Sa iyo Tatay, isang liham

0 18
Avatar for zacgabyeincas
3 years ago

Tay! Ang liham na ito ay para sayo at ang nilalaman ng isip ko na gusto kong sabihin. Kahit ito ay maikli, sana maintindihan mo na pinag isipan ko ito. Sa aking minamahal na ama, ang liham na ito ay para sayo.Nagpapasalamat ako sa Diyos na ikaw ang naging tatay ko. Pinagpala ako sa pag-iimpluwensya mo sa akin, katulad na lang ng pagiging mapagpasensya at mapangunawa mo sa aming magkakapatid, na minsan ay hindi sumusunod sa mga utos at payo mo. Nakakatulong ito sa akin dahil madami akong nakikilalang mga taong sumusubok ng aking pasensya, katulad na nga mga dating mga kaklase kong hindi ko makasundo sa iba’t ibang bagay; nagagawa kong magtimpi ng galit at hindi pumatol. Salamat din sa lahat ng ginagawa mo para sa iyong pamilya, lahat ng isinakripisyo mo para lang magkaroon kami ng maayos na buhay. Salamat sa pagmamahal na araw araw mong binibigay sa amin. Nagpapasalamat din ako dahil kahit na mahirap akong turuan at paulit-ulit niyo nang sinasabi ni mama kung paano itong gawin, gusto niyo parin akong matuto at gumaling pa. Ang mga naituro mong makakatulong sa akin ay hindi ko makakalimutan at gagamitin ko sa paglaki ko para gumawa ng mga magagandang bagay.

2
$ 0.00

Comments