gospel reading

0 5

Ang pagbabagong-anyo ni Hesus sa Bundok ng Tabor ay kumakatawan sa pagtatagpo ng pansamantala at ng walang hanggan. Ito ay isang sulyap sa inihandang plano ng Diyos para sa sangkatauhan. Kaya ganoon nalamang ang reaksiyon ni Pedro, Santiyago, at Juan sa Nakita nila kaya tila ayaw na nilang bumaba sa bundok dahil sa nasaksihan nilang kagilagilalas na pangyayari.

Ang nasaksihan ng tatlong alagad ni Hesus ay hindi naiiba sa enkwentro natin kay Hesus lalo na sa oras ng Eukaristiya. Nababago ang tinapay at alak, ito’y nagiging katawan at dugo ni Jesu-Cristo. Kaya dapat sa bawat pagtanggap natin ng kanyang katawan at dugo tayo ay patuloy na nababago patungo sa Kanyang anyo.

Sa pagbabago natin sa ating buhay ay nangyayari sa tulong ng Espiritu Santo. Hindi natin pwedeng ipagmalaki ang mga gawain nating kabutihan dahil hindi ito nagmumula sa atin. Ito ay sanhi at udyok ng Banal na Espiritu na kumikilos sa ating buhay. Ang tanging bagay na ating ipagmalaki ay ang krus ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Tayo ay namatay na sa ating mga sarili kaya tayo ngayon ay mga bagong nilalang na. Hindi na tayo nabubuhay para sa sarili lamang pero para sa Diyos at sa ating kapwa.

Saturday, June 13, 2020

Psalm : 75, 76

Old Test.: Num. 3: 1-13

New Test.: Gal. 6: 11-18

Gospel: Matt. 17: 1-13

Mga Awit 75 Magandang Balita Biblia (MBBTAG)

DIYOS ANG SIYANG HUHUSGA

ISANG AWIT NA KATHA NI ASAF UPANG AWITIN NG PUNONG MANG-AAWIT.

75 Salamat, O Diyos, maraming salamat, sa iyong pangalan kami'y tumatawag, upang gunitain sa lahat ng oras ang mga gawa mo na kahanga-hanga.

2 Wika ng Panginoon, “Sa takdang panahon, walang pagtatanging ako ay hahatol. 3 Itong mundong ito'y kahit na mayanig, maubos ang tao dito sa daigdig, ang saligan nito'y aking ititindig.” (Selah)[a] 4 “Sabi ko sa hambog sila ay mag-ingat, at ang masasama'y huwag magpasikat. 5 Ang pagmamalaki'y dapat na iwasan, kung magsasalita'y gawing malumanay.”

6 Hindi sa silangan, hindi sa kanluran, hindi rin sa timog o sa hilaga man magmumula, hatol na inaasahan. 7 Tanging Diyos lamang ang siyang hahatol, sa mapapahamak o sa magtatagumpay. 8 Si Yahweh na Diyos ay may kopang hawak, sariwa't matapang yaong lamang alak; ipauubaya niyang ito'y tunggain ng taong masama, hanggang sa ubusin.

9 Subalit ako ay laging magagalak; ang Diyos ni Jacob, aking itataas. 10 Lakas ng masama'y papatiding lahat, sa mga matuwid nama'y itataas!

Mga Awit 76 Magandang Balita Biblia (MBBTAG)

DIYOS ANG MAGTATAGUMPAY

AWIT NA KATHA NI ASAF UPANG AWITIN NG PUNONG MANG-AAWIT: SA SALIW NG MGA INSTRUMENTONG MAY KUWERDAS.

76 Tunay na si Yahweh'y kilala sa Juda, sa buong Israel, dakilang talaga; 2 nasa Jerusalem ang tahanan niya, sa Bundok ng Zion, doon tumitira. 3 Lahat ng sandata ng mga kaaway, mga pana't sundang, baluting sanggalang, doon niya sinirang walang pakundangan. (Selah)[a]

4 O Diyos, dakila ka, ikaw ay maringal higit pa sa matatag na kabundukan.[b] 5 Walang magawâ, matatapang na kawal, binawi ng Diyos ang taglay na samsam; nahihimbing sila at nakahandusay, mga lakas nila, lahat ay pumanaw. 6 Nang ika'y magalit, O Diyos ni Jacob, sakay at kabayo'y pawang nangalugmok.

7 Ikaw, O Yahweh, kinatatakutan! Sino ang tatayo sa iyong harapan kapag nagalit ka sa mga kinapal? 8 Sa iyong paghatol na mula sa langit, ang lahat sa mundo'y takot at tahimik. 9 Nang ika'y tumayo't gawin ang paglitis, naligtas ang mga api sa daigdig. (Selah)[c]

10 Ang matinding galit sa iyo ng tao, hahantong na lahat sa pagpuri sa iyo. Silang nangaligtas sa mga labanan, laging magpupuri at mangagdiriwang. 11 Mga pangako mo kay Yahweh, iyong Diyos, ay iyong tuparin nang tapat sa loob; dapat na magdala ng mga kaloob ang lahat ng bansa sa iyong palibot.

12 Hambog na prinsipe ay ibinababâ, tinatakot niya hari mang dakila.

Mga Bilang 3:1-13 Magandang Balita Biblia (MBBTAG)

ANG TUNGKULIN NG MGA LEVITA

3 Ito ang salinlahi nina Aaron at Moises nang kausapin siya ni Yahweh sa Bundok ng Sinai. 2 Ang mga anak ni Aaron ay si Nadab na siyang panganay at sina Abihu, Eleazar at Itamar. 3 Sila ang mga itinalagang pari na magsisilbi sa Toldang Tipanan. 4 Ngunit sina Nadab at Abihu ay namatay sa harap ng altar sa Bundok ng Sinai nang magsunog sila ng handog kay Yahweh sa pamamagitan ng apoy na hindi itinalaga para roon. Wala silang anak kaya sina Eleazar at Itamar ang naglingkod bilang pari habang nabubuhay ang kanilang ama.

5 Sinabi ni Yahweh kay Moises, 6 “Tipunin mo ang lipi ni Levi at italaga mo sila bilang katulong ni Aaron. 7 Tutulungan nila si Aaron sa mga gawain sa Toldang Tipanan at ang mga mamamayan sa kanilang paghahandog. 8 Sila ang mangangasiwa sa mga kagamitan sa loob ng Toldang Tipanan at sila rin ang tutulong sa mga Israelita sa kanilang pagsamba. 9 Ang tanging tungkulin ng mga Levita ay ang tumulong kay Aaron at sa kanyang mga anak sa gawain nila sa Toldang Tipanan. 10 Si Aaron naman at ang kanyang mga anak na lalaki ay itatalaga mo bilang pari at sila lamang ang gaganap ng mga gawaing kaugnay nito. Sinumang hindi mula sa lipi ni Aaron na gumanap ng tungkulin ng pari ay dapat patayin.”

11 Sinabi ni Yahweh kay Moises, 12 “Pinili ko ang mga Levita bilang kapalit ng mga panganay na lalaki, kaya sila'y para sa akin. 13 Akin ang lahat ng panganay sapagkat nang lipulin ko ang lahat ng panganay ng Egipto, ibinukod ko para sa akin ang lahat ng panganay, maging tao o hayop. Kaya, sila ay akin, ako si Yahweh.”

Galacia 6:11-18 Magandang Balita Biblia (MBBTAG)

PANGWAKAS NA BABALA AT PAGBATI

11 Tingnan ninyo kung gaano kalaki ang mga titik na ginagamit ko sa pagsulat sa inyo sa pamamagitan ng sarili kong kamay.

12 Gusto lamang ng mga namimilit sa inyo na kayo'y magpatuli na makita silang gumagawa ng magagandang bagay. Ginagawa nila iyon upang huwag silang usigin dahil sa krus ni Cristo. 13 Kahit na silang mga tuli ay hindi naman tumutupad sa Kautusan; nais lamang nilang patuli kayo upang maipagmalaki nila na kayo man ay tumupad sa tuntuning iyon. 14 Huwag nawang mangyari sa akin na ipagmalaki ko ang anumang bagay bukod sa krus ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Sapagkat sa pamamagitan nito, ang mundong ito'y patay na para sa akin, at ako nama'y patay na rin sa mundo. 15 Hindi mahalaga kung tuli man o hindi ang isang tao. Ang mahalaga ay kung siya ay bago nang nilalang. 16 Manatili nawa ang kapayapaan at habag ng Diyos sa lahat ng namumuhay ayon sa tuntuning ito, at sa buong bayan ng Diyos.

17 Kaya mula ngayon, huwag nang dagdagan ninuman ang aking mga paghihirap, sapagkat ipinapakita ng mga pilat sa aking katawan na ako'y lingkod ni Jesus.

18 Mga kapatid, sumainyo nawang lahat ang kagandahang-loob ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Amen.

Mateo 17:1-13 Magandang Balita Biblia (MBBTAG)

ANG PAGBABAGONG-ANYO NI JESUS

17 Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus si Pedro at ang magkapatid na Santiago at Juan, at sila'y umakyat sa isang mataas na bundok. 2 Habang sila'y naroroon, nakita nilang nagbago ang anyo ni Jesus, nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha at nagningning sa kaputian ang kanyang damit. 3 At nakita ng tatlong alagad sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Jesus. 4 Sinabi ni Pedro kay Jesus, “Panginoon, mabuti't naririto kami. Kung gusto ninyo, magtatayo ako ng tatlong tolda, isa sa inyo, isa kay Moises at isa kay Elias.” 5 Habang nagsasalita pa si Pedro, nililiman sila ng napakaliwanag na ulap. Mula rito'y may tinig na nagsabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya!” 6 Nang marinig ng mga alagad ang tinig, labis silang natakot at nagpatirapa. 7 Ngunit nilapitan sila ni Jesus at hinawakan. “Tumayo kayo, huwag kayong matakot!” sabi niya. 8 Nang tumingin sila, si Jesus na lamang ang kanilang nakita.

9 Habang sila'y bumababa sa bundok, iniutos sa kanila ni Jesus, “Huwag ninyong sasabihin kaninuman ang tungkol sa pangitain hangga't hindi muling nabubuhay ang Anak ng Tao.” 10 Tinanong siya ng mga alagad, “Bakit po sinasabi ng mga tagapagturo ng Kautusan na dapat munang dumating si Elias?” 11 Sumagot siya, “Darating nga si Elias upang ihanda ang lahat ng bagay. 12 At sinasabi ko sa inyo, dumating na si Elias ngunit hindi siya kinilala ng mga tao, at ginawa nila kay Elias ang gusto nila. Kaya't tulad ng ginawa sa kanya, pahihirapan din nila ang Anak ng Tao.” 13 Naunawaan ng mga alagad na si Juan na Tagapagbautismo ang tinutukoy niya.

ENGLISH VERSION

Psalm 75

(1) We give thanks to You, O God, we give thanks! For Your wondrous works declare that Your name is near. (2) When I choose the proper time, I will judge uprightly. (3) The earth and all its inhabitants are dissolved; I set up its pillars firmly. Selah (4) I said to the boastful, 'Do not deal boastfully,' And to the wicked, 'Do not lift up the horn. (5) Do not lift up your horn on high; Do not speak with a stiff neck.' ' (6) For exaltation comes neither from the east Nor from the west nor from the south. (7) But God is the Judge: He puts down one, And exalts another. (8) For in the hand of the LORD there is a cup, And the wine is red; It is fully mixed, and He pours it out; Surely its dregs shall all the wicked of the earth Drain and drink down. (9) But I will declare forever, I will sing praises to the God of Jacob. (10) All the horns of the wicked I will also cut off, But the horns of the righteous shall be exalted.'

Psalm 76

(1) A Song. In Judah God is known; His name is great in Israel. (2) In Salem also is His tabernacle, And His dwelling place in Zion. (3) There He broke the arrows of the bow, The shield and sword of battle. Selah (4) You are more glorious and excellent Than the mountains of prey. (5) The stouthearted were plundered; They have sunk into their sleep; And none of the mighty men have found the use of their hands. (6) At Your rebuke, O God of Jacob, Both the chariot and horse were cast into a dead sleep. (7) You, Yourself, are to be feared; And who may stand in Your presence When once You are angry? (8) You caused judgment to be heard from heaven; The earth feared and was still, (9) When God arose to judgment, To deliver all the oppressed of the earth. Selah (10) Surely the wrath of man shall praise You; With the remainder of wrath You shall gird Yourself. (11) Make vows to the LORD your God, and pay them; Let all who are around Him bring presents to Him who ought to be feared. (12) He shall cut off the spirit of princes; He is awesome to the kings of the earth.

Numbers 3

(1) Now these are the records of Aaron and Moses when the LORD spoke with Moses on Mount Sinai. (2) And these are the names of the sons of Aaron: Nadab, the firstborn, and Abihu, Eleazar, and Ithamar. (3) These are the names of the sons of Aaron, the anointed priests, whom he consecrated to minister as priests. (4) Nadab and Abihu had died before the LORD when they offered profane fire before the LORD in the Wilderness of Sinai; and they had no children. So Eleazar and Ithamar ministered as priests in the presence of Aaron their father. (5) And the LORD spoke to Moses, saying: (6) Bring the tribe of Levi near, and present them before Aaron the priest, that they may serve him. (7) And they shall attend to his needs and the needs of the whole congregation before the tabernacle of meeting, to do the work of the tabernacle. (8) Also they shall attend to all the furnishings of the tabernacle of meeting, and to the needs of the children of Israel, to do the work of the tabernacle. (9) And you shall give the Levites to Aaron and his sons; they are given entirely to him from among the children of Israel. (10) So you shall appoint Aaron and his sons, and they shall attend to their priesthood; but the outsider who comes near shall be put to death.' (11) Then the LORD spoke to Moses, saying: (12) Now behold, I Myself have taken the Levites from among the children of Israel instead of every firstborn who opens the womb among the children of Israel. Therefore the Levites shall be Mine, (13) because all the firstborn are Mine. On the day that I struck all the firstborn in the land of Egypt, I sanctified to Myself all the firstborn in Israel, both man and beast. They shall be Mine: I am the LORD.'

Galatians 6

(11) See with what large letters I have written to you with my own hand! (12) As many as desire to make a good showing in the flesh, these would compel you to be circumcised, only that they may not suffer persecution for the cross of Christ. (13) For not even those who are circumcised keep the law, but they desire to have you circumcised that they may boast in your flesh. (14) But God forbid that I should boast except in the cross of our Lord Jesus Christ, by whom the world has been crucified to me, and I to the world. (15) For in Christ Jesus neither circumcision nor uncircumcision avails anything, but a new creation. (16) And as many as walk according to this rule, peace and mercy be upon them, and upon the Israel of God. (17) From now on let no one trouble me, for I bear in my body the marks of the Lord Jesus. (18) Brethren, the grace of our Lord Jesus Christ be with your spirit. Amen.

Matthew 17

(1) Now after six days Jesus took Peter, James, and John his brother, led them up on a high mountain by themselves; (2) and He was transfigured before them. His face shone like the sun, and His clothes became as white as the light. (3) And behold, Moses and Elijah appeared to them, talking with Him. (4) Then Peter answered and said to Jesus, 'Lord, it is good for us to be here; if You wish, let us make here three tabernacles: one for You, one for Moses, and one for Elijah.' (5) While he was still speaking, behold, a bright cloud overshadowed them; and suddenly a voice came out of the cloud, saying, 'This is My beloved Son, in whom I am well pleased. Hear Him!' (6) And when the disciples heard it, they fell on their faces and were greatly afraid. (7) But Jesus came and touched them and said, 'Arise, and do not be afraid.' (8) When they had lifted up their eyes, they saw no one but Jesus only. (9) Now as they came down from the mountain, Jesus commanded them, saying, 'Tell the vision to no one until the Son of Man is risen from the dead.' (10) And His disciples asked Him, saying, 'Why then do the scribes say that Elijah must come first?' (11) Jesus answered and said to them, 'Indeed, Elijah is coming first and will restore all things. (12) But I say to you that Elijah has come already, and they did not know him but did to him whatever they wished. Likewise the Son of Man is also about to suffer at their hands.' (13) Then the disciples understood that He spoke to them of John the Baptist.

1
$ 0.00

Comments