read.cash Log in

@yujin

Joined 9 September 2022 · 458 posts

What you give out will return to you

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@yujin

Mixed fruits and vegetables salad. Healthy na masarap pa. Isa ito sa mga favorite dessert namin. Minsan ito na rin ang ginagawa naming meryenda.

@yujin

Good morning. Wala pa ring pasok ngayon kaya sulit talaga ang pahinga. Maraming oras para sa pamilya. At siyempre nakaka relax din ng isipan. Masaya talaga pag kasama mo ang pamilya sa oras ng mga holiday. Kaya sulitin ang bawat oras na kasama sila.

@yujin

Unang araw ng taon ay ganito kalakas ang ulan sa amin. Pag ganito kalakas ang ulan ay isang oras lang ay babaha na sa lugar namin. Pero sabi nila ay blessing din ang ulan.

@yujin

January 01, 2023. Thank you Lord for the new year. new month, new day, new life and new blessings.

@yujin

Happy new year. Umpisahan natin ang unang araw ng taon ng masaya at pasasalamat sa lahat ng blessings na ating natanggap at matatanggap pa lang. Kalimutan na natin ang lahat ng mga pangit na nangyari sa ating buhay noong nakaraang taon. Para maramdaman natin ang totoong kasiyahan sa ating buhay. Good morning and May this year filled with love, happiness and more blessings.

@yujin

Kaugalian na ng mga tao ang mag-ingay tuwing new year. Dito sa amin ay masakit na sa tainga makinig sa mga ingay ng mga kapitbahay. Di na magkarinigan. Wala pa nga ang new year ay kanya-kanya ng palakasan ng sounds. Di na maintindihan kung anong sounds ang pakikinggan mo. Musta sa inyong mga lugar.

@yujin

Isa rin ako sa mga sumusunod sa mga ginagawa ng karamihan tuwing sasapit ang new year. Kaya ngayon pa lang ay ready na. Sumusunod lang ako dahil wala namang mawawala kung maniniwala. Laging magagandang bagay lang ang ating isipin na iyon ang dumating sa ating buhay. Gandang buhay

@yujin

Good morning. Lahat ng tao ngayon ay busy na sa paghahanda ng mga lulutuin para mamaya. Dito sa amin ang aaga ng mga taong namalengke at ang dadaming pinamili. Kaugalian na talaga natin ang maghanda tuwing new year. Advance happy new year everyone.

@yujin

Good morning and advance happy new year. Apat na araw ding walang pasok dito sa Pilipinas. Kaya yong mga Gusto mag bakasyon ng prov ay may pagkakataon na. Iyon nga lang ang daming mga pasahero ngayon at siksikan talaga. Rizal day ngayon. Alalahanin natin ang mga kabayanihang nagawa nila para sa ating bansa.

@yujin

Good evening. Ilang araw na lang ay 2023 na. Sana maging masagana tayong lahat.ngayong darating na bagong taon. Sabi nila pag sinalubong daw ang bagong taon ng maingay ay mas maswerte. Tara let's eat dinner. Fried pork ang ulam namin.

@yujin

Good morning. Super late na ang gising namin. Lahat napasarap ang tulog. Ok lang din dahil holiday pa naman ngayon. Sulitin ang pahinga. Kung hindi pa ako nakaramdam ng gutom ay di pa sana ako babangon. Lahat ng kasama ko sa bahay ay mga tulog pa. Have a happy and blessed day everyone.

@yujin

Dahil malalaki na ang mga anak ko kaya di na sila pumunta sa kanilang mga ninong at mga ninang. Pero di ko akalaing ngayong hapon ay sila ang pumunta sa amin para magbigay ng pamasko sa mga anak ko. Kaya ang sasayapa riin nila dahil nakatanggap pa sila ng gifts at may cash pa. Dinner na naman. Kain po tayo. Ito lang ang kakainin ko ngayon.

@yujin

Happy Christmas. Ang sasaya na ng mga bata ngayon. Ang dami ng namamasko sa kanilang mga ninong at ninang. Pero karamihan ay ito ang totoong nangyayari. Di ba mga kapwa ko nanay.

@yujin

Good morning noise family. Merry Christmas. Nakikita ko halos lahat ng kapitbahay namin ay busy sa paghahanda ng mga lulutuin na mga pagkain. Pero ako ay busy din. Kaya lang sa paglalaba. Sana lahat tayo ay maging masaya.pa rin ang ating pasko kahit ano mang pagsubok ang nararanasan natin. Have a happy day.

@yujin

Good evening guys. Sobrang nakakapagod na araw. Gabi na rin ako nakauwi. Tinapos muna ang lahat ng dapat tapusin. Pero makakapagpahinga rin dahil tatlong araw.din na walang pasok. Pagdating ko ng bahay ang daming mga batang nangangaroling. Natatawa ako sa ibang mga bata dahil pag di nabigyan ang lalakas ng boses na kakanta ng ang dadamot niyo

@yujin

Dinner na naman. Beef caldereta ang niluto ko. Maraming patatas ang hinalo ko dahil ito lang ang kinakain ko rito. Minsan na lang ako kung kumain ng meat. Mga anak ko.lang ang may gusto ng mga ganitong food. Tara let's eat

@yujin

Good morning. Lord thank you for another day. Ang sarap pa sana matulog. Lalo na ang lamig na ng panahon. Pero di pwede at kailangan ng bumangon. Kahit wala pang 25 pero marami na akong nakikitang may mga bitbit na regalo. Kaugalian na talaga na tuwing pasko ay nagbibigayan ng regalo. Have a happy and blessed new day.

@yujin

Simula Monday ay ngayon lang uli ako nakapagpost dito. Dahil sa sobrang busy at pagod na rin. Pero hanggang sa Friday na lang naman ang busy talaga kami. Merry Christmas sa lahat. Sana maging masaya ang pasko nating lahat. Nagpapasalamat din ako sa mga mababait naming mga boss sa mga pinamigay na pamasko.

@yujin

Kakarating lang namin. Sabi ko ay di na kami Kakain sa labas para makatipid. Pero di rin nakapagpigil ang anak ko. Nag take out pa rin ng chicken McDonald. Pero ok lang. Minsan lang naman.

@yujin

Happy Sunday guys. Ang aga ko magluto ngayon. Salmon with oyster sauce. Kakain muna kami bago gumala. Para makatipid dahil busog na at di na kakain sa labas. Kung ano lang ang sadyang bibilhin ay iyon lang.

@yujin

Pancit canton for meryenda. Sabayan ng tinapay at coffee or coke. Talagang busog much lagi pag nasa bahay lang. Pagkain lang lagi ang nasa isipan. Lets eat guys.

@yujin

Happy weekend. Ang aga kong makaluto ng ulam namin. Almusal namin ito hanggang pananghalian. Pork asado ang.niluto ko. Lahat ng mga kasama ko sa bahay ay mga tulog.pa. Paggising nila ay kakain na lang. Siguro karamihan ay nakatanggap na ng 13th month pay. Lahat ng taong nakikita ko rito sa amin lahat nakangiti. Gandang buhay

@yujin

Late na ang dinner namin. Late na rin kasi ako umuwi dahil Christmas party namin. Di pa tapos ang party pero umuwi na ako. Iba talaga ang mga nanay. Laging mga anak ang nasa isipan. Ang hina ng signal sa.amin ngayon. Di makapag upload ng.picture.

@yujin

Friday na naman at ang ganda ng.panahon sa lugar namin. Christmas party namin ngayon. Kaya lang ay walang party para sa pangkalahatan. Only per department. Pero masaya na rin ang lahat.

@yujin

How's your day noise app family? Katatapos lang namin mag dinner. Nakabisita rin dito ngayon. So busy today. Ok lang at productive ang araw ko ngayon. Busy sa work at pagdating.ng bahay ay.may pinagkaabalahan pa rin lalo na iyong mga bayarin. Kahit pagod pero nakangiti pa rin. Mas gumagaan lahat ng pagsubok sa buhay kung relax lang at di nakasimangot. Good night guys.

@yujin

Late na ang dinner namin. Chicken salpicao ang ulam namin. iginisa ko lang sa maraming garlic at hinaluan ng mushroom. Tara let's eat.

@yujin

Lahat ng tao sa work namin halos lahat nakangiti. Dahil ngayon nakuha ang pinakaaabangang 13th month pay. Kaya eksaktong five o'clock ay tayuan kaagad lahat. Excited ng umuwi. Siyempre ito lang ang time na may ekstrang pera ang mga ordinaryong manggagawa. Kahit papano may maibibigay na ako sa mga inaanak ko. Ito lang ang kasiyahan ng mga bata pag December. Kaya mga ninang at ninong ay wag niyo naman silang pagtaguan

@yujin

Birthday ngayon ng kambal ko. Wala kaming handaan. Simpleng kainan lang. Salamat sa mabait nilang tita na nagbigay ng.cake.

@yujin

Sobrang nakakapagod ang araw na ito. Salamat sa mga anak ko dahil pagdating ko ay may luto ng pagkain. Tapos na sila magprito ng chicken at nakasaing na rin ng kanin. So let's eat na guys.

@yujin

Ang aga kong kakain ng dinner ngayon. May tira pang gulay na nakalagay sa ref. Ipinainit ko na lang. Kaysa masayang. Wala ng may gustong kumain nito rito sa bahay. Lagi na lang ako ang taga kain ng mga tirang ulam. Pag ikaw talaga ang.namimili ay di ka magsasayang ng kahit kunting pagkain dahil sa taas ng mga bilihin ngayon.