read.cash Log in
@yujin

@yujin in November 2022

@yujin

Andito ako ngayon sa bahay ng kapatid ng asawa ko. Wag na raw kami magluto at marami silang lulutuin at bibigyan na lang daw kami. Tulungan ko na lang daw sila magluto. Pancit ang una naming niluluto. Bale tatlong kilo ito. Ang hirap pala haluin pag marami. Masakit sa braso. Pero ok lang. Makakalibre rin kami ng food ngayong araw.

@yujin

I am a proud nanay of my children. Dahil kahit anong paghihirap ang dinaranas namin ay patuloy na nagsusumikap sa kanilang pag-aaral ang mga anak ko. Nang mawalan ako ng trabaho ay kahit walang baon at walang pampamasahe ay pumapasok pa rin sila sa school. Medyo may kalayuan dati ang school nila pero naglalakad para lang makapasok. Dahil sa nakikita kong pagsusumikap nila kaya kahit napapagod na ako ay parang nawawala at di ko na nararamdaman lalo na tuwing katapusan ng…

@yujin

Sabi ng karamihan. MONEY CAN'T BUY HAPPINESS. Pero para sa akin ay hindi ako magiging masaya kung wala akong pera. Kung marami tayong pera at ginamit natin ito sa mga taong totoong nangangailangan ay doon natin mararamdaman ang totoong kasiyahan. Gandang hapon.

@yujin

Sagana kami sa pang meryenda ngayon. Lahat lang bigay ng mga mababait kong kapitbahay. May natira pa sa mineryenda namin. Ang sarap ng pagkakagawa ng suman na giniling na malagkit. May nagbigay din ng biko pero nilagay ko na kaagad sa ref dahil di na rin makakain. Nakalibre kami ng food simula tanghali hanggang pang hapunan na rin. Thank you so much sainyo.

@yujin

Ang sipag talaga ng pamangkin ko. Nang pumunta ako sa kanila kanina ay ang gaganda ng mga halaman niya. Kahit may regular job siya pero pag-uwi niya raw ay ito ang inaasikaso niya. Gandang-ganda talaga ako sa mga halaman niya. Di ko maiwan-iwan ng tingin. Nakaka relaks ng isipan. Good night na po. Tulog ng maaga at may pasok na bukas. Sigurado na nito na sobrang busy bukas.

@yujin

Good morning. Today I am hoping to have a good day. And I will do my best to have it. I will be proud of myself if I have a good day today. Lord thank you for this day. Thank you for giving me another chance to do what I want to be in my life. Gandang buhay.

@yujin

So busy today. Pure Chinese ang boss namin. Kaya mapaniwalain siya sa mga pamahiin at feng shui ay kailangan daw maglagay sa table niya ng isang mangkok na may lamang asin, siling labuyo, candy at mga limang pesong barya. Ako ang naatasang maghanda nito. Bawat isa talaga sa atin ay may kanya-kanyang paniniwala. Kung di man tayo naniniwala ay respetuhin na lang natin ang bawat paniniwala ng bawat isa.

@yujin

Ang bilis ko makauwi ng bahay dahil sumakay na lang ako ng tricycle diretso sa amin. Pagdating ko ng bahay ay ito kaagad ang ginawa ko. Ayon sa feng shui expert na pumunta sa work namin kanina ay mainam daw na maglagay.ng tatlong itlog sa kusina katulad nito. Di ko matandaan kong ano yong exact explanation niya tungkol dito. Ang gugulo kasi ng mga kasama ko. Wala namang mawawala sa akin kung gagawin ko rin yong sinabi niya.

@yujin

Napagod ako ngayon maghapon kaya naghanap ako ng lulutuing ulam na mabilisan lang. Ito na lang ang niluto ko. Tuna in can. Iginisa ko lang sa garlic, onion at kamatis Tara let's eat dinner guys.

@yujin

Lord thank you for giving me another day to live. Thank you for keeping my heart loving and peaceful. Everything I will do for this day, I will stay relax and choose to focus on a joyful results. Because of you Lord I don't have fear anything. Instead to feel your love and truth. Gandang buhay. Laging magagandang bagay ang isipin paggising sa umaga para magaan sa pakiramdam at maging masaya ang buong araw natin.

@yujin

Request ni bunso. Gusto raw niyang ulam mamayang gabi ay chicken barbecue. Kaya bago ako umalis ay nag marinate na ako. Para mamaya ay iihawin ko na lang. Request granted para lalong ganahan sa pag-aaral niya. Pag mga nanay ay di matitiis ang mga anak.

@yujin

Di ako nakapag meryenda kaya medyo napadami ng kinain ko kaninang lunch. May rice, dinuguan, lumpia Shanghai and mami. Di na rin uli ako makakapag meryenda ngayong hapon dahil sa kabusugan. Minsan lang naman ako kung mapakain ng ganito karami. Lahat ng ito ay for free lunch.

@yujin

Pagdating ko ng bahay ay nag-ihaw kaagad ako ng.binabad kong chicken. Para mabilis lang ay sa electric grill ko na lang niluto. Pero mas masarap sana kung sa uling. Kaya lang matatagalan pa. Now ready na ang niluto kong chicken barbecue. Tara let's eat.

@yujin

Good night kaingay. Maaga akong matutulog ngayon. Need kong pumasok ng maaga bukas. First Friday of the month. Kaya may gaganaping mass sa umaga. Aayusin ko pa yong mga biniling fruits na pang-alay sa mass. Tuwing unang Friday ng buwan ay may.mass sa loob ng compound ng company bilang pasasalamat sa patuloy na pag-unlad ng company.

@yujin

First Friday of the month. Kaya ang aga kong pumasok. Inayos ko pa ang mga fruits na pang-alay sa mass mamaya. Hinihintay ko pa yong mga pina deliver na mga bulaklak at di pa dumarating. Lord thank you for this day. Thank you sa mga blessings na binibigay mo sa amin at mga ibibigay pa lang. Gandang umaga.

@yujin

Hello everyone. Di na ako busy at halos wala na akong gagawin pa kaya pwede na rito kay noise. Kaya lang naipunan na ako ng mga unread messages. Maghihintay na lang ako ng oras hanggang uwian. Share ko lang rito ang isa sa mga pinapangarap kong gift na matanggap ngayong darating na pasko. At sana nga ay may magbigay. Makameryenda na nga lang bilang pampalipas oras na din.

@yujin

Pork adobo with eggs. Sa wakas tapos na rin ako magluto. Nakakagutom na rin. Ito ang niluto ko para hanggang bukas ay pwede pa kahit di nakalagay sa ref dahil di mabilis mabilis mapanis at isa pa ay mabilis din lang lutuin. Kanina pa nakaabang si bunso kong luto na. Nagutom na rin.

@yujin

Good morning. Mga eight o'clock pa lang ay natulog na ako kagabi kaya nagising ng ang aga pa rin. At di na ako dalawin ng antok. Parang di na makakabalik ng tulog. Tayong mga nanay ay laging nasa puso at isipan natin ang ating mga anak. Kahit malalaki na sila pero lagi pa rin tayong nag-aalala para sa kanila.

@yujin

Good morning. Di na ako dalawin ng antok kaya bumangon na lang at magkape na. Pagkatapos magkape ay umpisahan na ang gawaing bahay. Sayang ng oras na walang matapos na gawain. Baka mamaya ay bigla akong makaramdam ng antok. Pwede na uli matulog at wala na akong iisipin pang gagawin. Lord salamat po sa bawat paggising ko na ako ay healthy. Hinihingi ko po ang inyong gabay sa lahat ng aking gagawin sa araw na ito.

@yujin

Happy morning. Mami for breakfast, for meryenda and pwede na rin for lunch. O di ba pag maaga umpisahan ang gawain ay maaga ring matatapos. Tulog pa lahat ng kasama ko sa bahay. Samantalang ako tapos na magluto ng mami at magsasampay na lang ng aking nilabhan. Ang sarap kumain ng mami sa umaga lalo na medyo malamig na ang panahon. Gandang buhay.

@yujin

Happy Saturday. Habang nag-aaral pa at nasa akin pa ang mga anak kong babae ay tinuturuan ko na silang maging economic independence. Para in the near future ay kung makapag-asawa na sila ay hindi sila maging sunud-sunuran lang sa kanilang mga asawa. Dahil may sarili silang income at kaya nilang mabuhay ng di umaasa kahit kanino. Kahit iwanan sila ng kanilang asawa ay di kawalan sa kanila. Ayoko silang magtiis sa piling ng kanilang magiging asawa dahil di nila kayang buhayin…

@yujin

Nagluto akong lumpiang gulay. Pwede pang meryenda at pwede rin pang-ulam. Isawsaw lang sa vinegar na may garlic and siling labuyo ay kasarap na papakin. Maaga kaming kumain ng lunch kaya nakakagutom na. So let's eat kaingay.

@yujin

Kaganda ng panahon kanina. Di ko akalaing sa isang iglap ay biglang uulan. Nakaidlip sana ako. Mabuti at ginising ako ng anak ko sa dami naming kukuning sinampay. Malapit na sana.matuyo. Kahit panahon pabago-bago rin. Minsan parang tayo rin. pabago-bago ang isipan. Musta ang panahon sa mga lugar niyo.

@yujin

Dahil nasa bahay lang at wala ng gagawin kaya walang ibang maisip kung di pagkain. Ang aga kong makapagluto ng hapunan namin. Pasintabi po sa mga di kumakain nito. Basta ako favorite ko ito lalo na kung may puto. Iyon nga lang wala. Pero pwede na rin itong dinuguan pampares sa tasty bread if walang puto.

@yujin

THE WORLD HAS MANY LANGUAGES SPOKEN. BUT ONLY THE TRUTH IS THE HARDEST TO SPEAK FOR SOME. GOOD NIGHT

@yujin

Good morning Always believe that something good is happen everyday. Never stop praying. Our life is sorrounded by love beauty and joy. Now coffee time. Malamig at makulimlim sa lugar namin. Parang walang pag-asang masisilayan ko si haring araw. Inaabangan ko pa naman ang pagsikat niya.

@yujin

CHICKEN ADOBO Ang aga kong nagluto ngayon. Almusal namin ito hanggang pang lunch na. Isang lutuan na lang para tipid sa gaas at siyempre sa pagod at oras din. Maraming time for relaxing at mag-ingay dito. Habang buhay tayo ay maging masaya at gawin natin ang mga bagay na makakapagpasaya sa atin.

@yujin

Nagpadeliver pala anak ko ng pang meryenda. Ang aga pa para rito. Parang pang lunch lang. Fried rice with siomai and Shanghai. Di ko alam kung saan ang tindahan nila nito. Pero ok na rin. Masarap din. Sabi ng anak ko ay sinubukan niya lang naman kung masarap din ito. So let's eat na mga kaingay.

@yujin

Maawain din pala asawa ko pero kakaasar din dahil imbes walang iisiping utang na dapat bayaran ay nangutang ng di naman importanteng bagay. Nakatambay siya sa labas at may dumaang nagtitinda ng pahulugan. Kinuha na lang daw niya itong bulaklak dahil naawa siya sa matanda na may dala nito.

@yujin

Maagang hapunan para maagang makapagligpit. Pork sinigang ang ulam namin. May meat na, may sabaw pa at may gulay din. Kayo ready na rin ba ang hapunan niyo.

@yujin

Thank you Lord It's Monday again. Late na ako nagising. Kaya nagmamadali na sa lahat ng gawaing bahay. Bawal ma late dahil Monday. Bye muna kaingay. Have a happy day.

@yujin

Ito ang niluto kong pambaon para sa.meryenda. Niluto ko siyang style parang tempura. Ito ay kamote, carrots and and patatas. and talong. Di ba walang mag-aakala na ito ay lahat gulay lang. Nagustuhan din ito ng mga anak ko.

@yujin

Sino sainyo ang marunong gumamit ng risograph machine. Ako kahit mayron nito sa work namin pero di ako marunong gumamit nito. Iisang tao lang kasi ang authorize gumamit nito rito. Binili ito ng company sa copylandia with lifetime service. Iyon nga lang sa kanila ka lang bibili ng ink at saka master roll. Di pwedeng gamitan ng ibang brand namas mura.

@yujin

Salamat at tapos na rin ako magluto. Para mabilis maluto ay pinalambot ko muna sa pressure cooker. Kaya mabilis akong nakapagluto nito. Isa itong beef caldereta sa mga favorite ng mga anak ko. Pero ako ay pinipili ko na lang ang halong patatas at carrots at ito na lang ang kinakain ko. Mahina na ang panunaw ng mga taong nagkakaedad na katulad ko.

@yujin

Good night kaingay. Maagang matutulog para makapagpahinga na. Maghapong pagod ang katawan at isipan. Kailangang bumawi ng lakas para sa bagong hamon sa buhay na kakaharapin bukas. Lord thank you for this day. Thank you for your love and all the blessings you've given to me. Please protect me and my family throughout the night.

@yujin

Thank you Lord for another day of my life. May all I do today begin with you. Good morning happy people. Happy lang tayo palagi. Iyan ang lagi nating isipin paggising natin. Wag mag-isip ng mga negatibong bagay dahil makakasira lang iyan sa araw natin. Good morning and be happy.

@yujin

Everyday when I wake up, I am thankful and thinking how rich I am because I have a home and family. Having a home and family is priceless for me and it is a big blessings. Gandang buhay. Visit muna kay noise dahil mamaya lang kunti ay umpisa na naman na busy sa maghapon. Magbasa muna ng mga post dito. Pampa relax.

@yujin

Sharing here how I marinate pork for barbecue. Ibinabad ko lang siya sa soy sauce, pepper, maraming garlic, ufc catsup, and atswete. Di ko nilalagyan ng kalamansi or vinegar para di tumigas ang meat. Ulam namin ito mamayang gabi. Ni ready ko na para pagdating ko ay iihawin na lang.

@yujin

Breaktime na naman for meryenda. Pero di na ako kakain dahil busog pa ako. Dito ko na lang kay noise uubusin ang oras ko. Pamparelaks at ma takaw tingin sa mga post na pagkain. At siyempre may mga natututunan din akong bago rito. Isa si noise sa mga libangan ko sa tuwing walang ginagawa. Minsan may mga post ding kapupulutan ng aral.

@yujin

Kasalukuyang nagaganap ang lunar eclipse ngayon. Kaya pala parang ang dilim sa labas. Di makita ang sinag ng buwan. Naalala ko dati sa mga matatanda na kapag may eclipse daw ay wag.lalabas ng bahay ang mga buntis. Di ko alam kung bakit.

@yujin

Ready na rin ang food namin. Pagdating ko ay mabilis na lang akong nakapag-ihaw dahil na marinate na. Sa electric grill na lang ako nag-ihaw para mabilis. Iba talaga ang lasa pag matagal nababad sa mga rekado. Nanunuot ang sarap. Di ako mahilig sa softdrinks pero mas gaganahan ako nito kung may malamig na coke.

@yujin

Good morning. Now eating breakfast. Only coffee and bread. Mamaya na lang na snack time ako kakain ng rice. Medyo late nagising kaya di pa luto kanin. Mainan talaga na maaga kung bumangon. Di nagmamadali sa mga gawain. At maiwasan din na papasok ng late sa work. Kaya dapat tulog ng maaga para maaga rin magising. Happy Wednesday kaingay

@yujin

Nagsend ng picture sa akin anak ko. May nagbigay daw kasi sa kanilang tuna pasta and Shanghai. Tinatanong ako kung kakainin daw ba.nila. Di kasi nila close ang nagbigay.

@yujin

Let's eat meryenda. Baon ito ng kasama ko. Binigyan lang ako. A garlic pasta. Ngayon pa lang ako nakakain ng.ganitong luto ng pasta. Iginisa lang daw sa butter ang maraming durog na garlic. Pero okey rin ang lasa. Masarap din.

@yujin

Ang nakakatakam na garlic chicken. Share ko lang kung paano ko ito niluto. Binabad ko muna ang chicken sa maraming garlic at nilagyan ko ng black pepper, magic sarap at kalamansi. Instead of soy sauce ay liquid knorr seasoning ang nilagay ko. Binabad ko siya ng mga 30 minutes bago ko niluto. Doon ko lang siya niluto sa pinagbabaran kong sauce hanggang sa matuyo siya na akala mo para ng fried chicken. Sa may favorite ang garlic ay magugustuhan ito dahil lasang-lasa ang…

@yujin

Thank you Lord it's another day again. Ang aga kong nagising. Kaya tapos na ako magluto ng ulam ng mga bata mamayang lunch. Tuna belly steak ang niluto ko. Mapaparami na naman nito ng kain mga anak ko. Favorite din nila ito. May kunting oras pa para mag relax. Mainam na maagang nagigising dahil di nagmamadali. Lahat nagagawa ng.maayos. Have a happy day.

@yujin

Lunch time. Ang daming food ng kasama ko. May rice, may menudo at may beef nilaga. May gulay pa pala. Pero nauubos niya ganito karami. Nagpaalam naman ako sa kanya bago ko kinuhanan ng picture. Tumawa lang sa akin. Pero kita din sa katawan niya. Ang lusog.

@yujin

Ito ang compound dito sa work namin. Lahat ng nakapark na sasakyan ay pag-aari ng company. Ipinapagamit lang sa mga employees with high rank. Napasilip lang ako.at kinuhanan ko na rin ng picture dahil sa biglang buhos ng malakas na ulan. Musta ang panahon sa mga lugar niyo.

@yujin

Simple food pero masustansiya. Ginisang tawgi at repolyo na may kunting hipon. Bagay ang ganitong pagkain sa mga katulad kong tumatanda na Pero kahit sa mga bata pa ay mainam na kumain lagi ng gulay. Kain na po tayo mga kaingay.

@yujin

Thank you Lord it's Friday again. Bawat oras na ipinagkaloob sa atin ay mahalaga. Lasapin natin ang tunay na ganda ng ating buhay. Ang bilis ng panahon. Ilang araw na lang ay Christmas na. Ito ang pinakahihintay ng.lahat. Ang Christmas bonus. Ito lang ang time na may extrang pera ang mga ordinaryong employees. Gandang buhay

@yujin

Healthy food ang breakfast namin ngayon. No rice or bread muna. It's carrots and corn. Ginisa ko lang sa butter. Kain po tayo. Umagang kayganda. Kung laging magagandang bagay ang ating pagtutuunan ng pansin ay ang sarap mabuhay sa mundo. Dati sa simpleng bagay ay ang sasaya na ng mga tao. Because they are satisfied of what they have. Pero ngayon lagi kong naririnig ang salitang stress. Dahil di lang mabili ang gusto ay pinoproblema na. Di na marunong makuntento kong ano…

@yujin

Fried chicken for dinner. Para may sabaw ay nagluto ng instant.noodles ang anak ko. Dahil di namin ito mauubos kaya may ulam na kami hanggang pang agahan. Pag nagluluto ako ay sadyang dinadagdagan ko para kung sino man ang magutom at gusto pa kumain uli ay may makakain.

@yujin

Good morning. Thank you Lord for this new day again. Ang aga ko pa rin gumising. May pasok asawa ko ng six o'clock. Kaya nagluto pa ako ng babaunin niya. Ngayon umpisa na ng labahin. Para makapatuyo kaagad at maaga ring matapos sa mga gawaing bahay. Para maraming time na para mag relax. Happy Saturday

@yujin

Food for breakfast and for lunch too. Dahil maaga akong gumising kaya maaga ring natapos lahat ng gawaing bahay. Maaga ring nakapagluto. Kaya ano mang oras kung may gusto na kumain ay pwede na. Dahil ready na ang food sa mesa. Ang sarap na sa pakiramdam na habang nagpapahinga ay wala ng iniisip pang gagawin. Marami na akong oras para cellphone naman ang aatupagin. Happy Saturday kaingay.

@yujin

Si memeng habang nakahiga ako ay ayaw umalis sa baba ng kama. Nakatingala lagi sa akin. Kahit pinapaalis ko at baka makatulog ako at maapakan ko pagbaba ko ng higaan. Siguro nagugutom na ito o kaya gusto niya lang akong bantayan habang natutulog. Mabait naman ito si memeng. Kulay blue ang mata niya. Mnsan nagkukulay red pag natatamaan ng ilaw.

@yujin

Nakatikim ako sa kasama ko na nagluto ng pasta na ganito lang. At dahil nagustuhan ko rin kaya ginaya ko rin. Ito ang meryenda namin ngayon. Pasta na ginisa lang sa butter na may maraming durog na garlic. Napakadali lang lutuin at di gaano magastos. Pwede niyo rin subukan if like niyo ang garlic.

@yujin

Kararating lang ng anak ko galing face to face class. Swerte lang din ng anak ko dahil nakapasok siya sa school na malapit lang sa amin. Kaya mabilis lang makauwi. Isang sakay lang ng tricycle. Kain na po tayo. Pork sinigang for dinner. Masarap habang mainit pa.

@yujin

Late na kami nagising. Kaya para makakain kaagad ay nagluto na lang ng mabilis lang lutuin. Ang payless Pancit canton. With pandesal and coffee. Ang ganda ng panahon ngayon. Katulad din kahapon. Pero pagdating ng tanghali ay biglang umulan. Kaya sasamantalahin ko ang init ngayon. Ibibilad ko kaagad mga nilabhan ko kahapon. Maging maagap sa pagpapatuyo ng mga sinampay. Paiba-iba ang panahon ngayon.

@yujin

Ang sarap ng buhay ni memeng. Isa siyang red point siamese cat. Kung saan ka pupunta ay lagi itong nakasunod. Gusto niya lagi magpalambing.

@yujin

Nakatulog ako at paggising ko ay nakakagutom. May nagbebenta ng mga lutong pagkain sa unahan namin kaya bumili na lang ako. Medyo tinatamad ako magluto. Pancit for meryenda. Masarap din. Di na lugi sa pagbili ko nito. Sulit din sa price niya.

@yujin

Nakita ko lang ito sa fb. Pwede niyo rin subukan. At tama ang result niya. Ang galing din ng gumawa nito.

@yujin

Thank you Lord at Monday na naman. Paalis na ako papuntang work. Aagahan ko dahil Monday ngayon at maraming gagawin. At mas mainam na umpisahan ang unang araw ng linggo ng may kasipagan at kasayahan sa bawat gagawin. May this week filled with more happiness and more blessings. Gandang buhay.

@yujin

Happy Monday kaingay. Kahit sobrang busy pero happy pa rin. Sorround yourself with people that make you feel important. Some people even how kind you are but that is not enough for them. Minsan nga mga kamag-anak pa natin ang laging may mga nasasabing di kanais-nais tungkol sa atin. Ako kahit mga kamag-anak ko na di ako kilala dahil mahirap lang kami ay di ko ipinagsisiksikan ang sarili ko sa kanila. Ayokong magmukhang tau-tauhan na parang walang taong nakikita. Pasensiya na…

@yujin

Dinner na naman. Medyo natagalan ako ngayon magluto. Pork ribs barbecue ang ulam namin. Binabad ko muna siya ng mga 10 minutes sa banana catsup, soy sauce, calamansi juice, black pepper, magic sarap, onion, garlic and mustard. Iniluto ko muna siya sa kawali hanggang sa matuyo ang sauce na pinagbabaran niya. Then niluto ko na siya sa oven toaster. Let's eat na mga kaingay.

@yujin

Coffee and pancit for breakfast. Ang aga kong nagising ngayon. Kaya nakapagluto kaagad. Siyempre excited pumasok ngayon dahil payday. Talagang wala na akong budget ngayon. Dahil sa lumalaking gastusin ng mga bata sa school kaya ngayon ang pera ko ay 50 pesos na lang. Nagwallet pa ako na ganon na lang pera ko. Pamasahe na lang papasok ng work. Pero smile pa rin. Darating ang panahon na mararanasan ko rin ang maging sagana sa buhay.

@yujin

Food for lunch. Hindi po ito sa akin. Sa katabi ko po. Marami lang talaga siya kung kumain. Ako kunti lang pag kumain. Pag siya nakakatabi ko parang gaganahan.ka na rin kumain. Ang ganda niya pagmasdan habang kumakain. Ganado talaga sa pagkain.

@yujin

Dahil payday ngayon kaya nanlibre ng meryenda ang isang kasama ko rito. Buti siya dalaga pa at wala pang pinagkakagastusan. May mga trabaho rin parehas ang kanyang mga magulang. Kaya di sila hirap sa buhay. Siya ang laging nanlilibre sa amin. Naiintindihan niya raw ang sitwasyon naming may mga anak na. Di siya madamot at ang bait niya sa amin.

@yujin

Payday ngayon kaya ang niluto kong ulam ang favorite naming lahat. Ang roasted chicken. Nilagyan ko lang siya ng garlic, salt black pepper, magic sarap, rosemary, mustard, carrots and potato. Napadami na naman ng kain si bunso. Minsan lang ako kung magluto nito. Kaya natatakam mga anak ko pag ito ang ulam namin.

@yujin

Happy Wednesday. Lagi pa rin tayong happy. Lalo na sa umaga. Umpisahan lagi ang araw ng masaya at may pasasalamat kay God. Magiging masaya at magaan ang pakiramdam natin sa buong maghapon. Kung may pagsubok mang dumating ay mahahanapan kaagad ng solusyon dahil relax ang ating isipan.

@yujin

BOILED CHICKEN ITO ang niluto kong ulam para sa.lunch.ng mga.bata. Sana magustuhan din.nila. Ngayon lang ako nakapagluto nito. Di pa sila nakakain nito dati. Para sa akin mas ok ito. Dahil walang mantika at may gulay na. May patatas, carrots and cabbage.

@yujin

Nakakagutom na. Kaya lang di pa ako tapos maguto ng uulamin namin. Maliit lang kasi ang oven toaster namin. Kata matagal lutuin ang food. Pork ribs barbecue ang niluluto ko. Binabad ko muna sa mga spices at niluto sa kawali hanggang sa matuyo siya. Bago ko iluto sa iven toaster.

@yujin

Let's eat dinner. Sa wakas luto na rin ang ulam namin. Mapapadami ako nito ng kain dahil nagutom talaga ako. Kayo tapos na ba kumain? Pwede kayo manghingi sa amin kung wala pa kayong ulam. Di namin ito mauubos.

@yujin

Happy morning. Ang aga kong makaluto. Pasta with tahong. Sandali lang lutuin at matipid pa. Alas singko pa lang dumaan na yong nagtitinda ng tahong na suki ko at kinatok ako sa bahay. Kaya ito na ang naisip kong lutuin. Ginisa ko lang ang maraming garlic sa butter then nilagay ko na ang tahong. Nang luto na ang tahong saka ko nilagay ang noodles, paminta and dried basil. So let's eat. Have a happy day.

@yujin

How's your day mga kaingay? Thank you at uwian na rin. So busy today. Di talaga ako nagkaroon ng time para sumilip dito. Nakakapagod na maghapon. Pero ok lang. Para sa mga anak lahat gagawin. Bye muna at uuwi na ako.

@yujin

Dahil pagod ako sa maghapon kaya may sabaw ang gusto kong ulam dahil parang nakakabawi ng lakas. Kaya chicken tinola ang niluto kong ulam namin. Masarap ang sabaw habang mainit pa. Kain na po tayo. Maaga ako nitong makakatulog.

@yujin

Ngayong malapit na ang pasko ay sobrang busy na. Ang.dami ng ginagawa. Di ako nagkaroon ng time para makapag-ingay dito. Salamat at uwian na rin. Makakapagpahinga na ang pagod na katawan at isipan. Musta ang araw Niyo? May bagong update na ba rito.

@yujin

Katatapos lang namin kumain. Ground pork menudo with eggs ang inulam namin. Madali lang kasi ito lutuin. Dahil pagod sa maghapon kaya mamaya lang kunti ay matutulog na ako. Babawi ng lakas para sa mga daming gawaing bahay bukas. Kunti nga lang kinain ko para pwede matulog kaagad. Good night kaingay.

@yujin

Good morning. Ang aga ko.pa ring gumising. Tambak ang aking labahin. Umpisahan ng maaga. Pero kain muna ng agahan para may lakas ang katawan. Wag din abusuhin ang katawan. Pag pagod na ay ipahinga rin. Pangalagaan natin lagi ang ating kalusugan. Tayo rin ang mahihirapan kung tayo ay magkasakit.

@yujin

Natapos na rin sa tambak na labahin. Tinulungan ako ng mga anak ko kaya mabilis natapos. Ngayon naghahanda na naman ako ng lulutuin for lunch. Binabad ko muna sa mga spices ang lulutuin kong tuna steak. Relaxing time muna ngayon. Pahinga muna habang nag-iingay dito.

@yujin

Sinubukan kong gumawa ng coffee jelly. Napanood ko lang ito sa YouTube. Tunawin muna sa tubig ang jelly powder at kopiko blanca powder. Then lutuin at pag kulo na ay ihalo na ang condensed milk and evaporated milk. Mamaya matitikman ko rin ito kung masarap nga siya

@yujin

Happy Sunday. Late na nagising. Wala ng agahan. Coffee na lang. Paggising ko ay bumili kaagad ako ng gulay at gata sa talipapa na malapit sa amin. Walking distance lang. Kaya ang kan namin ngayon ay alanganing agahan at alanganing lunch.

@yujin

Let's eat. Pananghalian pa lang namin ito. Kasama na meryenda. Alanganing oras ang breakfast namin kaya di kami nagutum kaagad. Pork menudo ang ulam namin ngayon. Meryenda na para sa karamihan pero lunch pa lang sa amin.

@yujin

How's your day mga kaingay? Sobrang busy at nakakapagod ang araw na ito. Lalo pa di ako maagang nagising kanina. Kaya nagmamadali sa lahat ng gagawin. Pagdating pa sa work ay tambak din ang.trabaho. Pero ok lang mapagod. At least may sahod na hinihintay pagdating ng payday. Dahil mas nakakapagod pag walang pera.

@yujin

Naasar anak ko. Ito kasing si memeng pasaway. Ang daming pwede higaan, Sa laptop pa talaga niya ang napili. Ayaw pa namang umalis.

@yujin

Kakain pa lang kami. Kakatapos ko lang magluto. Di ko alam kong anong tawag dito sa niluto ko. Basta iginisa ko lang siya sa.maraming garlic at inilagay ang mga spices hanggang sa mauyo siya na akala mo ala fried chicken. Ang sarap din. Tara let's eat na po.

@yujin

Sinigang na hipon. Kain na po tayo. Ito ang niluto ko dahil sandali lang maluto. Para makakain kaagad. Dahil sa laging busy ngayon kaya di ako naging active rito. Sa umaga ay nagmamadali na para maagang makapasok at matapos lahat ng gawain. Ganito talaga kami pag malapit na ang pasko. Laging busy.

@yujin

Nagkaroon din ng time para dito kay noise. Kita ko ang mga ngiti ni bunso paggising niya kaninang umaga. Nang makita niya ang niluto kong ulam nila ay grabeng thank you ang natanggap ko. Ito kasi ang favorite niyang food. Ang lechon kawali. May bagong update na ba kay noise.

@yujin

Dinner na naman. Mabilis akong nakaluto. Naka marinate na itong chicken kaninang umaga pa bago ako umalis. Nilagay ko na lang sa ref. Kaya pagdating ko ngayon ay prito na lang. Pero ako di na kakain ng ride. isang hiwang fried chicken na lang. Ang mga anak ko mas gusto nilang sawsawan ang mang tomas kaysa catsup para rito. Kain na po tayo.

@yujin

Happy morning. Thank you Lord for another day. Ang aga kong nagising kaya tapos na ako magluto ng food ng mga anak ko. Kaya may kunting time para sumilip dito at mag-ingay. Pork belly asado ang niluto ko. Parang adobo rin lang ang pagluto. Pag di ito nila maubos ay hanggang mamayang gabi na namin itong ulam. Di ito kaagad napapanis. Gandang buhay

@yujin

15 minutes breaktime. Instead na mag meryenda ay dito na lang kay noise. Busog pa naman ako. Malapit na talaga ang pasko. At si noise may maagang pamasko sa lahat. Gusto niya ay maging masaya ang pasko ng bawat isa. Alam ko na lahat dito ay masaya na uli. Dahil si noise ay nag-uumpisa na uling mamigay ng blessing para sa ikasasaya ng lahat.

@yujin

Bago ako umalis kaninang umaga ay may binabad na akong pork belly for barbecue. Para kung sakaling maubos ng mga anak ko yong niluto kong ulam kanina ay mabilis na lang pagluto. Di na ako magmamadali pa.

@yujin

Kunti na lang ang ulam na natira ng mga bata. Alanganin ng ulam namin ngayong gabi. Kaya nilagay ko na lang sa ref. Pagdating ko ay sinalang ko kaagad ang ihawan sa kalan. Kaya malapit na rin ito maluto. Ito ang unang gamit ko nitong ihawan. Binigyan ako ng boss ko ng maagang pamasko. Para may souvenir sa binigay niya kaya itong ihawan ang binili ko. Nabili ko siya sa handyman sa halagang 2900 pesos.

@yujin

Thank you Lord for this beautiful day. Ang saya ng umaga ko ngayon. Dahil sa mga unexpected blessings. Isa na rito si noise. Ang sarap sa pakiramdam pag may maagang Santa Claus. Now drinking warm water while cooking. Have a blessed and happy day.

@yujin

Oras na para magsimula sa work. Pero silip muna kay noise saglit. Dahil maaga akong nagising kanina kaya nalutuan ko pa ng lumpia Shanghai ang aking mga anak. Favorite itong food ng mga anak ko lalo na kung may sweet and spicy.na ketchup. Have a happy day. Enjoy every moment of our life.

@yujin

Tapos na ako kumain ng lunch. Share ko lang dito ang pagkain ng kasama ko. Sa dami ng food niya ay.busog much talaga siya. Pero kita din sa katawan niya. Dahil ang lusog niya.

@yujin

Since it's Friday kaya it's monggo day. Ginisang monggo is a common meal among Filipinos every Friday. Because some are avoiding meat as part of Catholic tradition. Nilaga na ng mga anak ko ang monggo pati pansahog na kunting baboy kaya pagdating ko ay igigisa ko na lang. Kaya mabilis ko na lang itong naluto. So kain na po tayo.

@yujin

Tapos na kami kumain ng dinner at tapos na rin magligpit. Kaya relaxing time na lang. Habang nanonood ng tv ay andito rin kay noise para mag-ingay. Gumawa ako ng pure tomato juice para inumin ko mamaya. Papalamigin ko muna. Naghiwa ako ng mga 15 pieces na kamatis at piniga ko siya kasama ang mga buto. Then sinala ko na lang. Ito na iyong juice niya. Iinumin ko ito mamaya bago matulog. Pero sa mga acidic ay hindi po ito pwede.

@yujin

Good morning May God Bless everyone. Be responsible and dependable enough na mapabuti ang ating buhay para di tayo maging pabigat kahit kanino man. Laging tandaan. Habang tayo ay nabubuhay, Enjoy every moment of our life.

@yujin

Rest day ngayon. Pero maaga pa rin akong gumising. Kaya tapos na ako sa lahat ng gawaing bahay at pati food namin ay luto na rin. Chicken lollipop ang niluto kong ulam namin. Di pa nga kami kumakain ng lunch ay kunti na lang. Pinapapak ng mga anak ko. Nagustuhan din nila

@yujin

Happy afternoon. It's our choice to feel happy. And the best time to be happy is now. A little help and a little kindness Makes us happy. Hindi lang tayo lalo na ang taong nabigyan natin. Lalo na ngayong Christmas season. Share some of our blessings to others.

@yujin

Early dinner. Ang aga pa pero kakain na kami ng dinner. Fried pork ang ulam namin. Kakain kami ng maaga pa para maaga makapagligpit. Kung gutumin ay pwede naman kumain uli. So kain na po tayo.

@yujin

Good morning noise family. God is good. I feel his presence everyday in the lives of other people. It's Sunday again. Even I can't go to church but everyday I believe in God.

@yujin

Dahil Sunday ngayon at nasa bahay lang kaya ang aga kong nagluto ng ulam namin. Ang niluto ko ngayon ay yong minsan ko lang lutuin. Ang vinegar chicken. Isa ito sa mga favorite food namin kaya pag nasa bahay lang ako at may mga ingredients din ay ito ang niluluto ko. So kain po tayo. Alanganing almusal at alanganing lunch din.

@yujin

Happy afternoon. Ang aga ng anak ko magpadeliver ng pizza for merienda. Kahit medyo busog pa ay kakain na rin dahil andiyan na. At saka mas masrarap ito kainin pag medyo mainit pa. So let's eat na mga kaingay.

@yujin

Natapos na naman ang isang araw. At ngayon hapunan na naman. Maaga akong nagluto para maagang makakain. Makatulog ng maaga at maagang papasok bukas. Ilang araw na lang at pasko na. Ang iba nakikita ko ng namimili ng mga panregalo. Pero ako para sa mga inaanak ko ay kunting cash gift na lang. Kung ano lang ang makayanan. Kain na po tayo. Beef salpicao ang ulam namin ngayon.

@yujin

It's Monday So much nakakapagod na araw. Silip muna saglit kay noise habang hinihintay ko kasama ko. Pumunta pa ng rest room. Pupunta kami sa warehouse para.mag inventory ng mga T-shirts for Christmas giveaway. Bye muna. Happy afternoon.

@yujin

Sinubukan kong magluto ng pork kare-kare. Masarap din pala. Kaya lang medyo kulang sa sauce. Sa susunod mas pasasarapin ko pa pagluto nito. Try ko lang naman ito. Di pa ako gaanong marunong magluto nito. So kain na po. Nakakapagod ang araw na ito at nakakagutom na rin.

@yujin

Good morning. Thank you Lord for this new day. Maging masipag tayo at matiyaga. Upang ang mga biyaya ay aapaw sa atin. And don't forget to thanks God for everything.

@yujin

Hello kaingay. Napagod ako sa maghapon. Kaya ito na lang ang niluto kong ulam namin. Yong mabilis lang lutuin. Tuna belly in can ang food namin. Iginisa ko lang sa garlic at tomatoes. Kain na po tayo

@yujin

Good morning. Ang aga ko pa rin nagising kahit holiday ngayon at walang pasok. Let us remember our courageous hero as we celebrate Bonifacio day today. Sila ang mga taong nagbuwis ng kanilang mga buhay para sa ating bansa. Happy holiday

@yujin

Dahil holiday ngayon kaya ang aga kong magluto ng ulam namin. Pork sinigang ang niluto ko. Medyo nasubrahan ko ng lagay ng pang-asim. Pero ok pa rin ang lasa. Kain po tayo. Agahan at pananghalian.

@yujin

Let's eat merienda. Nagsawa rin ako sa kakakalikot ng cellphone ngayon. Masaya rin pag may mga holidays katulad ngayon. Magagawa mo ang mga bagay na di nagagawa pag working days. Healthy food ang ginawa kong meryenda namin. Mixed fresh fruits and vegetables. Nilagyan ko lang ng kunting sugar, mayonnaise at cream. Kain na po.

@yujin

Dinner na uli. Di na ako nagluto. May tira pang pork sinigang na niluto ko kanina. Ito na lang ang uulamin uli namin. Pinainit ko na lang. Kain po tayo.

@yujin

December na at pasko na. Good morning everyone. Praying that this month of December filled with more blessings and happiness. And I am ready to claim it. Now drinking coffee while cooking. Buhay nanay nakakapagod din. Pero para sa mga anak ay di ko nararamdaman ang pagod. Lahat ng kaya ko ay ginagawa ko para sa kanila. Gandang buhay.