang kapitbahay mo. No problem kong give ka lang ng give, ibig sabihin ang dami mong blessings kaya dapat lang e share mo sa iba. Sharing is the best policy sabi pa sa saying. Teka mali yata ang saying ko " Honesty is the best policy" pala hindi sharing (hahaha) pero pwede na rin yon, di (hehe) Magandang hapon pala sa lahat! naligo na ba kayo ? o may plano ka bang maligo sa ganitong panahon na mahangin at maginaw? hahaha ako hindi pa naligo at wala yatang balak maligo, ang lamig eh at ang mahal ng LPG kung araw araw magpakulo ng tubig( hahaha) joke lang po, magpapakulo na ako ng tubig after nitong post, habang namimigay ng t!pz.

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.