"Korean Dramas"

0 9

Hi guys! Kumusta kayo😂 Alam nyo ba na nakakabaliw manood ng mga korean nobela? Ano ba ang korean nobela? Ang korean nobela ay ang iba't ibang drama na gawa sa korea. Ito ay may mga korean characters na kapag mapanood ninyo ay talagang kikiligin kayo dahil sa mga taglay na kagwapuhan at kagandahan nila.

Ang gagaling ng mga leading actor at actress. Nakakaaliw pakinggan ang mga salita nila kahit hindi mo maintindihan. Ang maganda lang dito ay may english subtittle.

Yung tipong kahit may asawa kana at napanood mo ang mga nobela nila ay siguradong kikiligin ka parin. Kahit mag isa ka lang may oras na maiinis ka, kikiligin ka, iiyak ka, at minsan naman matatawa ka sa mga kwento nila.

May mga part nito na nakakakilig, nakakaiyak ang story nito. Minsan kasi related sa totoong buhay. Totoong love story.

Ang mga nagpakilig at nagpa-iyak na drama sakin ay ang " Angels Last Mission", "My girlfriend is an Allien", "Legend of the Blue Sea", at marami pa.

Kung gusto mo rin mapanood ito, idownload mo lang ang apps ng "vikki", at "weTv". Marami kang makikitang drama dyan na pwede mong panoorin.

Promise mababaliw ka rin sa panonood. Heheheh

Salamat.

1
$ 0.00

Comments