Hiking "Mount Tapyas"

1 13

Hi guys! Share ko lang po. Ang Mt. Tapyas ay isa sa mga tourist spot destination dito sa bayan ng Coron province of Palawan. Mayroon po itong 725 plus steps mula baba pataas. Kapag first timer ka medyo nakakapagod sa mga binti dahil nga pataas po sya. Ang kagandahan po dito may mga concrete na upuan na pwede pag pahingahan kapag napagod po kayo. Mag baon lang po agad ng tubig pampatid uhaw. Worth it naman po ang pagod kapag narating ninyo ang pinaka view deck ng Mt.Tapyas. Kapag nasa view deck na po kayo makikita ninyo ang view ng Coron town. Malalasap ninyo ang sariwang simoy ng hangin. Makikita din ninyo ang malaking bundok na parang taong natutulog na tinatawag namin dito na "Sleeping Beauty". Maganda din po ito for sunset and sunrise viewing. Ang sunrise po ay start ng 5:00am to 6:30am, at ang sunset po ay start ng 5:00pm to 6:00pm. Super recommended po sya for photo shooting. Sa mga gusto bumisita po dito sa amin pwedeng pwede po after ng lock down. Hehehehe Keep safe guys.

4
$ 0.00

Comments

Wath do u mean? 🤔

$ 0.00
4 years ago