Bukas na liham para sa aking kaibigan

0 32
Avatar for zacgabyeincas
4 years ago

   Sa aking kaibigan na laging maaasahan sa oras ng kalungkutan at kasiyahan, hindi lang basta kaibigan, maituturing din na parang kapatid kung saan pwede mong sabihin ang mga problemang kinikimkim, maraming salamat. Maraming salamat din sa mga ala-alang binuo natin, masaya man iyon o malungkot basta ang alam ko mahalaga ang mga oras na iyon dahil magkasama tayo. Maraming salamat din sa pagtanggap sa mga biro kong hindi man nakakatuwa, natawa ka parin dahil mas nakakatawa yung kababawan ko. Maraming salamat din sa pagdinig ng mga ka-dramahan at kaartihan ko. Salamat din sa hindi mo pag-iwan kahit na minsan ay kailangan mo din talagang matutong mapag-isa.

     Patawad kung may mga pagkakataong hindi ko inaasahang may nagagawa akong nakakapagbigay kalungkutan sa puso mo. Marahil sa mga pagkakataong iyon ay mayroon lamang akong dinadalang problema. Alam ko naman na naiintindihan mo ako. Patawad din kung may mga pagkakataong ramdam mo na hindi ko pinakikinggan yung mga problema mo. Lagi ko namang sinasabing naririnig at naiintindihan ko , may pagkakataon lang na akala mo hindi. Patawad din kung ayaw ko nang marinig yung mga paulit-ulit mong kwento na talaga namang nakakasawa dahil puro tungkol sa hinahangaan mo. Pero kahit ganon susuporta parin ako. Kahit nasasaktan ka, doon ka kasi masaya kaya hayaan mong hayaan kita.
Sana ay walang magbago, simula ng maging mag-kaibigan tayo hanggang sa pagtanda natin. Wala paring iwanan magka-pamilya o trabaho man tayo. Lagi mo lang tatandaan na nandito lang ako lagi. Katulad parin ng dati, makikinig parin sa mga paulit-ulit mong kwento at tatanggapin parin kung ano ka dati at hanggang sa pagtanda natin. Ang mananatiling gabay mo para hindi ka maligaw. Ang patuloy na magpapatawa sayo kahit sobrang babaw. At huli, ang kaibigan na hindi ka iiwan sa mga pagsubok na ating pagdadaanan. Mahal kita kaibigan.

2
$ 0.00

Comments