Lesson Learned

0 9

Ang aking natutunan dito sa pandemiyang covid-19 na ito ay bumalik tayo sa mga pangunahing kaalaman. Matutunan natin muli na palaging maging malinis sa katawan, ugaliing mag hugas ng kamay sa lahat ng oras at huwag basta hahawak sa kung ano anong mga bagay. kung hindi maiiwasan ay pagkatapos humawak ng mga bagay ay gumamit ng "alcohol" o "sanitizer" bilang pag iingat. gumamit din ng face mask upang maiwasan ang direktang paghawak ng mukha. Ang "enhanced community quarantine" naman ang nag turo sa atin upang sumunod sa mga otoridad, mga lider ng ating bawat barangay, na humiwalay muna pansamantala sa komunidad upang maiwasan ang paglipat ng nakakahawang virus sa pamamagitan ng lokal na transmisyon at manatili sa mga tahanan at magkaroon ng oras upang makasama ang nga kasama sa bahay, pamilya o mga ka dorm. dahil walang pasok nabigyan natin ng oras ang mga gawaing bahay tulad ng paglalaba. pagkatapos ng mga gawain, nagkaroon tayong oras upang mag pahinga. nagkakaroon tayo ng malinaw na kaisipan. Natapos natin ang mga gawaing bahay na hindi natin maasikaso dahil hindi natin maisingit sa ating mahigpit na oras natin araw araw. natutunan nating malaking tulong ang social media upang magkaroon pa din ng koneksyon sa ating komunidad upang makibalita sa kabila ng pagpapatupad ng pagdistansya sa bawat isa. Natutunan ng madaming gumamit ng teknolohiya upang malibang natin ang ating mga sarili gamit ang mga ito dahil wala tayong magawa at hindi tayo maaaring lumabas. natutunan natin magtanim upang mayroon tayong mapag kukuhanan ng makakain sakaling sa panahon ng walang pambili o walang mabilhan ng pagkain may alternatibo at masustansyang pagkain tayong mapag kukunan at sa panahong ding iyon ay may pinagkakaabalahan tayo san a pangpalipas o pang ubos ng ating oras sa panahong ito. Naranasan natin na mag tipid ng pagkain sapagkat walang trabaho at hindi pwedeng lumabas palagi. Natutunan nating mag hanap o mag rely ng pagkukuhanan ng mga pansamantalang alternatibong pagkakakitaan sa internet sapagkat hindi pa nga pwedeng pumasok sa trabaho. natutnan nating huwag abusuhin ang ating mundo sapagkat sa pangyayaring ito, nabawasan ang polusyon sa hindi paggamit ng mga sasakyan sapagkat bawal lumabas ng mga bahay. pinapagaling ng mundo ang kanyang sarili. natutunan natin na hindi tayo ligtas sa natural na delubyo at mga sakit tulad ng covid 19 at upang maiwasan natin ang mga ganitong pangyayari ay kailangan nating pangalagaan ang ating kapaligiran at huwag natin itong hayaang masira. Tumigil ang ating mundo upang pagalingin nito ang kanyang sarili sa mga bagay na ating ginawa dito. Nawa ay ating matutunan na ingatan at alagaan ang ating mundo sapagkat tayo din naman ang makikinabang sa mga ito. Ngayon ay meron pa ding konting sumusulpot na positibo sa covid-19 pero ito ay agarang naaagapan at nalalapatan ng gamut upang guminhawa at unti unting gumaling sa sakit na ito. Marami ang nawalan ng kanilang mahal sa buhay, marami ang nakaratay sa higaan ng karamdaman at patuloy na lumalaban para sa kanilang buhay at marami din ang mga mag bubuwis ng kanilang buhay upang labanan ang sakit na ito.  Labanan natin ang covid 19. Ang Diyos ang magpapagaling sa ating bayan.

1
$ 0.00

Comments