I am a proud nanay of my children. Dahil kahit anong paghihirap ang dinaranas namin ay patuloy na nagsusumikap sa kanilang pag-aaral ang mga anak ko. Nang mawalan ako ng trabaho ay kahit walang baon at walang pampamasahe ay pumapasok pa rin sila sa school. Medyo may kalayuan dati ang school nila pero naglalakad para lang makapasok. Dahil sa nakikita kong pagsusumikap nila kaya kahit napapagod na ako ay parang nawawala at di ko na nararamdaman lalo na tuwing katapusan ng school year ay lahat sila may natatanggap na award.
5 comments
Ang galing nila at madami na din silang awards.
Wow! Ang huhusay nila talagang nakakaproud, congrats!
Andami na niyan sis kakatuwa naman sulit ang lahat ng paghihirap.Sobrang nakakaproud pa.
Sobrang nakaka proud yan sis. Ang sisipag nila mag aral grabe kahit lakarin lang papuntang school makapasok lang. Magandang tularan ng karamihan
Ang daming medal. Bunga ng pagsisikap at sakripisyo. Nakaka proud Naman ang mga anak mo . Sana lang magpatuloy sila sa magandang simula Nila . Tiyak na magiging tagumpay sila sa kanilang pag aaral.