wag kang malungkot

0 5

SANA PO MAKATULONG SA MGA MOMMIES DYAN NA NAHIHIRAPAN AT NALULUNGKOT

Mga mommies Pakatatag po tayo. Isipin nyo na lang po baby nyo. Kaya nyo yan. Makipag usap po kayo sa pamilya nyo or sa ibang tao. Ishare nyo po anong nararamdaman nyo kung di po talaga kaya ng partner nyo intindihin kayo. Wag po kayong pang hihinaan ng loob lalo na po sa mga first time mommies dyan. Iba na po ang buhay natin ngayon may responsibilidad na po tayo. Pag aralan po natin o pagsikapan po natin maigi na maging mabuting ina sa ating anak. Oo namimiss natin mag buhay talaga pero dapat po isantabi na natin yon. Meron tayong regalo sa dyos na dapat ingatan. Hindi nyo man ginusto o ginusto nyo eh dapat po gawin natin ang lahat para mabigay ang best sa anak natin. Dahil hindi po yan laruan na pwede iwan pag ayaw. Humihinga po yan. Kung nalulungkot po kayo tandaan nyo po na hindi kayo nag iisa. Kasama nyo po ang anak nyo. Mahalin nyo po ang anak nyo. Dahil kung mararamdaman mo yung pagmamahal mo sa anak mo balewala yang postpartum na yan. Kase ang maiisip nyo na lang gawin ay gawin ang lahat para sa anak nyo. Oo nakakapagod pero po dapat kayanin natin diba KAYA PO NATIN YAN. WAG PO KAYONG PANGHIHINAAN NG LOOB. Kawawa po si baby pag naging mahina tayo at nagpatalo tayo sa postpartum na yan. Makakabawi pa po tayo mga mommies. Kung problema mo naman ay nagiging losyang ka na. May panahon pa naman po para mag balik alindog diba. Pero sa ngayon kailangan po tayo ng anak natin. Hindi po pwede na pagkapanganak eh uunahin nyo na magpaganda ng bongga. Lagi nyo pong ilagay sa isip nyo ang anak nyo. At mahalin nyo po ng totoo. Sana po makatulong tong message ko sainyo. Feel free to message me kung wala po kayong makausap. Dapat po laging positive lang

1
$ 0.00

Comments