Magandang araw po sa inyong lahat. Ngayong araw na ito, June 21, 2020 ipinag diriwang natin ang araw ng ating mga TATAY/PAPA/DADDY/ITAY. Gaano ba kahalaga ang araw na ito? Syempre mahalagang mahalaga ang araw na ito bilang pagkilala sa ating magulang at ama ng ating buhay bilang anak. Ito ang pinaka special na araw upang pasalamatan natin sila sa lahat ng sakripisyo nila sa atin simula pagkabata hanggang sa kasalukuyan. Ito rin ang araw na dapat ay bigyan naman natin sila ng mga regalo, handaan ng pagkain or kahit card lang para maging masaya naman sila.
Ayon sa history, nagsimula ang Araw ng Ama noong unang bahagi ng ika-20 siglo sa Estados Unidos upang ipagdiwang ang pagiging ama at upang makadagdag sa Araw ng Ina. Una itong ipinagdiriwang noong Hunyo 19, 1910 sa Spokane, Washington sa YMCA ni Sonora Smart Dodd. Narinig niya ang tungkol sa Araw ng Ina noong 1909 at sinabi sa kanyang pastor na akala niya ay dapat magkaroon ng katulad na holiday ang mga ama. Itinaas ng kanyang ama ang anim na anak bilang isang solong magulang. Sumang-ayon ang mga lokal na klero sa ideya at ang unang sermon ng Araw ng Ama ay inilagay sa kalendaryo noong Hunyo 19, 1910.
Share ko lang ang kwento ng isang babae na hindi nakasama ang ama sa kanyang paglaki.
May isang babae, panganay sa anim na magkakapatid. Itago na natin sa pangalang "Aquarious Girl". Pitong taong gulang pa lamang siya noon nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang, umalis ang kanilang ama at naiwan ang kanilang ina na noon ay ipinagbubuntis ang ika-anim na anak.
Pangingisda ang trabaho ng kanyang ama at sa bahay lang at nag aalaga ng ibang mga kapatid nya ang kanyang ina.
Si Aquarious Girl ay malapit sa kanyang ama, Daddy's girl ika nga. Noong nag-aaral palang siya ng grade 1, lagi syang hinahatid sundo ng kanyang ama. At kapag wala namang pasok, gustong gusto nya sumama sa kanyang ama sa pangingisda kahit sya ay maliit pa. At tuwang tuwa sya kapag marami silang huli.
Hanggang sa sumapit ang araw ng bangungot sa kanyang buhay. Nang umuwi sya galing ng paaralan, agad nyang hinanap ang kanyang ama na nakagawian nyang laging nakikita pag uwi. Nag tanong sya sa kanyang ina at ang sabi ng kanyang ina ay bumili lang ng makakain. Hanggang sa umabot na ng isang linngo at lagi nya paring tinatanong sa kanyang ina kung bakit hindi pa bumabalik ang kanilang ama. Nagulat nalang si Aquarious Girl na biglang humagulgol ng iyak ang kanyang ina at sinabi lahat ng katotohanan. Ang pinakamasakit na katotohanan na iniwan na sila ng kanyang ama.
Ang hirap mamuhay ng walang ama at iisa lang ang magulang na magtataguyod sa mga anak. Naranasan ni Aquarious Girl lahat ng hirap bilang panganay na anak na laging naiiwan sa mga kapatid habang naghahanapbuhay ang kanilang ina. Walang oras o araw na hindi nya namimiss ang kanyang ama. Dumating ang point na kinamumuhian nya ang kanyang ama na sana hwag nalang bumalik pa.
Naranasan din ni Aquarious Girl, na kapag may mga family day sya lang ang walang ama at ina na kasama. Minsan nga kinukutya pa sya ng mga classmates nya. Pupunta nalang sya sa bathroom iiyak at sasabihin sa sarili na "kaya mo yan, malalampasan mo rin yan".
Pagkatapos ng ilang taon, graduating ng highschool si Aquarious Girl noon, nang biglang may balita na dumating na ang kanyang ama. At nagkita nga sila. Hindi alam ni Aquarious Girl kung matutuwa ba sya o patuloy na kamumuhian ang ama. Ngunit ang mas masakit may bago nang pamilya ang kanyang ama at may mga anak narin.
Mabuting anak si Aquarious Girl. Kahit ganon pa man ang ginawa ng kanyang ama, napatawad nya ito. Dahil nga pag baliktarin man ang mundo ama nya parin ito. Tinanggap din nya ang mga kapatid sa ama.
Hanggang sa mag kasakit ang kanilang ama, si Aquarious Girl at nang kanyang mga kapatid ang nag alaga sa ama. Hanggang sa sumakabilang buhay na ito. Naroon parin ang pagmamahal ng mga anak sa ama na kahit hindi man nila nakasama sa mahabang panahon.
Sa kasalukuyan, may kanya kanya nang pamilya ang magkakapatid. At ginawa nalang ala ala ang lahat ng nangyari sa buhay nila.
Kaya sa inyo na kompleto pa ang pamilya ninyo, mahalin ninyo ang mga magulang ninyo lalong lalo na ang ama ninyo. Sumunod sa mga pangaral nila. Masarap sa feelings kapag may ama kayo na nakasubaybay sa inyo.
💞HAPPY FATHERS DAY sa lahat ng Tatay!💞