Reflection for the day

0 4

Thursday, June 25, 2020

Psalm : 105: 1-22

Old Test.: Num. 17: 1-11

New Test.: Rom. 5: 1-11

Gospel: Matt. 20: 17-28

Mga Awit 105:1-22 Magandang Balita Biblia (MBBTAG)

Awit sa Paggunita sa Kasaysayan ng Bansang Israel

105 Dapat na si Yahweh, ating Panginoon, ay pasalamatan,

ang kanyang ginawa sa lahat ng bansa'y dapat ipaalam.

2 Siya ay purihin, handugan ng awit, ating papurihan,

ang kahanga-hangang mga gawa niya'y dapat na isaysay.

3 Tayo ay magalak yamang lahat tayo ay tunay na kanya,

ang kanyang pangalan, ang pangalang banal, napakadakila,

lahat ng may nais maglingkod kay Yahweh, dapat na magsaya.

4 Siya ay hanapin, at ang kanyang lakas ay siyang asahan,

siya ay hanapin upang mamalagi sa kanyang harapan.

5 Ating gunitain ang kahanga-hanga niyang mga gawa,

ang kanyang paghatol, gayon din ang kanyang ginawang himala.

6 Ito'y nasaksihan ng mga alipi't anak ni Abraham,

gayon din ng lahat na anak ni Jacob na kanyang hinirang.

7 Ang Diyos na si Yahweh ang Panginoon, siya ang ating Diyos,

sa kanyang paghatol ang nasasaklaw, buong sansinukob.

8 Ang tipang pangako'y laging nasa isip niya kailanman,

ang mga pangakong kanyang binitiwan sa lahat ng angkan.

9 Ang tipan ng Diyos ay unang ginawa niya kay Abraham,

at may pangako ring ginawa kay Isaac na lingkod na mahal;

10 sa harap ni Jacob, ang pangakong ito'y kanyang pinagtibay,

para sa Israel, ang tipan na ito ay pangwalang-hanggan.

11 Sinabi ng Diyos, “Ang lupang Canaa'y ikaw ang kukuha,

bilang bahagi mo sa aking pangako na ipapamana.”

12 Nang panahong iyon sila ay iilan, hindi pa marami,

kaya sa lupaing tinirhan nila'y hindi nanatili.

13 Tulad nila noon ay taong lagalag na palipat-lipat,

kung saang lupalop, mga kaharian sila napasadlak.

14 Sinuman ay hindi niya tinulutang sila'y alipinin,

ang haring magtangka na gumawa nito ay pananagutin.

15 Ang sabi ng Diyos di dapat apihin ang kanyang hinirang,

ang mga propetang mga lingkod niya'y hindi dapat saktan.

16 Sa lupain nila'y mayroong taggutom na ipinarating

itong Panginoon, kung kaya nagdahop sila sa pagkain.

17 Subalit ang Diyos sa unahan nila'y may sugong lalaki,

tulad ng alipin, ibinenta nila ang batang si Jose;

18 mga paa nito'y nagdanas ng hirap nang maikadena,

pinapagkuwintas ng kolyar na bakal pati leeg niya.

19 Hanggang sa dumating ang isang sandali na siya'y subukin nitong si Yahweh,

na siyang nangakong siya'y tutubusin.

20 Ang ginamit ng Diyos ay isang hari upang lumaya,

pinalaya siya nitong haring ito na namamahala.

21 Doon sa palasyong tahanan ng hari pinapamahala,

sa buong lupain, si Jose'y ginawa niyang katiwala.

22 Siya'ng sinusunod ng mga prinsipe doon sa palasyo,

siya ang pag-asa ng mga matandang ang gawa'y magpayo.

Mga Bilang 17:1-11 Magandang Balita Biblia (MBBTAG)

Ang Tungkod ni Aaron

17 Sinabi ni Yahweh kay Moises, 2 “Sabihin mo sa mga Israelita na ang pinuno ng bawat lipi ay magbigay sa iyo ng tig-iisang tungkod. Isusulat nila ang kanilang mga pangalan dito. 3 Ang pangalan ni Aaron ang isusulat mo sa tungkod ng lipi ni Levi sapagkat bawat pinuno ng lipi ay dapat magkaroon ng iisa lamang tungkod. 4 Ilalagay mo ang mga tungkod na iyon sa loob ng Toldang Tipanan sa harap ng Kaban ng Tipan, sa lugar kung saan kita kinatatagpo. 5 Ang tungkod ng taong aking pinili ay mamumulaklak. Sa ganoon, matitigil na ang pagrereklamo nila laban sa iyo.”

6 Ganoon nga ang sinabi ni Moises at nagbigay sa kanya ng tungkod ang mga pinuno ng bawat lipi. Labindalawa lahat pati ang tungkod ni Aaron. 7 Ang mga ito'y inilagay ni Moises sa harapan ni Yahweh, sa loob ng Toldang Tipanan.

8 Kinabukasan, nang pumasok sa Toldang Tipanan si Moises, nakita niyang may usbong ang tungkod ni Aaron. Bukod sa usbong, namulaklak pa ito at namunga ng hinog na almendra. 9 Inilabas ni Moises ang lahat ng tungkod at ipinakita sa mga Israelita. Nakita nila ang nangyari, at kinuha na ng mga pinuno ang kani-kanilang tungkod. 10 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Ibalik mo sa harap ng Kaban ng Tipan ang tungkod ni Aaron upang maging babala sa mga naghihimagsik. Mamamatay sila kung hindi sila titigil ng karereklamo.” 11 Ginawa nga ito ni Moises ayon sa iniutos ni Yahweh.

Roma 5:1-11 Magandang Balita Biblia (MBBTAG)

Mga Bunga ng Pagtanggap ng Diyos

5 Sapagkat napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya, mayroon na tayong mapayapang ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 2 Sa pamamagitan ng [pagsampalataya][a] kay Jesu-Cristo, tinamasa natin ang kagandahang-loob ng Diyos, at tayo'y nagagalak dahil sa pag-asang tayo'y makakabahagi sa kanyang kaluwalhatian. 3 Hindi lamang iyan. Ikinagagalak din natin ang mga kahirapang ating tinitiis, dahil alam nating ito'y nagbubunga ng pagtitiyaga. 4 At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng mabuting pagkatao, at ang mabuting pagkatao ay nagbubunga ng pag-asa. 5 At hindi tayo binibigo ng pag-asang ito sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos na sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob sa atin.

6 Sapagkat noong tayo'y mahihina pa, namatay si Cristo sa takdang panahon para sa mga makasalanan. 7 Mahirap mangyaring ialay ninuman ang kanyang buhay alang-alang sa isang taong matuwid, kahit na maaaring may mangahas na gumawa nito alang-alang sa isang taong mabuti. 8 Ngunit pinatunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa. 9 Yamang sa pamamagitan ng kanyang dugo, tayo ngayon ay napawalang-sala, lalong tiyak na maliligtas tayo sa poot ng Diyos. 10 Dati, tayo'y mga kaaway ng Diyos, ngunit tinanggap na niya tayo bilang mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At dahil dito, tiyak na maliligtas tayo sapagkat si Cristo ay buháy. 11 At hindi lamang iyan! Tayo'y nagagalak dahil sa ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, sapagkat dahil sa kanya ay tinanggap tayo bilang mga kaibigan ng Diyos.

Mateo 20:17-28 Magandang Balita Biblia (MBBTAG)

Ikatlong Pagpapahayag ni Jesus ng Kanyang Kamatayan

17 Nang nasa daan na sila papuntang Jerusalem, ibinukod ni Jesus ang labindalawang alagad at sinabi sa kanila, 18 “Pupunta tayo sa Jerusalem. Doo'y ipagkakanulo ang Anak ng Tao sa mga punong pari at sa mga tagapagturo ng Kautusan. Hahatulan siya ng kamatayan 19 at ibibigay sa mga Hentil. Siya'y kukutyain, hahagupitin at ipapako sa krus ngunit muli siyang bubuhayin ng Diyos sa ikatlong araw.”

Ang Kahilingan ng Ina nina Santiago at Juan

20 Lumapit kay Jesus ang asawa ni Zebedeo, kasama ang dalawa niyang anak na lalaki. Lumuhod siya sa harapan ni Jesus upang sabihin ang kanyang kahilingan.

21 “Ano ang gusto mo?” tanong ni Jesus.

Sumagot siya, “Kapag naghahari na po kayo, paupuin ninyo sa inyong tabi ang dalawa kong anak, isa sa kanan at isa sa kaliwa.”

22 “Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi,” sabi ni Jesus sa kanila. “Kaya ba ninyong tiisin ang hirap na malapit ko nang danasin?”

“Opo,” tugon nila.

23 At sinabi ni Jesus, “Daranasin nga ninyo ang hirap na titiisin ko. Ngunit wala sa akin ang pagpapasya kung sino ang mauupo sa aking kanan at sa aking kaliwa. Ang mga upuang iyo'y para sa pinaglalaanan ng aking Ama.”

24 Nang marinig ito ng sampung alagad, nagalit sila sa magkapatid. 25 Dahil dito, pinalapit ni Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila, “Alam ninyo na ang mga pinuno ng mga Hentil ay itinataas ang kanilang sarili bilang mga panginoon sa kanila, at ang kagustuhan ng mga nasa kapangyarihan ang siyang nasusunod. 26 Hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Sa halip, kung nais ninyong maging dakila, dapat kayong maging lingkod sa iba, 27 at kung sinuman sa inyo ang nagnanais maging una, ay dapat maging alipin ninyo. 28 Sapagkat maging ang Anak ng Tao ay naparito, hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay sa ikatutubos ng marami.”

English Translation

Psalm 105

(1) Oh, give thanks to the LORD! Call upon His name; Make known His deeds among the peoples! (2) Sing to Him, sing psalms to Him; Talk of all His wondrous works! (3) Glory in His holy name; Let the hearts of those rejoice who seek the LORD! (4) Seek the LORD and His strength; Seek His face evermore!

(5) Remember His marvelous works which He has done, His wonders, and the judgments of His mouth, (6) O seed of Abraham His servant, You children of Jacob, His chosen ones! (7) He is the LORD our God; His judgments are in all the earth. (8) He remembers His covenant forever, The word which He commanded, for a thousand generations,

(9) The covenant which He made with Abraham, And His oath to Isaac, (10) And confirmed it to Jacob for a statute, To Israel as an everlasting covenant, (11) Saying, 'To you I will give the land of Canaan As the allotment of your inheritance,' (12) When they were few in number, Indeed very few, and strangers in it.

(13) When they went from one nation to another, From one kingdom to another people, (14) He permitted no one to do them wrong; Yes, He rebuked kings for their sakes, (15) Saying, 'Do not touch My anointed ones, And do My prophets no harm.' (16) Moreover He called for a famine in the land; He destroyed all the provision of bread.

(17) He sent a man before them -- Joseph -- who was sold as a slave. (18) They hurt his feet with fetters, He was laid in irons. (19) Until the time that his word came to pass, The word of the LORD tested him. (20) The king sent and released him, The ruler of the people let him go free.

(21) He made him lord of his house, And ruler of all his possessions, (22) To bind his princes at his pleasure, And teach his elders wisdom.

Numbers 17

(1) And the LORD spoke to Moses, saying: (2) Speak to the children of Israel, and get from them a rod from each father's house, all their leaders according to their fathers' houses -- twelve rods. Write each man's name on his rod. (3) And you shall write Aaron's name on the rod of Levi. For there shall be one rod for the head of each father's house. (4) Then you shall place them in the tabernacle of meeting before the Testimony, where I meet with you.

(5) And it shall be that the rod of the man whom I choose will blossom; thus I will rid Myself of the complaints of the children of Israel, which they make against you.' (6) So Moses spoke to the children of Israel, and each of their leaders gave him a rod apiece, for each leader according to their fathers' houses, twelve rods; and the rod of Aaron was among their rods. (7) And Moses placed the rods before the LORD in the tabernacle of witness. (8) Now it came to pass on the next day that Moses went into the tabernacle of witness, and behold, the rod of Aaron, of the house of Levi, had sprouted and put forth buds, had produced blossoms and yielded ripe almonds.

(9) Then Moses brought out all the rods from before the LORD to all the children of Israel; and they looked, and each man took his rod. (10) And the LORD said to Moses, 'Bring Aaron's rod back before the Testimony, to be kept as a sign against the rebels, that you may put their complaints away from Me, lest they die.' (11) Thus did Moses; just as the LORD had commanded him, so he did.

Romans 5

(1) Therefore, having been justified by faith, we have peace with God through our Lord Jesus Christ, (2) through whom also we have access by faith into this grace in which we stand, and rejoice in hope of the glory of God. (3) And not only that, but we also glory in tribulations, knowing that tribulation produces perseverance; (4) and perseverance, character; and character, hope.

(5) Now hope does not disappoint, because the love of God has been poured out in our hearts by the Holy Spirit who was given to us. (6) For when we were still without strength, in due time Christ died for the ungodly. (7) For scarcely for a righteous man will one die; yet perhaps for a good man someone would even dare to die. (8) But God demonstrates His own love toward us, in that while we were still sinners, Christ died for us.

(9) Much more then, having now been justified by His blood, we shall be saved from wrath through Him. (10) For if when we were enemies we were reconciled to God through the death of His Son, much more, having been reconciled, we shall be saved by His life. (11) And not only that, but we also rejoice in God through our Lord Jesus Christ, through whom we have now received the reconciliation.

Matthew 20

(17) Now Jesus, going up to Jerusalem, took the twelve disciples aside on the road and said to them, (18) Behold, we are going up to Jerusalem, and the Son of Man will be betrayed to the chief priests and to the scribes; and they will condemn Him to death, (19) and deliver Him to the Gentiles to mock and to scourge and to crucify. And the third day He will rise again.' (20) Then the mother of Zebedee's sons came to Him with her sons, kneeling down and asking something from Him.

(21) And He said to her, 'What do you wish?' She said to Him, 'Grant that these two sons of mine may sit, one on Your right hand and the other on the left, in Your kingdom.' (22) But Jesus answered and said, 'You do not know what you ask. Are you able to drink the cup that I am about to drink, and be baptized with the baptism that I am baptized with?' They said to Him, 'We are able.' (23) So He said to them, 'You will indeed drink My cup, and be baptized with the baptism that I am baptized with; but to sit on My right hand and on My left is not Mine to give, but it is for those for whom it is prepared by My Father.' (24) And when the ten heard it, they were greatly displeased with the two brothers.

(25) But Jesus called them to Himself and said, 'You know that the rulers of the Gentiles lord it over them, and those who are great exercise authority over them. (26) Yet it shall not be so among you; but whoever desires to become great among you, let him be your servant. (27) And whoever desires to be first among you, let him be your slave -- (28) just as the Son of Man did not come to be served, but to serve, and to give His life a ransom for many.'

Reflection:

Iba ang pagkakaintindi ng mga disipolo patungkol sa paghahari ni Hesus. Ang akala nila ito ay tulad ng paghahari ng mga tao sa mundo. Para maging dakila, tanyag, at ang pagkakaroon ng kapangyarihan upang magawa ang nais nila at mapagsilbihan. Pero dito makikita natin na iba at taliwas ang pagkakaalam nila sa Kaharian ng Diyos. Sa Kaharian ng Diyos ang pagiging dakila ay hindi para maging angat sa iba pero para magpakumbaba. Upang magsilbi at hindi pagsilbihan. Upang ialay ang ating sarili para sa kaligtasan ng iba. Katulad ng isinulat ni San Pablo sa mga taga-Roma 5 ito ang ating dalhin na katangian sa ating buhay, ang paraan patungo sa Kaharian ng Diyos. Hindi dapat tayo natatakot sa mga paghihirap sa mundo pero magkaroon tayo ng lakas ng loob dahil lahat ng ito ay napagtagumpayan na ni Hesus. Ito din ang nagpapatunay sa mga katangian na dapat natin tinataglay.

4
$ 0.00

Comments