"Unang pasok ko sa parking, sa likod lang ako ng isang sasakyan nagpark. So nung aalis na yung nasa harapan ko, kinailangan kong lumabas na mauna to give way and this kid guided me.
"Inabutan ko lang sya ng barya and nagthank you ako. Mga 12:20, pumunta sya sa tabi ng sasakyan asking if I'm okay kasi lunch time na," anito.
Ibinahagi rin nito ang kanilang naging usapan matapos nito.
"Me: Hindi ko nga alam e. Di pa kasi tapos sila Mama sa loob. Kumain ka na? Ba't nasa labas ka? Bawal ang bata diba?
Him: Opo Ate. Nakisubo ako sa mga guard, katatapos lang. Dito lang talaga ako sa parking. Ikaw di ka pa ba kakain?
Me: Hintayin ko na sila Mama. Wala pala kasi akong dalang wallet.
Him: Edi gutom ka na niyan? Ano bang gusto mong kainin may canteen naman dito bilhan kita.
Me: Wag na. Okay lang ako. Hintayin ko nalang sila baka patapos na yun.
Him: May bente ka ba jan? (Akala ko nanghihingi)
Me: Puro coins lang to e, wala akong wallet talaga. Sorry.
Him: Ehhh? Magugutom ka niyan sana dumating na kasama mo"
Matapos nito ay agad naman daw umalis ang bata. Pero maya-maya raw ay muling kumatok sa bintana ng kanyang sasakyan ang bata at inaabot sa kanya ang isang turon.
Him: "Ate oh. Turon. Binilhan kita. Di ka kasi nagbigay ng bente e. Para sana kanin nalang bibilhin ko, 20 lang naman ulam pwede na."
"Pinipilit ko na sya nalang yung kumain ng turon kasi nakisubo lang sya sa mga guard na nag-aalaga sa kanya. Pero yung 10 pesos na inabot ko earlier pinangbili nya pa ng turon kasi gutom na daw ako.
"I'm so touched. May mga tao pa rin talagang ganito. Minsan kung sino pa yung walang wala, sila pa yung nagbibigay,"